Cassandra's POV.
(flashback)
"Wag! Maawa kayo saken, wag nyo kong patayin. Parang-awa nyo na!"
I saw my mom mula dito sa pinagtataguan ko. She's crying at ang saket dahil wala akong magawa para tulungan sya. I'm only 6 years old kaya paano ko sya tutulungan sa mga taong gustong pumatay sa kanya? Tell me, how?
Bang! Bang! Bang!
Takip tenga! Pikit mata! Iyan nalamang ang tanging nagawa ko ng sunod-sunod nilang paputukin ang mga hawak nilang mga baril, pinagbabaril nila ang mommy ko.
"Ah!" - daing ni mommy sa bawat balang tumatama sa katawan nya.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nung biglang tumahimik ang buong paligid. Parang may nagdaang ANGEL sa sobrang tahimik.
Para kong batong basta nalang nanigas sa kinaroroonan ko when I saw my mom on the floor, nakahandusay, duguan at tila ba wala na itong buhay.
"M-Mommy!" - mahina kong bigkas at kasabay nun ay ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at may isang taong umagaw ng atensyon ko. Si Mr. Reyes na abot tenga ang ngiti habang pinagmamasdan nya ang walang buhay kong ina sa sahig.
I feel anger in my chest kaya naikuyok ko ang mga kamao ko.
"Kawawang Liza! Buhay ka pa sana ngayon kung pumayag lang ang asawa mo sa gusto ko."
My dad? Baket? Anong kinalaman dito ni daddy? Kaya ba wala sya ngayon dito dahil alam nyang mangyayare 'to?
Fuck!
Anong klase syang ama? Anong klase syang asawa?
"Lets go men!" - yaya ni Mr. Reyes sa mga tauhan nya.
Nung masiguro kong nakaalis na silang lahat, lumabas na ko sa pinagtataguan ako at saka nagmadaling tumakbo papunta kay mommy.
"Mommy!" - I said sa pagitan ng mga hikbi ko.
(end of flashback)
Its been a long year since mangyare ang trahedyang yun na sumira ng buhay ko, ng pagkatao ko. Isang pangyayareng nagpabago ng takbo ng buhay ko.
All I want now is mahanap ang taong yun, ang taong pumatay sa mommy ko. At pagnahanap ko na sya, sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay nya at ng pamilya nya. Kukuhanin ko ang mga bagay na kinuha nya saken. Buhay ang kinuha nya, kaya dapat lang na buhay rin ang kuhanin ko bilang kabayaran.
"Han, lets go!" - yaya ko kay Butler Han na tinulungan naman akong makatayo sa pagkakasalampak ko sa damuhan.
Damuhan? Yes! Nasamemorial ako kung saan nakalibing ang mommy ko.
Nauna na kong maglakad, kasunod ko naman sa likuran ko si Han.
Pinagbuksan muna nya ko ng pintuan bago sya sumakay ng kotse at naupo sa driver seat at saka nagdrive.
After 2 hours na pagbyahe, finally nakarating na rin kame sa destinasyon namen.
"Good eving po Young Lady!"
"Welcome back po Young Lady!"
Kanya-kanya sila ng bati saaken pagpasok ko ng bahay. Yung iba sa kanila ay yumuyuko bilang pagbibigay galang saaken.
"Manang Loi, yung mga gamit ko pakisunod nalang sa itaas." - utos ko.
Nagsimula na ulit akong maglakad at ng makarating na ko sa taas at ng nasa tapat na ko ng pintuan ng kwarto ko ay may isang pamilyar na boses ang tumawag saaken.
"Cassandra!"
Unti-unti akong humarap kung saan nanggaling ang boses na tumawag saaken at pagharap ko nakita ko ang taong kinaiinisan ko, my dad.
"What?" - bored kong tanong sa kanya.
Naglakad sya palapit saaken bago nya sinagot ang tanong ko.
"Can we talk?" - he asked.
I rolled my eyes at him bago ko sinagot ang tanong nya.
"What do you want to talk? At isa pa, may dapat pa ba tayong pag-usapan dad?" - sarcastic kong tanong sa kanya.
Imbis na sagutin nya ang tanong ko ay iba ang sinabi nya.
"Follow me!" - he said at saka naglakad kaya sumunod nalang ako.
Naupo agad ako sa isa sa mga sofang nandito sa office nya at saka ako pumadikwatro. Sya naman ay nakaupo sa swivel chair nya habang naninigarilyo.
"Cass---"
"Spill it dad! Wag ka ng magpaligoy-ligoy pa. Pagod ako!" - putol ko sa sasabihin nya.
"About you and me!" - he said seriously.
"About you and me dad? The hell!"
"Cassandra anak, please forgive me."
"Para saan pa dad? Hindi ang kagaya mo ang binibigyan ng second chance. Ikaw dahilan kung baket tayo ganito ngayon. Ikaw ang dahilan ng lahat dad."
"Cassandra---"
"Stop! Ayoko ng marinig pa kung ano man yang sasabihin mo. I'll go ahead. Gusto ko ng magpahing." - pagkasabi ko nun, tumayo na ko at saka naglakad palabas ng office ng crazy old man na yon.
Ang sama ko bang anak? Hindi nyo rin naman ako masisisi kung baket ganon ko nalang tratuhin si daddy. Sya ang dahilan kung baket hindi ko na pwedeng makasama ang mommy ko.
Ibinagsak ko kaagad ang katawan ko sa malaulap kong kama pagkarating ko ng kwarto ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko, pagdilat ko pinagmasdan ko ang puting-puting kisame nitong kwarto ko at saka ako bumuntong hininga.
"I miss you mommy!" - I said as if naman may sasagot saken ng I miss you too.
Bumangon ako sa pagkakahiga ko at saka naupo sa edge nitong kama ko.
After a minutes, tumayo na rin ako at saka dumiretso sa bathroom at nagshower ng mabilis.
Pagkatapos kong maligo at magbihis, pinatuyo ko lang ang buhok ko tapos bumalik na ulit ako sa higaan ko at natulog.