CHAPTER 13

13 0 0
                                    

Jessica's picture on the side.............

Nina's POV

Andito kami ngayon ni Gabe sa library, as usual dito na kasi ang aming official na tagpuan. To escape the mapagmasid eyes of the people. Wow how deep, anyway hinihintay ko pa rin yung sign na hiningi ko kay Lord hindi ko rin alam ko ano nga ba yun sign na yun, all I know is, malalaman ko rin yun kapag dumating na.

"Kamusta na si Gabby?"  Tanong ni Gabby sa'kin habang nakatingin sa binabasa nyang libro.

"Tsk, buti pa si Gabby kinakamusta, eh ako wala man lang kamusta ka na." I crossed my arms, kunwari nagtatampo ako. Pero medyo nagtatampo nga talaga ako, pano ba naman kasi, tatlong araw kaya kaming hindi nagkita, absent kasi sya nung Monday, di naman nya sinabi kung bakit. Di ko na rin sya kinulit. Nagulat naman ako ng bigla nyang ipinatong ang baba nya sa balikat ko sabay yakap sa'kin.

"Ikaw ha, tampo ka agad, ni hindi pa nga ako tapos sa sinasabi ko, galit ka na agad." Alam kong nakangiti sya habang sinasabi nya yun.

Hindi ako nakasagot, feeling ko nga nanigas ako sa kinauupuan ko eh.

"Nina, bakit hindi ka na sumagot dyan?"

Oo nga bakit hindi ako sumasagot, sinungitan kol na lang sya para hindi halata na kinilig ako. At aminado na talga akong kinikilg ako ha.

"B-bitiwan mo nga ako. Bakit ka ba nakayakap sa'kin ha, boyfriend na ba kita ha."

Inalis naman agad nya ang pagkakayakap nya sa'kin perro nakangiti pa rin sya. "Sorry."

"Sorry ka dyan, tsansing ka masyado ha." Tinusok ko na ng mahina lang naman ang tungki ng ilong nya.

"Kelan mo ba ako sasagutin Nina para naman mayakap na kita ng hindi ka nagagalit." Tanong nya sa'kin with matching pa-cute pa. 

Matagal na rin naman nya akong nililigawan mag-i-isang buwan na nga eh, pero sa dalawang buwan na yun hindi ko pa rin nakikita yung sign na hinahanap ko. Pano kung di na dumating ang sign na yun, anong ibig sabihin nun hindi talaga kami pwede? Pero dapat ba umasa ako sa mga sign na yan, pano kung mainip si Gabe? Pero kung totoo talaga yung love na sinasabi nya sa'kin willing naman siguro syang maghintay diba?

"Naiinip ka na ba?" Wala sa sarili kong naitanong sa kanya.

"Hindi, hinding-hindi. Alam mo kung bakit? Dahil para sa'kin wala lang ang isang buwan kumpara sa walong taon ng pagmamahal ko sayo ng palihim. Hihintayin kita, pangako ko yan sayo."

Ang sarap pakinggan, sobrang gaan sa pakiramdam ng sinabi nya sa'kin, gusto ko syang yakapin ngayon gusto kong malaman na ang saya-saya ko dahil sa kanya. Gusto ko na rin sya eh, kailangan ko pa ba talaga hintayin ang sign na yun? Totoo nga ba yung mga sign na yun.

Pwede ko bang sagutin na sya ngayon? Pareha na rin naman kami ng nararamdaman, malapit na nga pala ang graduation, baka dumating na yung pagtatapos namin, pero hindi pa rin dumarating yuung sign na yun. Letche, di ko na ata kaya tagalan pa ang eksenang ito.

Naramdaman ko naman na nagvibrate ang cellphone ko, dinukot ko ito mula sa bulsa ko, at ka-ka-badtrip talaga si Jessica lang naman ang nag-text. Pinapapunta nya ako sa mall may imporatante daw kami pag-uusapan, ano na naman kaya gusto ng bruhang to. Pero kailangan ko sya puntahan sigurado rin kasi ako na kukulitin ako nun pag hindi ko sya pinuntahan.

