Chapter 11

140K 3.9K 395
                                    

HELLION was about to murder the man in front of him who was kneeling and pleading for his life. He decided not to prolong the f*cker's life. Papatayin niya rin naman ito kaya bakit pa niya patatagalin ang mga paghihirap nila?

Isa pa, ang mga ito ang dahilan kung bakit hanggang sa pagkakataong ito ay walang-malay ang babaeng hindi niya maamin-aming mahal na niya sa unang tingin pa lang. Hindi man niya sabihin, halata naman siya ng mga taong nakapaligid sa kaniya.

.

"Boss! The lady is missing!" humahangos nitong sabi.

Hellion told everyone to call Alyona as lady and not by her name. Siya lang ang puwedeng tumawag sa dalaga sa pangalan nito. Naging madilim ang anyo ni Hellion at agad na pinaputukan si Jask na siyang nagpatigil sa kaniya sa pagbaril sa dalawang nakatakas.

Imbes na sa dalawa ibabaril ang mga bala, si Jask ang napagbuntunan ng galit ni Hellion. Sa kabutihang palad ay nakaiwas si Jask.

"Did you say she's missing?"

Napatalon ang tatlong taong nakapaligid kay Hellion na nasa bodega, pati na rin ang nasa labas na mga tauhan nito. Tama ang desisyon nila na huwag nang sumunod kay Jask dahil alam nilang ito ang mapagbubuntunan ng galit ng boss nila.

Jask hesitated at first, but quickly nodded when he realized Hellion dislikes waiting.

Nagtagis ang bagang ni Hellion. "Didn't I make it clear a while ago that you need to keep an eye on her while I'm away?!" Dumagundong uli ang boses niya ngunit hindi na lang sa bodega dahil rinig na rinig na ito sa buong estate.

Kung galit siya kanina ay mas triple ang galit niya sa pagkakataong ito. Punong-puno ng itim na aura si Hellion nang lumabas sa bodega.

"Take care of the two f*ckers," malamig na sabi niya sa iba habang nakasunod sa kaniya si Jask na muntik nang atakihin sa puso dahil akala niya ay mawawalan na siya ng buhay. He looked like a lost puppy following his boss.

"Umihi lang ako sandali, boss. Si Karlos naman ay kumuha ng gamot sa stock room. Pagkabalik naming pareho, wala na siya." Sinubukan ni Jask na magpaliwanag ngunit tila bingi si Hellion sa paglalakad hawak pa rin ang baril niya. He would surely kill them for not taking care of the girl.

"Shut up, Jask. Umalis ka sa harapan ko at sabihin ang lahat na maghanap."

Napangisi si Leon nang makasalubong si Jask na tila wala sa sarili sa ginawa ng boss nila. Ganito sila kapag galit si Hellion. Walang makapipigil dito.

"Mahal na mahal mo talaga ako, Jask! Bumalik ka kaagad! Masakit ba?" pang-asar na tanong ni Leon dahil alam nitong galit si Hellion at bumubuga ng apoy sa pagkakataong ito.

Alam ni Leon na nawawala ang dalaga dahil nauna itong inimporma ni Jask sa nangyari. Sinamaan ito ng tingin ni Jask at naglakad na paalis upang hanapin ang dalaga. Ayaw nilang mawasak ang buong Zchneider's estate.

"Shut up, man! Maghanap ka dahil anumang oras ay hindi lang apoy ang ibubuga ni Boss, pati asido ay bubuga siya at patay tayong lahat!" Nilampasan nito si Leon na nabato sa kinatatayuan nito.

Alam ni Leon kung ano ang ibig sabihin ng kaibigan at para itong baliw sa katatakbo at nagsisigaw na utusan ang lahat na hanapin ang dalaga. He was concerned not only for himself but also for those who will suffer from Hellion's rage. His name was appropriate for him.

Kung sa impiyerno ay si Satanas ang masusunod, sa lupa ay walang tauhan ang hindi susunod kay Hellion. All of them were panicking. Twenty people were roaming around the estate.

Parang mga baliw ang iba sa katatakbo dahil sa panic at kaba sa gagawin ng boss nila sa oras na hindi nito makita ang hinahanap sa susunod na dalawang oras.

"D*mn! What's the deal with that b*tch? Why should we have to suffer because of her?" one of Hellion's men said.

"Be careful what you say. The devil is just around the corner," they warned.

When Hellion heard it, the man who said it was lifeless on the ground. His mouth was spewing blood. Sa sobrang gulat ng mga kasamahan nito ay hindi sila makagalaw at ang iba ay tila natuklaw ng ahas sa putla.

"The next time I hear an insult for my woman, I'm going to kill you all," he declared coldly. He entered his mansion. He knew the girl was just hiding somewhere inside the mansion because she was afraid.

At iniisip pa lang niya na umiiyak ang dalaga, sumasakit na ang dibdib niya. He needed to find the girl as soon as possible.

Wala mang kasiguraduhan kung saan niya mahahanap ang dalaga ay determinado at pasensiyoso niya itong tiningnan sa bawat sulok ng mansiyon.

"Alyona, where are you?" he muttered softly as he walked around his mansion, searching every room. Bawat kuwartong madaanan niya ay hinalughog niya. "Nasaan ka, Alyona? Don't be afraid, baby. I won't hurt you, my innocent girl," he begged.

The girl melted Hellion's cold heart. Mababaliw na ang lalaki anumang oras kapag hindi pa niya nakita ang dalaga. Sa laki ng mansiyon ay aabutin ito nang ilang oras upang malibot.

***

SAMANTALA, sa isang kuwarto, Alyona was crying heavily. She didn't know where she was and it scared her.

"M-Mommy ko . . . M-Mommy ko . . ."

Marahil ay hindi napapansin ng dalaga pero ang mga labi niya ay bumubuka. Hirap man ay maririnig ang malamyos at paos niyang boses sa buong silid na kinaroroonan niya. Wala siya sa kamalayan na nakaririnig at nakapagsasalita na siya.

She continued to sob. Wala na siyang makita dahil sa mga luha niyang nag-uunahang maglandas sa kaniyang mga mata. Tila siya ay isang batang paslit sa pagtangis, sumisinghot, at tumutulo ang mga sipon. Nagsusumiksik ito sa gilid ng kama sa silid na kaniyang pinasukan at doon nagtago.

Natigilan naman si Hellion habang nasa harapan ng isang kuwarto, ang nag-iisang silid na hindi pa niya napapasukan. He was hesitating because it was his sister's room. He pledged that he won't enter the room without fulfilling his promise to her.

He pulled his hair out of frustration and anger, dahil sa pangungulila agad sa dalaga. Tatalikod na sana ang lalaki nang makarinig siya ng pag-iyak mula sa loob ng silid ng kaniyang kapatid. Sa taranta ay nasira niya sa isang iglap ang pangako sa sarili. Wala sa sariling binuksan niya ang kuwarto.

Tahimik siyang pumasok at ang nakita niya ay muntik nang magpaluhod sa kaniya dahil sa paninibugho sa dalaga. The girl was crying with her hands on her face. Panay ang bulong nito. Panay ang tawag sa kaniyang ina.

Nanginginig na lumapit si Hellion sa dalaga. Madilim man ay kitang-kita niya ang paghihirap nito.

"M-Mommy . . ."

Hellion was shocked hearing her angelic voice. It touched his heart.

Naramdaman naman ni Alyona na may nakamatyag sa kaniya. Itinaas niya ang ulo para silipin kung sino ito

Dali-daling umatras palayo si Alyona kay Hellion. Nasaktan naman ang binata dahil doon. Gayunman ay sinubukan pa rin nitong lapitan ang dalaga.

"H-Huwag!" Hirap man sa pagsasalita si Alyona ay pinilit niyang mapagtagumpayan ito para lang mapigilan si Hellion. She even protected herself with her hands.

'She's afraid,' Hellion thought. Nanghihinang napaluhod si Hellion sa harapan ng dalaga. Ayaw niyang makitang ganito ito. Hindi kailanman iyon ang sinasabi ng puso at isipan niya.


Ruthless Men Series 1: Hellion's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon