DESA FRANCO
NGUMUSO AKO. "T-TINATAKOT mo ba ako?"
"Bakit, natatakot ka ba?"
"Hindi. Alam ko namang wala kang gagawing masama sa akin dito. Siguro hindi ka talaga galit? Nagkukunyari ka lang kasi alam mong pupuntahan at pupuntahan kita kung nasaan ka man."
"Tss." Biglang bumalik ang sungit ng itsura niya, tapos tumingin na naman siya sa cake ko. "O, ba't nandito 'yan? Dinala mo pa talaga, ah."
Tingnan mo, tingnan mo, nagtampo-tampo na naman siya r'yan. "Siyempre po dinala ko na. Sayang kung iiwan ko sa office saka ang pangit naman kung ibabalik ko pa kay Evo." Pinatong ko na muna 'tong box ng cake sa table.
"Tangina. Ibig sabihin 'yong gago pala talaga na 'yon ang nagbigay niyan sa 'yo?" Lumapit siya.
Napaatras nga agad ako kasi halos banggain niya ako ng katawan niya.
"Kailan ba titigil 'yon diyan sa pagpapanggap niyo?" sabi niya sa 'kin. "E kung ipaligpit ko na lang kaya 'yon, gusto mo?"
"Baron." Kinunutan ko siya ng noo. "Sabi mo wala kang gagawing gan'yan. Saka hindi mo na kailangang mag-alala, nakapag-usap na kami. Titigil na siya. Nag-iisip na lang ako kung paano ko sasabihin kina Mama ngayon. Baka kasi pabalikin nila ako bigla ng Cebu kapag nalaman nilang hindi ko na boyfriend si Evo, e."
Napansin kong biglang nanghina ang itsura niya. "Babalik ka ulit sa Cebu? Ayoko."
Ngumiti ako nang mapait. "Ayoko rin naman. Gusto ko dito lang ako sa 'yo." Sinuklay ko ang basa niyang buhok. "Baron, sorry na sa nangyari kanina. Akala ko kasi talaga galing sa 'yo 'yang cake. Naalala ko kasi kagabi no'ng tinanong mo 'ko kung birthday ko ba talaga no'ng February."
"Tsk. Hindi ako magbibigay ng cake. May iba akong plano para sa naging birthday mo."
"T-talaga? Ano?"
"Secret."
Ngumiti na lang ako. "Sorry, ah? Galit ka pa ba?"
"Hindi naman ako galit na galit. Medyo napikon lang."
"'Medyo napikon'? E, binabaan mo nga ako ng phone kanina."
Parang natawa siya. "Hindi, kunyari lang 'yon. Ayos na 'ko ngayon kasi pinuntahan mo 'ko rito."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Gustong-gusto mo talagang natatakot ako, 'no? Kabadong-kabado kaya ako kanina."
Ngumisi lang naman ulit siya sa akin. Tapos nagulat na lang ako kasi bigla niya 'kong kinarga at pinaupo rito sa tabi ng sink sa kusina!
"B-Baron!" Hinigit ko pababa ang pencil cut kong palda. "'Yong uniform ko, tumataas."
"'Yon nga ang gusto ko." Pumwesto siya ng tayo sa pagitan ng mga hita ko sabay tinungkod ang mga kamay niya kung saan ako nakaupo.
Nahiya ako. 'Yong palda ko kasi! Tapos ang lagkit pa ng tingin niya sa mukha ko. Nakangisi pa rin siya na hindi ko malaman kung bakit.
Hindi tuloy ako makatingin nang deretso sa kanya. Ang pogi-pogi pa naman lalo ng dating niya ngayon dahil bago siyang ligo at nakalitaw ang lahat ng mga tattoo niya sa katawan.
"Ibaba mo na 'ko," sabi ko na lang. "Do'n na lang ako sa sofa uupo."
"Ayoko. Nandito ka sa teritoryo ko. Dapat ako ang masusunod." Inayos niya ang bangs ko na nagulo dahil sa pagkarga niya sa akin. "Ilang taon ka na ngayon kung kabi-birthday mo lang?"
"Twenty-four."
"Ah. Akala ko nine."
Tinulak ko siya. "Ang sama mo."
BINABASA MO ANG
To Live for Love [Book 2]
General FictionWith a chance to give their relationship a second shot, Baron Medel and Desa Franco are determined to do whatever it takes to be with each other again. But when unexpected obstacles keep blocking their way, can the two finally get the happy ending t...
Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte