CHAPTER TWO

38 2 0
                                    






"Good morning!" nagising ako sa sigaw ni Bryle. "Gising na! Breakfast's ready!"

Minulat ko ang mga mata ko. "What the heck are you doing here?!" How the hell did he enter my room?! But wait, before that... how the hell did he enter my house?! Ay teka, may duplicate key nga pala. Pero sa kwarto ko, paano?

"Ang arte mo ha! 'Di mo kaya ni-lock, aawayin mo pa ako. Hanggang ngayon ba may jetlag ka pa din?"

Biglang tumunog 'yung phone ko. May nag-message sa'kin sa messenger at si Ethan 'yon.

Napangiti ako ng makita ko ang message niya sakin.
I looked at the time. It's 7:52 in the morning here in the Philippines. So it means 11:52 na ng gabi sa UK. Philippines is 8 hours ahead of UK.

 Philippines is 8 hours ahead of UK

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mr. Einstein kasi 'yung nickname niya sa messenger ko. Ang talino kasi niyan, kaya pinangalanan ko siya ng ganun. Sa Science laboratory namin sa school kami unang nagmeet at mahilig siya mag star gaze.

"Anong bonjour belle? Belle na ba pangalan mo ngayon?"  tanong ni Bryle.

I chuckled. "It means, good morning beautiful"

"Ay bakit beautiful ka ba?"

"Hindi na tinatanong 'yan!"

"Bumangon ka na at kumain ka na."

"Huh?" nagtaka ako, pinagluto niya ako?

"Oo, pinagluto kita. Inihabilin ka kasi samin ng mommy mo. Alagaan ka daw naming mabuti. Tingnan mo lab na lab ka ni tita. Kaya kumain ka na!"

"Seriously kailan ka pa natutong magluto?"

"Uh, 1 year ago? Tinuruan ako magluto ni Myzie."

"And who is this Myzie?"

"My good friend."

"Bakit hindi ko siya kilala?"

"Classmate ko kasi siya nung senior high and ayun naging friends kami. Pinagkakamalan na nga kaming mag-jewa e. Pero.." medyo nahihiya pa siya "...crush ko siya."

"O e 'di dun ka na. Siya na pala bago mong best friend e. Sana naman in-inform mo man lang ako para naman hindi na ako nag aksaya ng pera para umuwi at para makasama ulit kayo. May bago ka na palang best friend e."

"Bakit? Selos ka kasi may bago akong princess?"

"Tss. Korni. Selos mo mukha mo."

"Hmm. Kumain ka na nga may lakad pa tayo."

"May lakad tayo? O e bakit hindi na naman ako informed?"

"Well now you are." Lumabas na siya ng kwarto ko.

Napailing na lang ako. Sinara ko 'yung pinto at nagsimula nang mag ayos.

Lumabas na ako ng kwarto ko. Pagkalabas ko, nandun 'yung buong family ni Bryle.

A Taste of SummerWhere stories live. Discover now