~SPECIAL CHAPTER~

1.9K 53 1
                                    


=THE NEVER ENDING HAPPINESS=

5 MONTHS LATER...

(Seol's POV)

"O dito muna tayo magpahinga,,halos lahat na kasi ng loob ng mall nalibot na natin.ang dami ko pang nakain,siguro naman tama na yung paglalakad-lakad natin,,panigurado hindi ka talaga mahihirapang manganak!".baling ko sa kasama


Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang lilim na waiting shed,,sumandal ako habang hingal na hingal dahil sa alas-otso palang ng umaga ay sinamahan ko na tong babaita sa pamamasyal sa mall at pagbili ng mga babies shirt and pants and syempre hindi nawala yung mga covers nya for hands and feet..bumili narin kami ng dalawang balot ng newborn diapers..o diba mama na mama na ang peg nitong kasama ko.



Naupo narin si vina sa tabi ko na bakas ang hirap dahil sa napakalaking umbok na tyan..tinulungan ko na syang makaupo at ako na ang naglagay sa harap ng mga paperbags na sandamukal ang dami,,busit na yan dapat kasi meron manlang kaming chaperon para may tagabitbit,,parehas tuloy kaming nahihirapan sa dami nito



Sandali naming pinagmasdan ang mga nagdadaang tao sa harap namin,,ang mga tao na nagtatawanan sa di-kalayuan at mga mag-syotang sobrang sweet,nainggit tuloy ako




"Parang kaylan lang seol hindi ko maabot ang asawa ko..parang kaylan lang sa malayo ko lang sya nakikita at palihim na pinagmamasdan,sa panaginip ko lang sya nahahawakan at nayayakap..sabi dati ng iba kong kaklase na itigil ko na raw ang pagde-daydream sakanya dahil sa gwapo ba naman ng asawa ko at galing sa basketball malamang maraming mas maganda at mas sexy sakin ang mas mapapansin nya.pero hindi ako sumuko,"..panimula nya habang hinihipo ang tyan na nakangiti.bakas talaga kay vina ang sobrang kasiyahan kaya napangiti narin ako




"Tapos nung nalaman kong yung misteryosang babae pala na kinaiinggitan ng mga kababaihan isa na ko roon na iniibig nya e ikaw pala..noong una nainggit ako sayo at talaga namang mapalad ka kasi bukod sa madalas ka nyang kasama e mas nahahawakan at nalalapitan mo sya..pero ako hanggang tingin nalang sa malayo."




"Pero nung time na nabasted mo sya e naging mas positibo ang asawa ko..hindi sya nagtanim ng galit o sama ng loob sayo at doon pa lang mas lalo akong humanga sakanya.,sabi nya na acceptance and moving-on lang ang kaylangan para hindi tayo makapagtanim ng galit sa puso..aaminin ko marami kayong pagkakapareho at minsan talaga namang nagkakasundo kayo,,akala ko nga sa huli kayo ang magkakatuluyan pero akalain mo yun hindi pala ganun yun,,tadhana nga naman.minsan matatawa ka nalang sa inihanda nya para sayo!".



Napatingin ako sa kalangitan na puro asul at walang kaulap-ulap,,payapa lang at ordinaryo ang araw na ito..pero kahit ganun masaya parin ang nagdadaang-araw para sa lahat ng tao




"Oo nga tama ka vina..noong una na-guilty ako dahil nasaktan ko ang lalaking para ko ng kapatid,,masaya na ko sa meron kami nung mga panahong yun pero parang nag-iba ng magtapat sya sakin,,pero kahit ganun e hindi nagbago ang tingin ko sakanya,,isa parin syang lalaking pwede kong takbuhan kapag may dinaramdam ako at sya lang ang nag-iisa kong kuya na hindi ko ipagpapalit sa mga magiging kuya sa mundo!",nakangiti kong sagot sakanya



May lumapit na bata samin at nanghingi ng limos,,sandali kong tinitigan ang sa tingin ko magkapatid na bata..napangiti ako dahil sa nakikita ko kami sakanila ni ace..batang laging magkasama noon.
Yumuko ako saka kinalkal ang isa sa mga paperbags sa harap..ng makapa ang hinahanap ay agad kong binigay ito sa dalawa ng nakangiti..muka silang natuwa kaya naantig ang puso ko



"Binili ko pa ang isang box na donut na yan para sana iuwi kay skylar pero dahil mas kaylangan nyo sige.,inyo na ito pero,umuwi na kayo ha,wag ng pagala-gala at baka masagasaan kayo dyan!",,panenermon ko kaya tumango sila



The Badboy And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon