To Live For Love

73 7 4
                                    

So, I am back and this time, sa story naman ni Ate Barbs. Third story ko na to na susulatan ko talaga ng thoughts every after update kasi I can no longer contain my feels. Before WIAE, I got addicted with TLAD tapos BTT and now na may TLFL na, I won't waste any chapter. Hindi ko kasi nasulat yung thoughts ko sa first two kaya dito ko ibubuhos sa TLFL.

So for my sanity, sisimulan ko ang thoughts ko sa To Love and Die kasi doon ko talaga minahal ang character ni Desa at Baron. Ang cute kasi nila eh. Minsan nga napaisip ako kung ano ang feeling namagkaroon ng boyfriend na mas matanda sa'yo. Ang galing lang talaga kasi ni Baron mag alala. Basagulero siya, oo. Gago siya, oo. Pero in all fairness sa kanya, iba siya kung mag mahal. Ang sarap sguro sa feeling pag may ganya ring nag aalaga sayo. Naisip ko pa noon na ano kaya ang nasa likod ng totoong Baron Medel kasi diba you will never be the person you are now if walang nangyari sayo noon na nagpush sayo para maging ganito ngayon. I had hutches about Baron being a rapist, a criminal or an ex-convict but wala eh, kahit ganun yung naiisip ko sa kanya while reading TLAD, na in love parin ako sa character niya. Ang hot siya kasi. And for Desa, the young, sweet and fragile Desa, bilib ako sa katatagan niya. Kahit na sa simula palang alam niyang kakaiba talaga ang ugali ng ate niyang si Gwen, hindi parin niya pinatulan ang ate niya. Desa is the "living testament", at least (dahil fictional character lang naman siya) na kahit na masama ang trato ng iba sayo, you don't need to be bad at them just to get even. Desa proved to me that when you're intensions are right and when you are right, there is nothing you have to prove. Panindigan mo lang ang sa tingin mo ay tama at bahala na ang ibang humusga. People's opinion of you does not define you.

Pagdating naman sa BTT, doon ko nakilala ng husto si Baron. Yung story niya kung bakit ganun siya. The reasons behind every tattoo. Yung mga questions ko about him, nasagot ng bongga. Mas na intindihan ko siya. Syempre mahal ko na siya sa TLAD palang pero he made me fall even more pagdating sa BTT. Ang dami kong nalaman. Baron is not just a man who got himself inked for fun. He's a man who got himself inked for reasons. (I won't really put this into details para naman hindi kayo ma spoil) Read TLAD before BTT para naman maintindihan niyo ang mga pinagsasabi ko. Lol

And for TLFL, here are my thoughts:

In numerical form kasi thoughts paman to and the story is just starting. Just like my thoughts about WIAE and JTS, guide ko lang to para mas maintindihan ang flow ng story habang on going siya. Natutuwa kasi ako pag nalalaman kong tama ang mga hula ko na akala ko ay puro walang kwenta. So it is, thoughts for Chapters 1 and 2.

1. Si Arkhe ang tatay ng anak ni Gwen. Knowing her, well, sa pagkakakilala ko sa kanya, madali lang siyang makuha. She's a socialite at malaki ang chance na may nangyari sa kanila ni Arkhe. TLAD palang feeling ko na siya talaga. Mas tumindi noong nabasa ko ang last few chaps ng BTT yung mga panahong lage nalang bukambibig ni Arkhe si Gwen.
2. If siya nga ang ama, bakit hindi niya sinabi kay Baron? Kasi maybe before Gwen had a miscarriage, hindi pa yun alam ni Arkhe na siya pala. May gusto si Gwen kay Baron kaya hindi niya sinabing kay Arkhe ang bata. At dahil galit siya kay Desa, ginamit niya ang bata to divert Baron's attention. Halata naman sa TLAD diba? Gossh, nakakainis si Gwen.
3. Ngayong alam na ni Arkhe na siya ang ama nung bata, he's now helping Baron para magkabalikan sila ni Desa. Kaya nga dinala niya si Desa sa bagong studio nito. (Shop o studio, mas gusto ko studio kasi bagay sa katawan ni Baron)
4. OR may gusto si Arkhe kay Desa. (Another scenario to. Hindi anak ni Arkhe ang bata) kaya niya dinala si Desa doon para ipamukha kay Desa na walang paki alam si Baron sa kanya at galit si Baron sa kanya. Sinama niya rin si Evo para mas magkalaboan ang dalawa. Pag nawala si Baron kasi, it'll be Evo and him nalang. (Don't bash me, haha. Alam kong mabait si Arkhe at malabo na mangyari ito but diba nga everyone will do everything in the name of love?) Sana nga walang gusto si Arkhe kay Desa dahil ayaw kong magka gulo silang lahat.
5. Bakla daw si Evo eh pero ewan ko. Iba parin feeling ko sa kanya. I don't trust people like him yung mga psychologist, physical therapist, o kahit na sino na may -ist sa last. Yung mga taong nag-aalala kuno ng pasyente pero iba na pala ang agenda. (Nilamon na talaga ako ng fiction world. Lol) pero kasi, totoo naman din. Kaya Evo is a big X for me. Mapa bakla man o hindi, he is a threat to #TeamPusa (luh, forgive me Ate Barbs, ang sagwa pakinggan ng TeamPusa pero diba ka family ng Kuting at Tigre ang cats? Or pwede ding #TeamMagalang haha ewan ba. Anong ship name nila Ate?)
6. Grabe tong si Baron, under de saya. Kahit na ang laki ng katawan at puno pa ng mga tattoo, aakalain mong ang tigas ng puso pero isang Desa Franco lang, ayos na siya. Nakakabanas ang ugaling yan ni Baron. Mahihirapan ako neto pag nag away sila ni Desa, masasaktan ako.
7. ANG KULET NI DESA. ANG PIKON NI BARON. WOW PERFECT MATCH!!
8. For sure eeksena na naman si Gwen dito. Naku, kakalbuhin ko talaga ang babaeng yung pag nagkataon.
9. Hala si Desa umaariba na. Naku pag naayusan pala si Desa ng mabuti nagiging prinsesa na siya pero gusto ko parin yung kuting side niya. For sure, Baron's having a hard time. Lol
10. NAG TO LIVE FOR LOVE NA, MANYAK PARIN SI BARON HAHAHA. PERO BUTI NALANG, KAY DESA NALANG SIYA NGAYON.

-
01/07/17 | 9:26PM

Thank you, Ate Barbs barbsgalicia dahil pinayagan mo akong isulat to. Til next update po 💕

Words inside my head Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon