Kabanata 2: Stranger

296 0 3
                                    

"Hi, goodmorning. This is Prof. Victoria Chua. I just called to inform Dean Miranda that I'm not feeling well. I can't make it to my lecture today... yes, Ms. Beth. Okay. Thank you." It was our college secretary. Hindi ko kayang pumasok. Namumugto mata ko. Masakit ang ulo ko. I've been crying myself the whole weekend. Why for 2 weeks after Xander and Marie left for their trip to Hongkong, di pa nagpa-ramdam sakin si Xander until now. No text, no call, no facebook message, no email. Nothing. At first, I was worried baka anong nangyari sa kanila. Hindi ugali ni Xander na di ako kontakin. Kahit may business trip or conference sya abroad, he'll call me. But then, I heard from his assistant na nasa hospital na raw sya nung monday pa. Lunes na ulit ngayon pero di ko pa rin sya macontact. Pinuntahan ko rin sya sa bahay nya but wala sya dun, mas weird pa kasi hindi ko mabuksan ang bahay nya using the spare key he gave me.

My eyes are really heavy, gusto ko na matulog pero kumakalam na talaga ang sikmura sikmura ko, di kasi ako naka dinner kagabi, di ako nagbreakfast, and wala pa rin akong lunch kahit 2pm na ng hapon. So I decided to leave my unit at kumain sa restaurant sa baba ng condo.

"Baka madapa ka miss." I heard someone talk, di ko napansin may kasama pala ako sa elevator.

"Huh?" Takang tanong ko dito.

"Sabi ko baka madapa ka. Mejo madilim sa elevator pero naka-shades ka." He said mockingly. Binalewala ko lang ang sabi nito, i really don't give an eff' right now. Masakot ulo ko, masakit heart ko, kumakalam tyan ko...baka makain ko sya ng buhay. "Sexy sana, kaso snob." I heard him again. Mabuti na lang ay nakarating na kami sa ground floor kaya agad na kong lumabas, baka mapikon lang ako at sa kanya ko mabaling ang init ng ulo ko.

I entered the restaurant. Gutom na gutom nako. Puwesto nako sa may corner, may favorite spot. I was looking at the menu, when someone pulled the chair in front of me. Napaangat ako ng tingin. "Hi. Is this seat taken? Can I join you?" Tumingin ako sa paligid, maraming bakanteng tables. Halos iilan lang naman costumer kasi past lunch time na.

"Yes you can, but you may not. Maraming bakante lamesa. I want to be alone." Pilosopong sagot ko sa kanya.

I'm not a grammar nazi, gusto ko lang syang pagtarayan.

"Nice. English grammarian ka ba? Kelangan ko kasi ng grammarian para sa dissertation ko sa doctorate degree ko. Baka available ka?" Sabi nya na parang nagpapatawa.

"Mister, if you don't mind leaving, I want to be alone." Pagtataray ko dito

"Well, I mind. Tanggalin mo kaya yung shades mo, para makita mo ko ng klaro. Baka pagnasilayan mo ng klaro mukha kong gwapo, magbago desisyon mo." Mejo nabwisit ako sa sinabi nya, ang hangin 'te. Pero di ko sya pinansin. Magsasawa din yan at aalis pag di ko sya pinatulan.

So I called the waiter, "Hi Ms. Victoria, usual order ba? Hot choco and waffle with strawberry and wipped cream." Said the waiter. Di ako marunong magluto and masyado rin akong abala kaya dito ako palagi kumakain, kaya mejo kilala nako dito. "Hi Jam, full meal muna ako, di pa ko nagla'lunch eh. I would like to order 1 gambas, and rice please. Sago gulaman. Hmmmmm... Extra rice na rin pala. Thank you."

"Ako naman... T-bone and java rice in sizzling plate. Bottomless Iced tea for my drink." Sabi ng hinayupak na na sa harap ko. Huminga ako ng malalim, nagpipigil na wag mag-eskandalo.

"So, malakas ka pa lang kumain? Or gutom ka lang talaga? Tanggalin mo nga yung shades mo." He said. Konti na lang mapuputol na pasensya ko rito. I stared at him like I'm throwing knives. Tiningnan ko ito, thick brows, chinky deep set eyes, aristocratic nose, and manly lips. He has beard na di naman masyadong makapal, which gave him a more appealing look. Overall, he's handsome. May maipagmamayabang.

"What do you want?" I asked.

"Kanina I want your name. But I heard your name is Victoria. So now, can I just get your numbers? Phone and unit numbers?" He replied. Ang kapal lang ng mukha.

"Ang breezy. Iwasan mo uminom ng alak, para tablan ka din ng hiya." Sagot ko.

"Okay. If ayaw mo ibigay. Ayos lang. I have ways. Malalaman ko pa rin naman yun. Alam ko na nga na sa 18th floor ka nakatira. Mas matatagalan nga lang malaman yung unit number mo." Sabi nya na may pagmamalaki ang tono. "Well, I'm Nick. Sa 20th floor ako. My number is 091918--" I cut him off. Di ko na sya pinatapos.

"I'm not interested." Singit ko sa kanya. Ang kapal na talaga ng mukha.

"Bakit ba ang sungit mo?" Sabay nya.

"Bakit ba ang kulit mo?" Ako naman.

"Kasi trip ko. Alam mo you should be thankful, napansin kita. Kahit weird ka kasi kahit nasa elevator naka-shades ka hanggang dito naka-shades ka pa rin. Duling ka ba or may sore eyes?" That's it. Naubos na ang pasensya ko. Tatayo na sana ako at pupuntang counter para ipa-take out ang order ko ng pigilan nya ang kamay ko. "Sorry. Sorry na. I'll shut my mouth. Just eat with me. I know your hungry. I was just trying to cheer you up." Aangal pa sana ako nang pinagkanulo ako ng tyan ko. "See. you're hungry. And anjan na ang food oh." He pointed at the waiter dala ang tray ng aming inorder. Di na ako nagreklamo pa, gutom na ko. Bumalik na ko sa pagka-upo.

"Please. If you want to join the table just shut up. Masakit ang ulo ko." Sabi ko sa kanya.

Di na sya umimik kumain na lang kami, but I can feel he was staring at me. It was getting awkward, I can't eat my food properly, kaya sinaway ko ito. "Stop staring its rude."

"Hahaha. Can't help. I'm wondering how your eyes look like. Umiyak ka ba kaya naka-shades ka. Alam mo kung sino man yang iniiyakan mo, he's not worth it." Sabi nya.

"Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo. Dumadaldal ka nanaman ata." I told him. He shrugged. We ate in silent, nagulat na lang ako ng tinawag nya ang waiter and paid for the bill including mine. "Libre ko na. Total napikon ata kita."

I nodded. Antok na antok na ko. "Thank you. Mauna na ako."

He smiled. Lalo itong naging gwapo. His smile was genuine. Kung wala lang akong boyfriend siguro naglumpasay na ko sa kilig.

"I know your sad. I hope I was able to distract you from your problems, kahit sandali lang."

Come to think of it, kahit paano nakalimutan ko problema ko with Xander kahit isang oras lang.

I smiled.

"You should smile more often. Men would kill just to see you smile..."

He paused.










"...And the last time I check, lalaki pa rin naman ako."

Chasing pavementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon