Chapter 1

249 15 1
                                    

"Nice pose Venus"

"Good!"

"Perfect!"

"Damn! You are such a beauty." Sabi ng photographer na si Mr. Jon Lee, 6 footer, chinito at gwapo! 26 years old bakat na bakat sa gym.

"Salamat po Mr. Lee" tugon ko dito habang namumula. Pasensya na crush ko to mga besh!!!

"Ang cute mo talaga pag namumula"
Mr. Lee

"Wala po ito mainit kasi eh" gosh pabebe girl alert

"Mainit? Ang lamig lamig nga dito tapos mainit?" Mr. Lee

"Hehehe. Oo nga noh." nu bayan nakakahiya left and right and up and down pala ang mga aircon dito

"Hahaha. Sige na, umuwi ka na't magpahinga siguradong bebenta na naman tong magazine kasi nandito ka" sabi ni Mr. Lee sabay kindat

Gosh Blaine! Wag kang magpadala sa mga pakindat-kindat na yan, magpakipot ka naman paminsan-minsan.

"Oo hehe, sige Mr. Lee mauna na po ako sa inyo" paalam ko dito.

Pagkarating ko sa bahay ay agad na akong naligo para matanggal na ang make up at artificial color ko sa buhok. Di mo akalain na sa likod nang gandang ito ay isang napakagandang nilalang bwahahaha. Joke lang po peru totoo hehehe

Nakakapagod man peru sulit naman ang kita. Malaki-laki narin itong naipon ko siguro pwede na akong magpatuloy sa pag-aaral pagkatapos nang halos isang taong pagmomodel at rumaracket din minsan tiyak na matatapos ko na rin ang kurso kung BS HRM. Isang taon nalang naman din at matatapos ko na kung hindi lang nila ako pinagtabuyan na parang nakakadiri at nakakasuka. Di ko man sila tunay na magulang peru sana respeto naman bilang tao.

Hi! Ako nga pala si Cedrick Blaine Acosta peru Venus tawag sa akin sa studio, 20 yrs of age, 5'8, slim and sexy wala ka talagang makikitang pagkalalaki sa katawan ko except sa pagitan ng mga hita ko bwahahaha. I have a dark brown long hair peru pagnagmodel na ako nagiging kulay grey na ito, bali signature hair ko yan pagnagmodel ako.

Pagkatapos kong maligo ay nanood lang muna ako ng TV habang pinapatuyo ko pa ang buhok ko. Napag-isipan ko rin na mag-enroll bukas sa Montecillo University, credited naman yung mga subjects ko from my previous university kaya laking pasasalamat ko nung nag inquire ako last week at hindi lang yun kasi nakakuha din ako nang scholarship, on the spot akong nagtake ng exam nagulat pa nga sila kasi on the spot nga peru perfect score pa rin. Well... Hahaha

Tuyo na ang buhok ko siguro pwede na akong matulog para maaga ako bukas at maaga rin akong matapos sa pag enroll. Gosh excited na ako after one year makakapag-aral na ulit ako!

*****

Mr. AndrogynousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon