DESA FRANCO
"WHAT?!" SABI NI Koko na kasalukuyang nakaupo sa tapat ko. "Basta-basta ka na lang umalis sa apartment ni Baron after niyong mag-sex?"
Nanlaki ang mga mata ko sabay takip sa bibig niya! "A-ano ka ba, ang lakas ng boses mo."
Pinagtinginan tuloy kami ng ibang tao rito sa coffee shop na pinagtatrabahuan niya.
Inalis niya naman kaagad ang pagkakatakip ko. "Ba't mo kasi ginawa 'yon? Hindi ka man lang nagpaalam sa kanya?"
"E, kasi male-late na ako sa trabaho. Kailangan ko pang dumaan sa bahay para mag-ayos. Saka ano ka ba, hindi naman namin ginawa ang bagay na 'yon."
"You mean sex? Hindi kayo nag-gano'n? H'wag ka ngang sinungaling. Nagpunta ka sa apartment niya kahapon, kaninang umaga ka lang umuwi sa bahay, at T-shirt niya pa ang suot mo. Tapos sasabihin mong walang nangyari sa inyo. Pwede ba 'yon?"
Napahaplos na lang ako sa noo ko sabay sipsip dito sa binili kong iced coffee. "Wala naman talagang nangyaring gano'n. Pinagpalit niya lang ako ng T-shirt niya para komportable ako. Tapos kumain kami ng pizza. Pauwi na dapat ako no'ng bandang 8 PM kaso biglang sumama ang pakiramdam niya kaya binantayan ko muna siya. Kaso hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. 'Yon ang dahilan kung ba't hindi ako nakauwi kagabi. Buti na nga lang nakatakas ako kaninang umaga nang hindi niya napapansin. Kaso ngayon naman, text siya nang text, nagagalit kasi nang-iwan ako. Hindi ko pa nga siya nire-reply-an."
"Ano ba 'yan, ang korni!" Walang gana siyang napasandal sa inuupuan niyang couch. "Akala ko pa naman may nangyari na sa inyo. Si Baron, nasa kanya ka na nga kagabi, wala pa siyang ginawa."
"Uy baliw ka! Buti nga wala siyang ginawa, e."
"So, ibig sabihin hindi mo pa rin naitanong sa kanya kung ano'ng ibig sabihin ng Third Base?"
"Naitanong ko. Kaso ang labo naman ng paliwanag niya sa akin. Isa nga lang ang naintindihan ko. 'Yung ang dami palang base n'on? May home run pa? Tinanong niya nga ako kung gusto ko raw na gawin niya 'yon lahat sa akin, e."
"P-pumayag ka?"
"Papayag ba 'ko?"
"Diyos ko, Desa, pumayag ka!" Niyugyog niya ang kamay ko. "Iyan ang mga bagay na hindi dapat hinihindian. Sa susunod na tanungin ka ulit niya, pumayag ka, ha?"
Natatawa na lang ako sa kanya. "Ikaw na naman 'tong na-e-excite."
"Exciting kasi talaga 'yan. Pero unahin niyo muna 'yong Third Base. Enjoy 'yon, safe pa." Kumindat siya, tapos sumilip sa relos niya. "Hmm, may ten minutes pa ako bago bumalik ulit sa trabaho. Ikaw ba, anong oras ka uuwi sa 'tin?"
Tumingin din ako sa wrist watch ko. 6:30 PM na pala. "Maya-maya na, ubusin ko lang 'to." Kinuha ko ulit itong kape ko.
"Hindi ka ba susunduin ni Baron?"
Napangiti ako. "Hindi niya nga alam na nandito ako ngayon. Hindi pa 'ko sumasagot sa mga text at tawag niya simula kanina. Kaya nga lalo siyang nagagalit."
"Sira. H'wag mong galitin. Sa datingan pa naman n'ong boyfriend mo, parang maiksi lang ang pasensya niya.
"Oo, naku, sobrang bilis mainis n'on."
Bigla siyang naglabas ng compact mirror mula sa bulsa niya para ayusin ang maiksi niyang buhok. "Oo nga pala, hindi pa alam ng parents mo na nagkabalikan na ulit kayo ni Baron, 'di ba?"
Napasandal ako dito sa couch sabay haplos sa noo ko. "Oo, hindi pa nila nalalaman."
"H'wag mo na lang sabihin. Tutal malayo ka naman, hindi nila malalaman."
BINABASA MO ANG
To Live for Love [Book 2]
General FictionWith a chance to give their relationship a second shot, Baron Medel and Desa Franco are determined to do whatever it takes to be with each other again. But when unexpected obstacles keep blocking their way, can the two finally get the happy ending t...
Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte