39

69 1 0
                                    

JEMIKA'S POV

Nawawalan na ako ng pag asa, antok na talaga ako, hindi ko din makuha ang cellphone ko, hula ko nasa halimaw na jackson ang cellphone ko, paano ito nakapasok? paano nito nalaman na andito ako? hindi si drew ang kutob ko si joce ang nag sabi dito, pero yun makapasok sya dito sa loob ang nakakapagtaka, pinapasok ba ito ni dina?? nawala ako sa pag iisip ng makita kong lumabas na ng banyo ang halimaw, humapit dito ang large kong tshirt at boxer kaya naman kita ko ang binti nitong mabuhok, nag iwas ako ng tingin.

"Dina!!!!! i'll fire you!!!!" shit talaga, naamoy ko pa ang body wash ko, parang ang sikip na tuloy ng kwarto, padabog na kumuha ako ng gamit sa closet at dumeretso sa banyo.

Matagal akong nag babad sa banyo, eh bakit ba ako ang maapektuhan?akin naman to ahh, sya dapat ang mahiya.

Lumbas ako wearing just like jackson, naiilang ako nasa isang kwarto lang kami, bwisit talaga ito sa buhay ko, nailaglag ko ang twalya ko dahil sa pagmamadali.

"Relax babe," hindi ko nilingon si jackson pero i was stunned with that endearment.

Minadali kong maayos ang damit ko at lumapit sa kama, pero sa gilid ng mga mata ko nakita ko si jackson na lumapit sa ref at tiningnan ito.

Sinusuklay ko ang buhok ko na nakatingin ng patagilid sa kanya, kaya kitang kita ko na napangiwi ito dahil walang laman ang ref kungdi mga alak at juice lang, sunod nyang nilapitan ang hanging cabinet sa kitchen, pag bukas nya at medyo napangiti na ito at mabilis na lumingon at nag salita.

"Okay lang ba kung spam at corned beef ang dinner mo?" hindi ko ito pinansin at humiga na ako.

Rinig ko ang buntonghininga nya, ano kasi feeling nya? por que nasa iisang kwarto kami ngayon eh friends kami? ohhh over my dead body.

Unti unti ng pumipilit ang mata ko dahil sa matinding pagod.

JACKSON'S POV

Nag txt na ako kay dina, baka kasi ayaw ni maje ng spam lang, hindi kasi ito sumagot, o ayaw lang talaga ako pansinin, parang hangin lang ako dito, at yun ang mas masakit, being ignored.

Wala pang 20mins ay dumating na ang mga pag kain, sobrang ingat namin na wag makalikha ng ingay baka kasi magising pa si maje, beef steak, sizzling sisig, chicken barbeque, sweet and sour tilapia, at saka mongolian rice, at cream puff for dessert.

Mga mabilis lang lutuin ang pinaluto ko, baka kasi mas mahimbing pa ang maitulog ni maje at magalit ito pag ginising ko.

Nang maihanda ko na ang mesa ay dahan dahan akong lumapit dito, nakakumot ito hanggang leeg, pero sobrang peaceful ng mukha nya parang ayoko na tuloy gisingin, kaso sabi ni drew hindi din nag lunch si maje.

"Maje!!maje!!!" mahinang tawag ko at tapik dito.

Nagmulat naman ito ng mata at tumingin ng blanko.

"Kain ka muna," sabi ko.

Tumayo na ito at walang imik na pumunta sa mesa, kumain ito ng hindi ako inalok, pero okay lanv ayaw nya talaga mamansin.

JEMIKA'S POV

Kasabwat nya talaga si dina!!! gusto ko tuloy sya batuhin ng plato, pinigil ko ang sarili ko, masyado na ako nagiging brutal.

Masarap ang pagkain, dati pa din kasi ang chef namin si ali, napangiti ako ng makita ang note sa may sisig na si ali ang paniguradong nag lagay.

"Enjoy your dinner beautiful" saad ng note.

Binilisan ko na kumain, naramdaman ko na kasi ang yabag ni jackson palapit, baka kasi hindi na ako makasubo kapag nasa tabi ko na sya, ohhhh! sobrang affected ako sa presensya nya, feeling ko tinotorture ako ng sarili kong damdamin.

"Sabay na tayo," at umupo ito sa tabi ko.

Wala naman kasi syang upuan, kaya mas naamoy ko tuloy sya.

Kumuha ito ng pagkain, aksidente pag natabig ako, gusto ko na sanang sumigaw kaso pinigilan ko, hangin lang yun maje, isipin mo hangin lang yan si jackson okay!!

Walang reaksyon na tinapos ko ang kinakain ko at iniwan sa mesa ang pinagkainan at nag toothbrush na ko, ramdam ko ang titig ni jackson sa mga galaw ko, kaya nanginginig na ang tuhod ko, halos takbuhin ko na anv kama para makahiga at maiwasan si jackson, tanggap ko na, forever na akong inlove kay jackson!! pero hindi nya malalaman yun, tapos na kami, he missed his chance at sya ang may kasalanan noon.

JACKSON'S POV

Ang hirap lunukin ng pagkain, sana pala hindi na lang ako sumabay, nakita ko sya ngumiti eh, akala ko natuwa sya sa ginawa ko, pero hindi pala, dahil kitang kita ko yun nagpangiti sa kanya, isang note na galing sa kung sino mang ali to.

I felt jema's phone vibrating, kinuha ko ito, unknown number,ayoko sanang sagutin pero may nagtutulak sa akin na sa sagutin ko.

Inislide ko ang screen at hinintay na mag salita ang nasa kabilang linya.

10seconds past at i eend call ko na sana ito ng makarinig ako ng pag tawa.

"Sigurista ka talaga maria jemika sy. pero babagsak ka din, wait for it dear!!! Malapit ka nang mamatay!" at humalaklak pa ito.

Kinilabutan ako, pilit man itago ng kausap ko ang boses nya alam kong babae yun.

"Ohhhh hindi ka makasagot?? are you afraid bitch??" tumawa pa ito ulit.

"Who are you?" kahit alam kong hindi tama na sumagot ako.

Napatigil sa pagtawa ang nasa kabilang linya ng sumagot ako.

"Where is jemika? and who are you?? guard nya? huh?? pakisabi papatayin ko sya! sobrang lapit na sila mag kita ni santanas!!" akmang munurahin ko na ito ng ibinaba na nito ang tawag.

"Shit!" napasuntok ako sa sofa, buti na lang hindi sobrang ingay noon, nilingon ko si maje, tulog pa din ito.

Akala ko mga simpleng threats lang narerecieve nya, parang balewala lang naman yun kapag kwenekwento nya kay mond, pero shit!!! simple ba yun?? alam ang personal number nya at literal na papatayin si jema ng kung sino mang hayop na yun.

Mas malala pa ang narereceive kong threats pero hindi man lang ako natakot, but now, i almost feel my hand shaking habang hawak ko ang cellphone ni jema, hindi, walang pwedeng manakit sa babaeng mahal ko, wala!!!

When Ms. Astig Fall In Love..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon