Part 14

1.2K 68 1
                                    

Maria's PoV

"Goodmorning Nates!" bati ko kay Nathan pagkalabas na pagkalabas nya sa gate ng bahay nila. Hahaha actually pagkalabas na pagkalabas ko is kakalabas nya lang rin e kaya sabay na kami.

"Ahm g-good m-morning rin" nauutal nyang bati. Hala anyare sa lalaking to? May sakit ba to?

"Ah may sakit kaba?" tanong ko sabay hipo sa noo nya. Nauutal kasi sya tapos namumutla. Ano kayang nangyari dito?

"Ah! haha wala! wala!" sabi nya sabay iwas ng tingin. luh anyare?

Patuloy lang kami sa paglalakad palabas ng subdivision.

"Ahm Nates sobrang maraming salamat nga pala dun kahapon ah. Sobrang dami ko ng utang na loob sayo e. Ah! Yung jacket mo isusuli ko na yun!" sabi ko sa kanya

"A-ah haha w-wala yun gusto mo nga s-sayo na yun e hehe" nauutal nyang sabi sabay kamot sa batok nya.

"hahaha ang bait mo talaga Nates e kaya di nako magtataka kung bakit maraming nagkakagusto sayo!" pamumuri ko sabay sundot sa tagiliran nya pero napatawa lang sya ng medyo hilaw.

"Ah-ha hahaha di naman" nahihiya nyang sabi hahaha pahumble effect pa e.

"Hahaha humble e. Bakit? Wala ka bang nagugustuhan ngayon?" tanong ko sa kanya

"Ha? M-meron naman" sabi nya. Hala! Curious tuloy ako kung sino yun mga be e kaloka.

"Hahaha swerte naman nyang nagugustuhan mo Nates" sabi ko sabay sundot sa tagiliran nya. Sino kaya yung nagugustuhan nya? Swerte nya naman, nakakainggit sobra.

Nasa labas na kami ng subdivision nang...
"Luh. Oh ayan na Maria mauna ka nang pumasok" sabi ni Nates pagkahinto na pagkahinto nung Jeep.

Nauna nakong pumasok at sumunod naman sakin si Nates at as usual magkatabi parin kami.

"Ahm Maria di mo ba talaga alam?" tanong nya sakin.

"Huh? Ang alin?" tanong ko ulit sa kanya. Baka kasi kung ano ano lang ang pumapasok sa isip nito e kanina pa kasi sya di mapakali.

"Ah wala wala" sabi nya ulit sabay iwas tingin.

"Ang swerte talaga nung nagugustuhan mo no? Ang bait mo na tas gentleman tapos sweet" sabi ko ulit sa kanya di ko kasi maiwasang mainggit sa nagugustuhan nya e.

"Ha? haha"

Hala yung pamasahe ko pala hinalukat ko yung loob ng bag ko at hinanap ang wallet ko para kumuha ng pamasahe nang...
"Hala! Andito pala to, buti nalang nakadala ako ng power bank. Di ko kasi to mahanap kagabi waaah" sabi ko nang makita ko yung phone ko na nasa bag ko lang pala.

"Hmm. May text pala si Ate Xyra kagabi?" sabi ko nang makita ko yung nagpop up na message mula kay ate Xyra.

"patay"rinig kong mariin na bulong ni Nates. Luh problema nito.

Inopen ko agad ang message ni Ate Xyra. At

From Ate Xyra:
"Hai Maria, crush ka daw nung kapatid kong si Nates"
Received 5:56 pm

Asdfghjkl! Totoo ba to ha?! Si Nathan?!

AN: medyo naloloka po ako sorry na hihi

Pabili Pong Napkin [Short Story, COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon