SKY'S POV
"Sky?" narinig kong kumakatok si tita kaya binuksan ko.
"Sky, aalis lang kami ng tito mo, may aasikasuhin lang kami sa Cavite." Pagpapaliwanag ni tita.
Cavite? Ang layo naman.
"Ah sige po tita, anong oras po ang balik niyo?"
"Mamayang gabi pa siguro. Kayo na munang bahala ni Bryle kay Belle ha? Tulog pa kasi si Bryle kaya sayo na kami nagpaalam." sabi ni tita. "Nag iwan ako ng pera sa may coffee table sa sala."
"Okay po tita. Ingat po kayo ni tito." Nag hug kami bago sila umalis.
Tulog pa si Belle, tulog pa din si Bryle. Soooo, what should I do? Maaga pa e, 6 pa lang ng umaga. Nagulat nga ako ang aga kong nagising ngayon.
Walang kinuhang kasambahay sina tita kasi nagkaroon na sila dati ng kasambahay nung maliliit pa sina Bryle at Belle. Pero ngayong malalaki na sila, gusto ni tita matuto silang maging responsable at marunong sa gawaing bahay.
Hmm, should I cook for breakfast? Nah, bad idea. Pero malay natin di ba? Baka sakaling maging maganda ang turn out. Sige I'll cook for breakfast. Ano kayang maluto? Ano bang favorite breakfast ni Bryle? As I remember, pancakes ang favorite breakfast ni Bryle e kaso di naman ako marunong magluto ng pancake. Tapos si Belle naman ang laging breakfast ay cereal lang.
Pumunta ako sa kitchen at sinuot ko yung apron na laging ginagamit ni Bryle. Kumuha ako sa cabinet ng powder nung pancake, yung nakalagay sa box, ano bang tawag dun?
Bahala na, may procedure naman e. So ayun, kinuha ko lahat ng ingredients and sinunod ko yung pagkakasunod sunod ng procedure. And then yey! I made a pancake na. Kaso hindi mukhang pancake, mukhang itlog. Normal ba to? :(Yung kay Belle madali lang naman e, cereal lang. Kinuha ko yung favorite cereal niya sa cabinet at nilapag sa dinning table. Naghain na ako at nagtimpla ako ng milk para kay Belle. Kay Bryle naman ay Kopiko Blanca, favorite niya.
Paano yan? Lalamig to kapag mamaya pa sila gigising. Pumunta ako sa kwarto ni Belle para gisingin siya.
"Belle?"
"Mmm?" Hindi pa rin niya minumulat ang mga mata niya.
"Gising ka na Belle, breakfast's ready. Nagready ako ng breakfast para sa inyo."
Sa wakas minulat na niya ang mga mata niya.
"Bangon ka na." I smiled at her.
Tumango naman siya kaya lumabas na ako ng kwarto para si Bryle naman ang gisingin ko.
Kumatok ako sa kwarto niya. "Bryle?" Nagulat naman ako nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sakin ang mukha ni Bryle na kagigising lang. Topless pa at naka-boxer shorts lang. Ano ba yan. "Kanina ka pa gising?"
"Ngayon ngayon lang." nagkukusot pa siya ng mata.
"Magdamit ka na. Naghanda ako ng breakfast para sa inyo ni Belle. Umalis kasi sina tita may aasikasuhin daw sa Cavite."
"Talaga nagluto ka?" Parang nabuhayan siya na medyo natatawa.
"Bakit? Hindi ka ba makapaniwala?" Natawa na lang siya. "Sige na magdamit ka na." At saka ako bumaba.
"Wow ang bango!" Sabi ni Bryle, bumababa ng hagdan habang nagsusuot ng tshirt.
"Si Belle?" Tanong ko.
"Ewan. Nasa kwarto pa yata." Sabi niya at umupo.
"Sige tatawagin ko lang ulit." Umakyat ako at pumunta sa kwarto ni Belle.
![](https://img.wattpad.com/cover/95581792-288-k723278.jpg)
YOU ARE READING
A Taste of Summer
RomanceHe isn't my boyfriend. But I love the way he smiles, the way he talks, the way he calls my name, the way he looks at me, the way he laughs, the way we wander around the beach, the way were best friends. And of course, I love the way he loves me.