CHAPTER 11

4 0 0
                                    

Nina's POV

"Wag ka na nga umiyak, nakakatuwa ka naman masyadong kang naapektuhan sa mga napanood mo." Sabi sa'kin ni Gabe habang hinihimas-himas ang likod ko. Katatapos lang kasi namin manood ng sine. Syempre as planned we watched Starting Over Again. Di ko inakalang mapapaiyak talaga ako ng husto sa mga eksena. Imagine seeing your first love be with his new girlfriend plus the fact that they look so happy together. Id never be able to handle that kind of situation.

"I'm not crying, I just got something in my eye, and its very hard to remove thats why Im tearing up, not crying dont make stupid assumptions nga." Sagot ko sa kanya, tinulak ko rin sya pero mahina lang naman.

"Oo na, hindi ka na umiiyak. Gusto mo kain na lang tayo ng ice cream. May alam akong ice cream parlor they offer really good tasting ice creams sigurado magiging masaya ka." Sabi nya na lang sa'kin.

"Hindi nga ako malungkot! Pero sige dahil mapilit ka, pagbibigyan na lang kita sasamahan kita kung san man yang ice cream parlor na yan." Kunwaring sabi ko, pero sa totoo lang gusto ko talaga pumunta mahilig naman talaga ako sa ice cream.

"O masarap no?" Nakangiting sabi sa'kin ni Gabe habang nakatingin sya sa'kin. Medyo na-a-awkward tuloy ako pero syempre ayoko magpahalata.

"Okay lang, pwede na rin."

"Alam mo ang cute mo talaga." Sabi nya sabay pisil nya sa pisngi ko.

"Aray ha, dont you know that I can sue  you for that, youre hurting me ha." Kunwari  maktol ko kahit na hindi naman talaga ako nasasaktan.

"Pasensya po, napaka-sensitive naman nitong ka-date ko." Medyo nabilaukan ako ng konti sa sinabi nya, date na ba talaga to.

"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nya sa'kin.

"Oo naman medyo sumabit lang sa lalamunan ko yung ice cream, ang lamig kasi."

"Oo nga mukhang nalamigan ka nga, sa sobrang lamig naubos mo pa talaga."

"Hindi naman sya ganun kasarap, inubos ko na lang kasi sayang yung binayad mo." Pagsusungit ko sa kanya.

"Alam mo isa pa akong alam na lugar sigurado akong ma-e-enjoy mo."

"Saan naman?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Wow!!!!! Thank you talaga Gabe."

"Nagustuhan mo ba yang teddy bear?"

"Oo naman, ang cute talaga! Salamat talaga ha I love it so much." Pagkatapos kasi namin sa ice cream parlor, eh dinala nya naman ako dito sa Enchanted Kingdom. Grabe talaga, its my firs time to come here, and I really enjoyed. Sumubok kami ng ibat-ibang ride kanina. Sumakay pa nga kami ng roller coaster. Nung una ayoko kasi natatakot ako kasi ayoko sa mga matataas, pero napilit nya ako, and im glad that pinilit nya ako. Because I ended up enjoying it very much. Tapos ngayon naman sumali sya sa isang game where in he has to hit a target, he has to hit the 5 targets, and tinamaan nya lahat ng yun, kay ang prize nya ay isang napakalaking teddy bear.

"Anong ipapangalan mo sa kanya?"

Hmmm teka ano nga ba ah alam ko na. "I'll call him, Gabby."

"Gabby? Eh ang lapit lang nun sa pangalan ko ah."

"Eh ikaw naman ang dahilan kung bakit sya nandito eh, kaya ipapangalan ko na lang sya sayo."

"So you mean ako yung daddy nya?" Tanong  nya sa'kin.

"Oo naman." Mabilis kung sagot sa kanya.

"And ikaw ang mommy?"

"Yup thats right." Teka, medyo napaatras ako dun sa sinabi ko. Nabigla ako, and right now I feel like namumula ng husto yung mukha ko.

"Gabby, narinig mo yun ha, may mommy ka na." Ngayon naman ang kausap nya yung teddy bear. Ang cute nga nya tingnan eh.

"Para kang baliw dyan, bakit kausap mo si Gabby, eh hindi ka naman sasagutin nyan." Pagtataray ko na lang to hide may kilig factor. Teka bakit kilig? Napapansin ko habang tumatagal nagiging korny na ata ako masyado ah.

"Hahaha, ang init ng ulo ng mommy mo oh." Itinapat nya pa ang mukha ni Gabby sa'kin.

"Hay naku akin na nga yan si Gabby, baka mahawa pa sya ng kabaliwan mo." Sabay bawi ko sa kanya kay Gabby. "Gabby wag ka gagaya sa daddy mo ah medyo may sira sa ulo."

"So ako na talaga ang daddy ni Gabby." Mapang-asar na tanong nya sa'kin.

"Wala naman akong magagawa eh kasi alam ko naman na mamimilit ka na naman."

"Hindi kaya kita pipilitin kung ayaw mo, marunong naman ako mahiya." Tama nga naman, umaandar lang talaga siguro ang taray mechanism ko.

"Ah basta, nagugutom na si Gabby oh, hindi mo man lang ba sya pakakainin?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Hay naku Gabby, si mommy oh, nagpapalusot pa hindi na lang masabi nasya naman talaga ang nagugutom."

"Hoy hindi kaya, kung ayaw mo edi hindi uuwi na lang kami ni Gabby, mayaman naman ako eh marami kaming pagkain sa bahay."

"Oo na, ikaw naman tampo ka kaagad, lalo ka tuloy gumaganda." Pagsasabi nya ng totoo. Bakit ba, eh maganda naman talga ako eh.

"Tss, kung magpapakain ka, gawin mmo na hindi yung ang dami mo pang sinasabi." Tapos nun nag-umpisa na akong maglakad papunta dun sa hotdog stand na nakita ko kanina.

"Manong bigyan mo nga ako ng lima." Sabi ko kay manong tindero. Binigyan naman nya ako agad sabay sabing tag 20 daw ang isa. Tapos may nakita pa akong nagbebenta ng cotton candy kumuha rin ako ng malaking cotton candy. May nakita rin akong nagbebenta ng dirty ice cream kumuha ako ng sobrang laking scoop.

"Mauubos mo ba lahat ng yan?" Tanong sa'kin ni Gabe ng maabutsn nya ako.

"Oo naman at saka isa pa hindi lang naman ako ang kakain nito eh, kaming dalawa kaya ni Gabby, diba Gabby?" Sabay tanong ko kay Gabby na tahimik lang na nakaupo sa tabi ko. Napatawa na lang si Gabe.

"Gabby may tinatago rin pa lang ka-weird-uhan ang mommy mo."

"Teka nga pala, hindi ko pa nababayaran yung mga binili ko, bayaran mo na dali." Hindi ko na lang pinansin yung sinabi ni Gabe, i-nenjoy ko na lang yung sarilli ko sa pagkain.

Ngumiti lang sya sa'kin tapos isa-isang nilapitan yung mga nagtitinda ng pagkain na pinagbilhan ko. Pagkatapos kong kumain umuwi na rin kami, may pasok pa kasi bukass masarap sana magtagal pa ng konti but its okay sabi naman ni Gabe na babalik daw kami dun. Natuwa naman ako, ibig sabihin kasi magde-date na naman kami. Hay naku bakit ba ganito ba ako.

"Did you enjoy?" Tanong nya sa'kin pagkababa namin sa kotse nya, nakatayo kami ngayon sa tapat ng gate namin.

"Are you kidding, it was so much fun. Thank you talaga, pasensya rin kung tinarayan kita kanina, ikaw kasi masyado kang mapang-asar eh."

"Hahahaha, ikaw kasi eh ang cute mo asarin." Sabi naman nya sa'kin.

"Anyway, thank you nga rin pala kai binigay mo sa'kin ang custody ni Gabby."

"Your welcome, sige uwi na'ko ha. Gabby be a good boy ha, dito ka magpakabait ka kay mommy. Hindi pa kasi kami official ng mommy mo eh, kaya hiwa-hiwalay muna tayong maatutulog."

Tinampal ko nga sya ng mahina, ang kulit eh. "Tumigil ka nga dyan, papasok na kami ni Gabby sige na uwi ka na."

"Goodnight Nina." Sabi nya sa'kin with matching super sweet smile.

"Goodnight rin Gabe."

Sinarado ko na yung gate at pumasok sa kwarto na sobrang lapad ng ngiti, ano ba kasi to why do I feel weird.

MOMENTS WITH HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon