10

97 2 2
                                    

_____________ Sa mga close minded dyan hindi po masamang maging bi or les .. 

JEMIKA'S POV

Ayaw mag function nag utak ko basta tulala ako sa tv habang tulo ng tulo ang luha ko.

My phone keep on ringing i ignored it alam ko isa sa hot femme yan. In 3 years being in the group si A ang madalas kong kasama sa galaan, halos alam na namin ang galaw ng bawat isa we are like sister kaya wala sa isip ko na magagawa nya yun. Easy go lucky sya, pero she is always there when you need her, hindi sya nakakalimot ng birthday, anniversary at kung ano ano pang mahahalagang okasyon sa hot femme, lagi nyang sinasabi "kayo na ang pangalawang pamilya ko, mahal na mahal ko kayo." kapag lasing lang naman nya nasasabi yun ka dramahan nya. 

May nag doorbell tumayo ako at lumabas i know sobrang pula na ng mukha ko but i need someone to cry on. 

 Parang gustong tumigil ng mga luha ko ng makita ko kung sino ang nasa labas. Si jackson! wrong timing talaga ito, Agad kong pinunasan ang mga luha ko.

"what do you want?" ayoko makipag away sobrang down ako. 

"pwede ba papasukin mo muna ako 20 mins na ako dito sa labas" naawa naman ako sa itsura nito pawis na pawis na dahil tanghaling tapat yun.

Dinaig ako ng kagandahang loob at pinapasok ito hanggang sa loob ng bahay, napadako ang tingin nito sa basag na plato at kumalat na pagkain nilapitan ko yun at nilinis. Pinaupo ko ito ayoko maunang magsalita kaya ng matapos ko ligpitin ang kalat ko ay tiningnan ko ito.

"jema okay ka lang ba?"  kita ko naman na sincere ang pagtatanong nito.

"yes, ano ipununta mo dito?" Gusto ko na tumakbo sa taas para umiyak.

"Kailangan kita para kay angel, she's gone mad, naglayas sya jema at hindi daw sya babalik hanggat hindi kita napapapayag na makipag date sa kanya, i swear ginawa ko na ang lahat and i ignore her sabi ko babalik din sya, pero ng tumawag sya kanina sa akin at sinabing manood ako ng balita and i know you know ARLEEN LEE, Ganoon din daw ang gagawin nya, she adores you jema, at sinasamba ka nya!"  napasabunot ito sa buhok nya. 

I was completely shock sa sinabi ni Jackson! Mas lalo akong natakot dahil sa banta ni angel bata pa ito at maari nga na totohanin nito ang sinabi nito pero hindi ko alam gagawin ko napaupo ako at napahagulgol.

Marahang lumapit si Jackson at hinimas ang likod ko para kumalma. 

"i'm so sorry--- p--e-r---r---rrr---o h------indi k----o alam ---ang -ga----gawin ko" i said between my sob. 

Naguguluhan ako, ang saya saya ko pa last week, i party hard i play hard and work hard. Pero bat ngayon ganito?? Napatayo at napayakap ako kay jackson Hindi ko kaya sobrang nalulungkot ako dahil nawala si A na akhit ipinahahamak ako lagi pero sobrang love ko. 

Tahimik lang si jackon habang yakap nya ako nararamdaman ko ang malalim nya na hinga nahihirapan din sya, sino ba naman ang hindi? kakabalik lang nya para finally makasama ang kapatid nya pero umalis ito dahil sa sexuality problem nito. Pero gumagaan ang feeling ko habang yakap ko sya, i feel safe and warm? Saan galing ang warm ha jema?? asik sa akin ng inner goddes ko haha meron pala ako noon. 

" you have to cry jema, ilabas mo lahat para mabawasan ang sakit"  pang aalo pa nito hindi nya alam kalandian na ang tumatakbo sa bwisit na isip ko.

Bumitaw na ako at pinunasan ang luha ko hindi ako natutuwa sa nararamdaman ko.

"thanks jackson, i'm good " at umupo ulit ako.

Nagulat na lang ako ng hawakan nya ako sa bewang iniharap sa kanya at hinalikan in about 5 seconds, napapikit na lang ako mas gumaan kasi yun feeling ko. 

"sorry pero i can't control myself when i'm around you" bulong nito habang inilalapit pa lalo ang katawan ko.

Tinitigan ko sya those dark eyes, parang na hipnotized ako habang tinititigan sya ibang klase yun nararamdaman ko ang lakas, never pa ako napalapit sa isang lalaki ng ganito kalapit hinawakan ko ang pisngi nya pababa sa baba nya, there are some stubbles na patubo, halatang puyat sya ako na ang tumawid ng pagitan namin i kiss him, ohhh masarap din pala humalik sa lalaki sobrang dalang dala na ako sa nararamdaman ko ng may narinig akong sigaw ng isang babae. 

"MARIA JEMIKA! Sino yang lalaki na yan???"  HINDI na ako nagulat ng tingnan ko kung sino iyon walang iba kung hindi ang tita ko na si lalie from bicol sister nya ang mother ko. 

Si jackson ang halatang nagulat dahil hindi ito makatingin kay tita haha nagyon ko titingnan ang tigas mo karev, naaliw ako rito.

"y don't you ask him?" akmang lalapit na ako ng hawakan ni jackson ang kamay ko at hinila ako payakap sa kanya.

" i think you should change your outfit first maria. jemika, hindi nag iisa ang tita mo " at nginuso nito ang mga nasa likod ni tita.

Automatic na napatingin ako sa mga kasama ni tita inisa isa ko ang mga yun. Si JASON, si bong, si andree, edward, si railey at si tinay(my cousin) and her best friend doris na nakangisi.

Napabilis ang tingin ko sa hagdan, Bakit ba nakalimutan kong may chx sa kwarto ko? Andoon pala si marie sa taas letche kasi to si jackson ehh, at namutla yata ako ng nakita ko na pababa sya no malalaman nila tita na babae ang inuuwi ko dito. 

"hey babe i think i should be going i have a meeting pa thanks for letting me to stay here last night " tulala lang ako bumulong pa ito na alam kong narinig ni jackson dahil pinisil nito ang kamay ko. " i enjoyed last night " at tuloy tuloy na itong umalis sobra pa ang ngisi nito dahil sa nakita nya mga lalaki. 

Ano bang araw to? bat sobrang dami na agad ang nangyari. 

" umakyat ka na at magbihis"  muli ay bulong ni jackson.

Hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko ang comment ng tinay na yun, "sabi ko sayo doris ehh tomboy yan si jemika, haha lagot sya"  napapikit na lang ako sa kaba at ngmadaling umakyat sa kwarto.

When Ms. Astig Fall In Love..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon