Part 20

1K 40 0
                                    

Nathan's PoV

'School Prom 2017'

Basa ko sa maliit na papel na hawakhawak ko. Tsss, prom pa e wala naman akong hilig dito.

Pero kung Maria ang partner ko sa Prom ayos na ayos lang.

"Psst Nathan!" rinig kong tawag ni Leah na nakabusangot ang mukha na para bang nilukot na papel.

"Oh? Anong nangyari dy--"

"Grrr kainis!" singit nya sa pagsasalita ko sabay hampas sakin ng mahina. Oh inaano ko ba tong babaeng to?

"Bakit?" walang gana kong sagot sa kadramahan nya.

"Yung Prom kasi! Wala na akong partner!" inis na sambit nito sabay dabog. Tss, di bagay.

"Problema mo na yan, basta ako partner na kami ni Maria" sabi ko sabay alis. Wala akong planong makipag-usap sa kanya sasabihin ko pa kay Maria na partners kami.

"G*go! Kaya nga wala akong partner e kasi partner na daw ni Maria si Bryan!" saglit akong napatigil at naistatwa sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sinabi ni Leah.

Kingina paano na kami ni Maria?! T*ngna mo Bryan!

----

"Wawa naman kuya!" pang-aasar ni Xyrel sakin nang sabihin ko ang karumaldumal na sinapit ko.

Partners na sina Maria at Bryan kaya wala akong ibang choice kundi ang makipagpartner kay Leah!

"Tsk! Okay lang yan baby brother! Magagawan namin yan ng paraan ni Baby Xyra!" pagpapalakas loob sakin ni Ate.

Ate hindi! Hindi moko naiintindihan! Wengya ako yung nagpakahirap na bumili ng mga bagay pambabae pero iba yung makikinabang pagdating ng JS!

"Psh!"

"Okay lang yan kuya, we'll talk with ate Maria nalang" sabi ni Xyrel sabay yakap sa likod ko.

"Wag na!Ako na pong bahala!" sabi ko, nakakahiya naman siguro at nakakawalang pride kung sina Ate at Xyrel ang paggagalawin ko.

"May plano kana?" tanong sakin ni Ate na may halong pagtataka.

"Wala, alam ko lang kung ano yung mangyayari" sabi ko sabay alis papuntang kwarto ko.

Tsss. Mas may alam ako kumpara dun sa Bryan na yun e makikita nya.

Pagkadating na pagkadating ko sa kwarto ay agad kong naisipang itext si Maria para makasigurado ako.

'Huy, wag na wag mong sasagutin si Bryan. Kung may plano ka, wag na.Magsisisi kalang'
Send to Maria

Pabili Pong Napkin [Short Story, COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon