CHAPTER 2

16 0 0
                                    

Nina's POV

Nakakainis ha ako na nga tong napipilitan ako pa tung pinaghihintay? Grabe talaga ang stress na binibigay sa'kin ni Mama. 15 minutes late na ang kung sino mang alien na makaka-date ko sa araw na to. Parang gusto ko na tuloy umuwi na lang, pero pano naman ang allowance ko? Huhuhu grabe talaga tong si Mama alam na alam nya ang kahinaan ko.

"Sorry I'm late." 

Muntik na akong mabulunan sa sarili kong laway dahil sa sobrang gulat. Sinong impakto ba yung nagsalita. Nag-angat naman ako ng tingin para tingnan kung sino ang nagsalita. Ang hula ko ito yung ka-date ko.

"Gabriel Perez?" Kunot noo kong tanong.

"Oo, pwedeng umupo?" Tanong nya, tumango lang ako as an answer.

"Bakit late ka? Alam mo bang kanina pa'ko naghihintay dito?"

"Dapat talaga mas maaga pa ako eh, but something came up. I had to deal with it first." Pag-e-explain nya.

"Ano naman yun?"

Ngiti lang sinagot nya sa'kin so I guess ang ibig sabihin nun its personal.

Medyo matagal rin kaming tahimik lang ang awkward nga eh. Paminsan minsan tinitingnan ko sya, na-realize ko nga na familiar ang mukha nya sa'kin di ko lang maalala kung saan at kailan. Anyway, hindi naman ako masyadong interesado sa kanya. Gwapo rin naman sya, matangkad pero hindi sya ang ideal type ko sa isang lalaki. But wait, come to think of it, I haven't actually realized kung ano nga ba ang tipo kung lalaki. Basta ang alam ko lang kasi kung sikat ang guy papayag na akong makipag-date sa kanya.

"You know what, you look familiar hindi ko lang talaga matandaan  kung saan kita nakita." I said with my arms crossed.

"Siguro kasi inaanak ako ng daddy mo."

"No not that, I'm sure I"ve seen you somewhere else I just don't really remember kung saan."

"Siguro nakita mo ako sa school."

Napatitig naman ako bigla sa kanya dahil sa sinabi nya. Sa school? Kaklase ko ba sya or something? Hindi ko naman kilala lahat ng kaklase ko eh.

"Schoolmates tayo." Napatigil ako sa pag-iisip dahil sa sinabi nya. Ganun naman pala eh. "Araw-araw tayon nagkakasalubong sa hallway."

"Ganun? Well that explains it." Araw-araw? Ganun na ba ako ka walang pakialam sa mundo at pati mga taong nakakasalubong ko araw-araw ay hindi ko na maalala. Pero at least i thought he's familiar.

Dumating na yung order kaya kumain na kami. Galit galit muna walang kumikibo, naka-focuss lang kami pareho sa kinakain namin, wala rin naman kaming mapapag-usapan sa totoo lang. So what's the point of wasting laway.

"Nabusog ka ba?" Tanong nya sa'kin after namin kumain,.

"Ok lang, hindi kasi ako mahilig magpakabusog, you know I'm very weight conscious kasi."

"I think your too thin, dapat siguro mag gain ka kahit 10 pounds man lang."

"Ako? Never, ang hirap kaya magpapayat." Mabilis na pangontra ko sa kanya, mahirap talaga magpapayat experience ko na yan eh, I used to be chubby kasi nung gradeschool and high school days ko.

Napansin siguro nya ang pagkunot ng noo ko kaya iniba na lang nya ang topic.

"Alam mo may alam akong lugar na ma-e-enjoy ka, gusto mo puntahan natin para naman hindi masayang yung panahon mo sa date natin?"

Bigla naman akong napatitig sa kanya. Medyo madumi kasi ang naiisip ko eh, you know marami ng bastos na guys ngayon eh.

"O bakit masama yung tingin mo sa'kin?" Natatawang sabi nya. "Mali yang iniisip mo ah, hindi ako ganyang klase ng lalaki."

"Good, so where are you taking me?" I said to him with one arched brow.

Ngumiti naman sya sa akin, and I cant believe it, but I actually found him adorable.

MOMENTS WITH HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon