responsable akong tao pramis! kahit na nanonood ako ng anime at nagbabasa ng manga. Mas memorize ang pangalan ng anime characters kaysa pangalan ng aking mga classmates at teacher.
20 years old ( physical examination description)
tumpak ang hula nyo nursing student po ako at 3rd year na po ako. hindi kailanman nagkaroon ng appointment kay kupido kaya eto wala pang kaugnayan ng palad. Pero ang totoo wa pake ako kasi hindi ko siya maisisiksik sa sched ko na bahay school at minsan gimik kasama ng few friends.
Unfortunately para sa mga kaibigan ko napalaki ako ng maayos ng aking mga magulang. Na isa akong maka- bahay, maka-luma, maka- aral (minsan).
umpisa ng storya nanonood ng Naruto shippuden.
wasak na wasak na ang konoha village ng biglang dumating si Naruto....
habang titig na titig ako sa laptop biglang may kumatok at biglang bukas ang pintuan ng kwarto ko. Agad kong tinangal ang earphones ko at kunwaring nagtitipa.
"akala ko'y hindi ka pa gising" at biglang sinara ulit ang pintuan ng hindi inaantay ang sagot ko.
tsk kumatok pa kung hindi rin naman aantayin ang sagot ko. tiningnan ko ang relo ko.
"Danggit! 6:10! ang bilis ng oras!" nagsimula akong manood ng alasingko pagkatapos kong maligo.
"urgh!" limang sigundo akong nkipagdebate sa sarili ko. 10 minutes ang layo ng school ko sakay ng triycle. 10 minutes para sa pagpapalit ng uniform at pagpapaganda. i always make it sure na may 10-30 minutes akong reserba bago magsimula ang klase.
Then i hit play button sa laptop.
"kaya yan! pramis tapusin ko lang ang episode na to" kausap ko sa sarili ko.
ng matapos ko kaagad kong sinara ang second hand ko na laptop at dirtsong nagbihis at nag-ayos. Nakaponytail ang buhok ko. naglagay ng pulbos, eye liner at lip balm tadan! finish na po.
bago ako bumaba agad kong inayod ang higaan ko