Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 3

170K 4.7K 1.6K
                                    

DESA FRANCO

"OH MY GOSH, Desa! Sobrang nag-enjoy akong mag-club!" Binagsak ni Nikola ang sarili niya sa kama ko habang karga-karga ang alaga niyang shih tzu.

Natawa na lang ako. "Uy, Koko, h'wag ka masyadong mag-relax diyan. Baka bigla ka na namang makatulog. Do'n ka sa kwarto mo."

Tumihaya lang naman siya at tumitig sa kisame para magmuni-muni habang ako, naglakad papunta sa tapat ng salamin para mag-ayos.

Dito ako nangungupahan sa bahay nila. Inalok niya kasi ako no'ng binalita kong dito na ako sa Manila titira. Wala kasi siyang ibang kasama rito kung hindi ang alaga niyang aso na si Peachy. Ang parents niya, nasa States.

"Grabe, gano'n pala 'yong feeling." Nakatitig pa rin siya sa kisame. "Buti na lang at tinry nating magpunta roon. Ulitin natin 'yon, ah? Dalasan natin ang pag-party-party."

"Naku, hindi na ako pwede. Baka hindi na kita masamahan."

"Bakit?" Medyo bumangon siya para lingunin ako. "Pinagbawalan ka ba ng bad boy mo?"

"Oo. Ayaw niya akong magpunta sa mga gano'ng lugar. Mababastos daw kasi ako."

"Hmp." Umirap siya. "Daya. Buti na lang ako, single. Walang nagbabawal sa akin. Pero malapit na ring matapos ang pagiging single ko. Kasi malakas ang kutob ko na liligawan talaga ako n'ong gwapong DJ kanina sa Third Base."

Bigla niyang pinanggigilan ang mukha ng aso niya. "Peachy, alam mo ba? Tumingin sa 'kin 'yong DJ na 'yon kanina! Kinikilig talaga ako!" Niyakap niya pa si Peachy pagkatapos sabay tili.

Natatawa na lang ako sa kanya. Kanina niya pa bukambibig 'yan, hindi na siya naka-get over. Kinwento niya pa sa aso, e hindi naman siya naiintindihan n'on.

"Ang daming tao sa club kanina. Paano ka naman nakasigurong ikaw nga talaga ang tiningnan ni Arkhe?" sabi ko na lang.

"Basta, alam ko. H'wag mo na nga akong kontrahin! My goodness, sobrang hot niya. Isang tingin niya pa lang sa 'kin, nabuntis na ako."

"Koko!" Binato ko siya nitong suklay. "Baliw ka talaga!"

Natawa na lang din siya sa sarili niya. "Joke lang! Pero, uy, 'yong promise mo sa 'kin na ipakikilala mo ako sa kanya, ah? H'wag mong kalilimutan."

"Oo na. Ang kulit mo."

"May girlfriend ba 'yong si Arkhe?"

"Hmm, hindi ko alam."

"Itanong mo nga sa bad boy mo kung may girlfriend 'yon. 'Pag wala, sabihin mo willing akong mag-apply."

Napailing-iling na lang ako. "Sige, mamaya ite-text ko siya."

Bigla na siyang bumangon tapos nilapitan ako rito sa tapat ng salamin habang naglilinis ako ng mukha.

"Masaya ka na ba ngayon?" tanong niya.

Napangiti ako nang matamis. "Oo, sobra. Kasi nagkita na ulit kami ni Baron saka bati na ulit kami."

"Dapat magpasalamat ka sa akin. Kasi kung hindi kita pinilit na sumama sa Third Base, hindi mo siya makikita."

"Oo nga, e. Thank you."

"Paayaw-ayaw ka pa d'yan kanina. May dahilan naman pala kung bakit tayo natuloy ro'n. O ayan, ah. Siguro naman hindi ka na magmumukmok tuwing gabi. At hindi mo na rin ako pupuntahan sa coffee shop para lang tanungin kung bakit hindi ka pa rin niya tine-text."

Natawa ako. "Oo na, hindi na kita kukulitin habang nagtatrabaho ka. Okay na ako ngayon, makakatulog na ako nang maayos."

Parang umirap pa siya. "Ang saya-saya niyo nga kanina, e. Nagtago pa talaga kayo sa dilim para lang magyakapan. Akala niyo naman hindi ko kayo nakikita."

To Live for Love [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon