Not Your Typical Dota Girl

160 3 0
                                    

Entry #1

One day isang araw, nagising na lang ako na MAGANDA AKO. Isa daw akong prinsesang mabait at mapagkumbaba. Mayaman at matalino. Matapang at malakas. Isang prinsesang hagad ay kabutihan ng lahat. Kaso nahulog ako sa kama kaya ayan! MAGANDANG PRINSESA NA LANG AKO. ENEBENEMEN YEN!

"Aray ko puuuuuuuuu! Puuuuto't kutchinta!" nagngitngitngit ako sa sakit ng likod ko. Bakit kasi ang likot ko matulog eh! Shutang inerts. Hurt Hurt. </3

"May bago ba diyan Princess?" sabi naman ng dorm-mate ko si Clarize. Nagpout lang ako sa kanya. Nagawa pa talaga akong asarin eh no? Sasampalin ko tong kutong lufa na 'to ng sandok eh.

"Papasok ka na?" tanong ko naman sa kanya. Ready'ng ready na kasi siya, nakauniform na at nakasukbit na ang bag niya. Ay teka anong oras na ba?!

"Ineng, kanina pa kita ginigising. 9:30 na. Ge una na ako. Kadiri ka tulo laway ka na naman!" sabi niya sabay alis. Anong sabi niya? 9:30 na? Watdapak! 30 mins na lang late na ako! Busssset na panaginip yan, napasarap tuloy ang tulog ko! Wala na malalate na ako! Pagkatapos kong indahin ang sakit ng likod ko ay tumayo na ako at dumiretso sa C.R para maligo. Dalawa lang kami ni Clarize sa kwartong to. Maswerte ako dahil kahit masama ang ugali niyang si Clarize ay maasahan ko naman. Pag wala din akong pera pangbayad ng kung anik anik ay nauutangan ko siya. Madalas lang talaga di kami magkasundo. Mapanglait kasi siya, MADALAS!

After 20 mins ng pag-aayos ay ready na ko. Dahil  purita mirasol ang peg ng lola mo  ay naglalakad lang ako papunta sa University namin. At dahil nauna na si Clarize ay walang manlilibre sakin ng pamasahe kaya no choice ako kundi maglakad. Exercise na din. Excuse ng walang pamasahe. 

*poooooot! 

Harujuskopuuuuuu! Nakakagulat naman yung nagbusina! Tulala pa naman ako at inaalala ang panaginip ko. Kaso sabi nga nila, pag pinipilit mong alalahanin yung panaginip mo ay lalo mo itong di maiisip. 5% lang daw ang mareretain sa utak mo pag gising mo. Hays naman! Tinignan ko ang nagbusina na iyon sa akin. Halata naman kasing pinagtritripan niya ako dahil ang luwag luwag ng kalsada at sure akong di ako nakaharang dahil nasa sidewalk ako. Nakakawindang siya ah! 

"Hoy Princessa ng mga mandadarag! Tara sabay ka na sakin." kumindat pa ang hayuf. Siya si Jimmy. Neutron ang tawag ko sa kanya dahil sa favorite ko si Jimmy Neutron. Bagay naman sila eh, magkasintaas sila ng buhok. 

Tinaas ko lang naman ang dalawa kong kamay at sabay " Pakyu! Tigilan mo ko!" tumawa siya ng malakas at napahampas pa sa manibela ng sasakyan niya. Napakamadadarag talaga ng shutang inerns na 'to. Hayuf sagad! "Tara na nga eh. Pasalamat ka crush kita diyan." sagot pa niya tapos tumawa na naman ng pagkalakas lakas. Tunguna talaga! Ba't kaya nagkakacrush ang mga babae diyan? Masyadong pabida pa! "Pakyu sagad! Crush crushin ko yang mukha mo eh." naglakad na ako ulit. Nakikita ko naman siya sa gilid ng mata ko na dahan dahan na nagpapaandar ng sasakyan. Futung inesh ang kulet talaga nitong ungas na 'to. Dahil sa pagpapacute niya at mabagal na pag papaandar ay nabingi na ko ng tuluyan dahil sa sunod sunod na pagbusina ng mga sasakyan na nasa likod niya at dahil don nakita ko na lang ang sarili kong sumakay sa sasakyan ng hayuf na Neutron. 

"Sasakay ka din pala eh." nakatikim naman siya sakin ng pang 1M peso batok challenge. Qaqo talaga! Pabida eh. Nakakahiya naman dun sa mga taong nasa likod namin.

Nakarating kami sa School na puro trashtalk ang natanggap niya sakin. "1v1 mamaya crush. Libre ko." sabay kindat na naman niya. Nakatikim lang naman siya sakin ng tweni'ng pakyu bilang pasasalamat sabay baba ng sasakyan niya. Mas lalo lang akong nalate eh! Hayuf hayuf hayuf! Ang malas malas ng umaga ko mga Tropaaaaa! Late na ako wala na! Dahil diyan tambay na lang sa baraks. JOOOKE! Sa garden ng school. Shutang inerns talaga Boset na Neutron yon, pahamak! 

Not Your Typical Dota GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon