Move on

906 24 5
                                    

Sa pagmomove on, hindi mo kailangan kalimutan sya o kamuhian man. Hindi mo kailangan magalit ng sobra at isumpa sya. Hindi mo kailangan maging bitter. Hindi mo din kailangan baguhin yung sarili mo para sa susunod na magmamahal sayo. Marami kang hindi kailangan gawin na akala mo dapat mong gawin.

Dahil sa pagmomove on, ang kailangan mo lang, tanggapin yung katotohanan. Tanggapin mo na wala na sya. Na hindi ka na nya mahal. Na yung mga pangako nya sayo noon, joke lang pala. Na yung mga pinagsamahan nyo, isa na lang magandang alaala. Hindi ka makakausad kung hindi mo matatanggap.

Hindi mo naman talaga kailangang gumalaw para makaisod. Hindi mo kailangang ipilit kung hindi mo naman kaya. Kasi ang sugat kusang humihilom. Pwede mong inuman ng gamot pero hinding hindi mo pwedeng kalikutin. Kasi lalala. Uulit. Babalik sa simula kung saan sobrang sakit.

Minsan ang kailangan mo lang, tanggapin ang lahat at sanayin ang sarili mo sa bagong buhay na meron ka. Sa bagong buhay mo na wala sya. Kasi yun lang naman yung mahirap sa pagmomove on e. Yung pakawalan ang nakasanayan at gumawa ng bagong libangan. Lalo na kung komoprtable ka na.

Isang araw, kapag natanggap mo na ng totoo at nasanay ka na sa bagong buhay mo, ngingiti ka na lang ng kusa. Matatawa ka dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, nakahakbang ka na pala.

Simple lang naman magmove on e. Simple lang ang mga steps. Yun nga lang, hindi simple ang paghakbang. Hindi madali ang paraan kasi ikaw talaga ang masasaktan. Pero maniwala ka, hindi mo kailangan ng sobrang effort. Masanay ka lang. Yung sakit mismo ang magsasawa sayo.

HUGOTS 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon