Entry #2

51 2 0
                                    

Ako si Princess. Trashtalker pero mamahalin ka FOREVER <3

"Princessssssssssssssssss!" napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Shutang inerns. Sumakit ang puson ko dun ah. "Enebeh?" nagkuskos pa ko ng mga mata dahil sa antok. Putragis 'tong si Clarize eh, naninigaw pa! 

"Wag mo kong matanong tanong ng ganyan ah. Ano yang mga damit mo? Pakalat kalat!" sigaw na naman niya sakin. Pakyu mga piptitu Clarize! Eh antok na ko eh! Napagod ako kahahanap kay Edra kanina sa school. Ang lawak pa naman ng shutang inerts na school namin. Kaya pag-uwi ko rekta na agad palit ng damit tapos borlog with matsing tulo laway pa. 

"Ba't ngayon ka lang, bruha?" tanong ko sa kanya. Inirapan lang naman niya ako. Ang shonget niya. "Bobo ka ba? Malamang part time job! Palibhasa tamad kang bugok ka." hinagis ko sa kanya ang bombang matagal ko ng tinago sa ilalim ng kama ko. JUK PU. Hinagisan ko siya ng unan ko. Matigas pa naman yung unan ko dahil binili ko lang sa Baclaran. Huehue! Iyak 'to porsure.

"Aray! Ano ba Princess! Kala mo masarap? Tanggalan kita ng buhok diyan sa pearl of the east mo eh." sinamaan niya ako ng tingin, "Hayuf ka kasi." sagot ko naman.

"Anong oras na?" tanong ko sa kanya. Wala kasi kaming wallclock o kung ano man. Hindi rin naman ako nagrerelo at mas lalong wala akong selpon dahil nga sa purita lang lola niyo kaya asa asa lang kay Clarize ang tangi kong magagawa. "Alas dos na, bruha." sagot niya. Alas dos? At Kelan pa nagkapart time job na umaabot ng alas dos? San ba siya nagtatrabaho? Sa Mcdo diba? 

"Ba't ngayon ka lang? Dapat 11 nakauwi ka na diba?" tanong ko sa kanya. Namula naman siya at hindi ko alam kung bakit. Para siyang timang. Dahil maputi si Clarize ay para siyang kamatis sa pula. Bakerts? Eneng meren? "Ba't namumula ka diyang ugok ka?" tanong ko sa kanya ulit. Sumagot siya ng pautal utal na 'w-walaa..' Tinaasan ko siya ng kilay. I smell samting's pishy. "Oi ah! Nakipagdate ka no? Kaka-iba ka din Clarize ah! Madaling araw ang tema ng date mo." takte, meron bang ganorn?

"Qaqo ka ba? Tigilan mo ko Princess, punasan mo na yang laway mo. Kadiri ka." pinunasan ko naman agad yon. Sanay na si Clarize na makita yon pero diring diri pa din ang hayuf. Eh sa pagod ako eh! Sino naman kaya yung kasama niya? Ang lakas mang-micro ah? Madaling araw? Huehue! 

"Anong name niya, Clarize?" pang aasar ko pa sa kanya. Nagbibihis lang naman si Clarize at hindi sumasagot sakin. Nagfake ako ng ubo. "Sige ka, pag hindi mo sinabi ipagkakalat ko sa school na crush mo si Donavan." pasimple akong ngumingiti sa likod niya. Uyyy sasabihin na niya yaaaan! Si Donavan ang pinaka weird na tao sa school namin. Nasabi ko na bang medyo peymus ako sa school? Syempre hindi pa dahil humble ang Tropa niyo. At dahil nga sa medyo peymus ako ay slight na maniniwala sakin ang iba pag sinabi ko yun. Im so bright like a diamond talaga.

"Subukan mo lang. Hahampas ko sayo yang unan mong kay tigas. Lakas makapusong bato." inis na inis na sabi sakin ni Clarize. Powtah laptrip ang peys ni Atih! "Edi sabihin mo na, para chill lang tayo dito." tinaas baba ko ang kilay ko sa kanya. "Dalawang put-tatlong puta ka Princess! Si Rafael! Masaya ka na?" natawa na ko ng tuluyan sa pagka-inis niya. HAHAHAHA! Sino daw si RAFAEL? Ay shutang inerts. "Si Rafael ba kamo?"

Kinabukasan... HAYUF!HAYUF!HAYUF! Nawiwindang ako sa mga nangyayari dis days. Bukod sa pausong Case study ng Instructor namin ay ang pinaka hindi talaga matanggap ng sistema kong so pretty ay ang pakikipagdate ng haliparot na si Rafael sa dorm-mate kong kay linis na si Clarize. Ang sarap ratratin ng pakyu ni Rafael! 

"Hoy mandadarag!" bati sakin ni Neutron kaya naman binati ko siya ng "Pakyu ka din sampo." tumawa naman siya ng pagkalakas lakas. Kadiri kitang kita ko na yung tonsils niya. Putragis! "Nagtoothbrush ka ba Neutron?" tanong ko sa kanya. Agad naman siyang nagtakip ng bibig. "Tanga, biro lang." saka ko siya tinawanan ng sobrang lakas. Ngumisi naman ang animal at kinurot pa ang pisngi ko. Tang inerts. Awtsuu! 

Not Your Typical Dota GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon