4
BRIANNA
Tapos na akong makapag exam at ang saya saya ko. Just like what i’ve thought. Kasama lahat ng nireview ko sa exam namin.
Nako hulog ba ng langit si Lance o kampon ni satanas? Sana naman wag masama ang mga ipagawa nya sakin.
Naglalakad na ko ngayon palabas ng room kung saan ako nag exam at nakita ko ang mamahaling Porche ni Lance na nagaabang sa parking lot. Nandun sya sa unahan nito at nag aantay. Kumaway sya sakin ng makita nya ako.
Gusto kong iwasan sya pero alam kong hindi iyon magandang idea. Kaya nyang ipapull out yung papers ko ng isang iglap.
LANCE
“hi, kamusta exam mo?”
“hm ayos lang. Easy.”
Casual na sabi nya. Sabagay, scholar sya at imposibleng mahirapan sya sa exam.
“sakay na.”
“san tayo pupunta?” alalang tanong nya.
“kakain. Di ka ba nagugutom?”
“ay buti naalala mo, nagugutom na pala ako”
Tss weird.
Akmang sasakay na sya ng biglang…
“teka, mahirap lang ako a. Baka madumihan ko yang kotse mo.”
“ipapalinis ko nalang”
“ay kapal talaga. Sumangayon na madudumihan ko ang kotse nya” pabulong nyang sabi.
“anong sabi mo?” kunwari kong tanong
“ah wala. Sabi ko gutom na ko”
Sumakay na kami sa kotse pero di ko parin pinapaandar. Pagkasakay kasi nya, natalo yung matapang na pabango ng kotse ko. Yung amoy strawberry na lang na nagmumula sakanya yung naamoy ko.
Hinatak ko ang seatbelt sa gilid nya at kinabit ito. Ang lapit ko sakanya. Lumayo na ako at baka kung ano pa ang magawa ko.
Pumunta kami sa fine dining restaurant. Pagkarating namin dito, maraming tao pero hinanapan agad kami ng mauupuan ng staff. Dapat lang. Kayo kong bilhin tong resto na to in just a snap of my fingers.
“ui bakit di tayo pumila? Ang daming nagaantay oh. For reservation pa daw. Hala ka”
“i don't want to wait”
“ay putek hindi naman ata pwede un. Ang sabi diba, you should wait for your own turn. Ibig sabihin nun, antayin nating matapos lahat ng tao na nag aantay ng mauupuan bago tayo makakuha ng para satin”
Camille is different. Camille doesn't want to wait. The “first come first serve” policy is not her thing.
Pero itong babae na to, ibang klase. May nalalaman pang own turn own turn. Hindi uso yun sa maperang tulad namin.
Hindi ko na sya pinansin at pinaupo sa pwesto ng pagkakain namin.
“ui Lance, ikaw nalang umorder sakin a. Di ko alam banggitin yung mga nasa menu e. Masyadong sosyal. Kahit ano sakin. Wag lang may hipon”
“okay” tss alergic sya sa hipon? Si Camille, hindi. pero madami parin syang hindi kinakain. Mapili yun sa pagkain e.
After naming kumain, hinatid ko narin sya sa apartment nya. Nag iinsist nga sya na mag isa na syang uuwi pero syempre hindi ko yun hinayaan. Mas maigi na mapanatag agad yung loob nya sakin. Para mas mabilis ko syang magagamit
YOU ARE READING
His (R-18)
RomanceWe are enemy. we are very different from each other. he's a campus royalty. i am the weird girl that nobody cares. but we built a relationship that I thought would last. then he left me. i pleaded. i begged. he didn't listen. he broke my heart wide...