"Gabe, kailangan ko na umalis. Pinapauwi kasi ako ng maaga ni mama." Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Okay, ingat ka ha, pero kung gusto mo ihatid na lang kita." 

"Naku hindi pwede alam mo namang-" 

"Yeah I know dont worry, sige you go ahead, say hi to tita for me."

Nginitian ko na lang sya. "Punta ka na lang sa bahay mamayang 7 kung hindi ka busy."

Nginitian nya rin ako sabay tango, I guess that's a yes. Tapos nun tumayo na ako at naglakad na palabas. Kalalabas ko pa lang ng makatanggap uli ako ng text this time galing naman kay Chelsea, sabi nya naiinis daw sya kasi pinapapunta rin daw sya ni Jessica sa mall. May date pa naman daw sya istorbo daw talaga ang babaeng yun.

Nagkita kami ni Chelsea sa tapat ng Starbucks, tapos nun pumunta na kami sa bilihan ng sapatos, dun kasi naghihintay si Jessica.

Hindi naman kami nahirapan na hanapin sya.

"You girls are so damn slow, wala na ba kayong mas ibabagal pa your wasting my time." Salubong sa'min ni Jess hindi talaga uso sa kanya ang hi hello eh. Kung alam mo lang kung gano ka kaistorbo, ngali-ngali isigaw ko sa kanya. At alam ko na ganun din ang gustong sabihin ni Chel.

"Sorry Jessica." Sabay naming sagot ni Chelsea. Pero without any sincerity.

"Im gonna shop for shoes, kailangan ko ng tagabitbit kaya ko kayo pinatawag." Sabi nya sa'min sabay talikod, she started to walk around looking for shoes na magugustuhan nya. Kami naman bitbit galore lang ang peg kaya nga nya kami pinatawag diba. Ewan ko ba talaga sa babaeng why does se have to treat us like this.

Kailangan talaga matupad na ang mission namin ni Celsea, kaloka na kasi tong babaeng to eh.

"Alam mo ba na hiwalay na sila ni Luke?" Bulong sa'kin ni Chelsea ng medyo makalayo si Jessica sa'min. 

"Seriously." Tanong ko na medyo hindi makapaniwala.

"Oo naman, maybe that's the reason kung bakit hi-na-harass ngayon sa pagbibitbit ng pinamili nya.

"Ang alam ko sobrang inlove ni Luke sa kanya eh."

"Baka nauntog na, at nagising sa katotohanan."

"Kawawa naman pala si Jessica ngayon." Sagot ko sa sinabi ni Chelsea.

"Anong kawawa, I actually see this as an opportunity to dethrone the queen."

"I dont think we should continue that."

"Why not, this is the perfect timing to do it."

"Which one makes me stand out even more." Napatigil kami sa pagbubulungan ni Chelsea ng nagsalita si Jessica."

"The red one." Sabay naming sagot ni Chelsea.

"All right I'll take the blue one." Tsk. Nagtanong pa sya sa opinion namin eh ganun pa rin naman pala."

After what felt like forever, eh natapos na rin sya sa pamimilli at naisipan na rin nyang lumabas. Naglalakad na kami nun palabas ng mall ng bigla kaming mapahinto, actually si Jessica ang unang huminto gumaya lang kami ni Chelsea. Napatitig kami kay Jess nakatulala kasi sya at may tinitingnan. Sinundan ko naman kung sa'n sya nakatingin. At nakita namin si Luke na may kayakap na ibang babae. Naku lagot, hindi si Luke, kung hindi yung babae, nagkamali sya ng lalaking nilandi Im sure paparusahan sya ni Jessica. Mukhang exciting ang eksena ah, excited na nga rin si Chelsea sa kung ano ang gagawin ni Jess.

Pero ako iniisip ko pa rin si Gabe saan kaya sya ngayon?

MOMENTS WITH HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon