Chapter 4

156K 4.2K 362
                                    

"MOMMY!" Hinihingal na nagising ang dalaga mula sa masamang panaginip na paulit-ulit niyang napapanaginipan.

Alyona sighed and cried. She was with her mother in her dream, but all she could do was to watch her mother slowly dying in front of her while the evil ones were having a good time.

Napaayos ng upo si Alyona at sinulyapan ang paligid. Isang linggo na rin siyang hindi umuuwi. Nasa harapan lang siya ng puntod ng kaniyang ina paminsan-minsa'y tumutugtog ng biyolin. Hindi niya alintana ang makukuha niyang sakit dala ng pag-ulan at pag-araw habang nananatili siya rito sa sementeryo. Wala na siyang pakialam kung mamatay rin siya sa gutom, huwag lang niya mapahirapan ang mga taong nakapaligid sa kaniya.

Mapait siyang napangiti nang maalala kung gaano kagaling na musician ang kaniyang ina. Tinitingala ang mga musika nito na kung hindi ito nawala, marahil ay napakikinggan pa sana ang malalamyos nitong mga musika.

'It's been almost a week now, Mom. I am positive na malapit na rin tayong magkasama,' wika ng dalaga sa kaniyang isipan habang hinahaplos ang lapida ng kaniyang ina.

Hindi na maibabalik ang buhay ng kaniyang ina. Ang dating buhay ng dalaga na puno ng seguridad at pagmamahal ay matagal nang wala sa kaniya. Wala nang natira bukod sa sarili niya at ang pagnanais na lisanin ang mundo.

'Life is so unfair, Mom! Bakit ikaw pa ang kinuha sa akin? Ano'ng kasalanan ko?' dugtong niya habang umaagos ang mga luha mula sa kaniyang mga mata.

'I am tired, Mommy, tired of everything. All I want is to be with your warm arms . . . to hold you . . .' Nagpakawala ng iyak ang dalaga dahil iyon lang naman ang tanging mailalabas ng mga labi niya. Gusto niyang sumigaw ngunit walang lumalabas na tunog sa kaniyang bibig.

The cemetery kept her calm. Mabuti pa ang mga patay, tapos na ang paghihirap nila, samantalang siya na may buhay, humihinga nga pero parang wala na siyang patutunguhan.

Mga patay ang kasama ng dalaga nang ilang araw, pero walang nanakot o gumalaw sa kaniya. Naramdaman din kaya nila ang panaghoy at pighati niya? Sana nga . . . sana ay nararamdaman nila kahit doon man lang ay may nakaaalam sa pinagdaraanan niya.

'Mommy, kapag ba sumunod ako sa iyo ay tatanggapin mo ako? Tatanggapin ba Niya ako? Wala naman kaming kasalanang may mga kapansanan, 'di ba? Pinunasan niya ang kaniyang mga luha. 'Wala naman kaming kasalanan, 'di ba? Isinumpa ba kami ng Panginoon upang maging ganito?'

Hirap na hirap na ang kalooban ni Alyona. Alam niya na wala na siyang karapatang mabuhay gaya ng wala na siyang karapatang makahanap ng taong magmamahal at mag-aaruga sa kaniya. Matagal na silang naglaho.

Tumayo si Alyona na tila ito na ang huling pagyakap at pagpunta niya sa libingan.

Sana lang naman ay maiintindihan ng kaniyang ina ang kaniyang mga suliranin. Nilanghap niya ang malamig na simoy ng hangin.

This would be the last time she will inhale this air, the last time she would enjoy the night without worrying about how she will survive her lonely life.

'Hindi ko alam kung makababalik o makapupunta pa ako rito, Mommy. Buo na ang pasya ko . . .'

Bitbit ang biyolin ay naglakad muli ang dalaga Sinulyapan niya muna ang libingan ng ina. Napaluha si Alyona nang makita ang aparisyon ng ina na umiiyak.

Kitang-kita ng dalaga ang hubog ng mukha nito pati na rin ang kalungkutan na bumabalot dito. Kinagat ng dalaga ang kaniyang ibabang labi habang pinipigilan ang mga hikbing nais lumabas sa kaniyang bibig. Nginitian nito ang kaniyang ina—ngiting walang-kabuhay-buhay at wala nang pag-asa.

Ruthless Men Series 1: Hellion's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon