~BONUS CHAPTER~

2.1K 53 7
                                    

(Seol's POV)

Napangiti ako ng peke habang nagkakamot sa batok..nakakahiya dito sa kasama ko sa hapag itong niluto ko..nandito kami sa apartmet ko


Tinuro nya ang itlog na nakakunot ang noo


"Ano to seol?,itlog ba yan o malaking tipak ng uling?tsk!tsk!..haynaku paano pa kaya kapag naging mag-asawa na kayo ni third..baka naman araw-araw mong pakainin yung bestfriend ko ng sunog.,hindi ba nya sinabi sayong nakaka-cause ng cancer ang palaging pagkain ng sunog?"


Muli ay napangiti ako ng peke sabay tingin sa nilutong itlog na kasing-itim ng uling.inilayo ko yun sakanya at binigay nalang ang tsaa gaya ng hinihingi nya pati yung fried rice..buti nga hindi ko nasunog yung kanin



"Wag ka nalang mag-ulam puro kanin nalang kainin mo kasi mamaya sa pupuntahan natin e marami ka namang makakain,"



Wala syang nagawa kaya nilamon na nya yung sinangag,,napapatango pa sya


"Mabuti pa itong kanin mo okay pa pero bakit ata kakaiba ang lasa?anong nilagay mo dito?!"


"Ahm,,isang pack ng vetsin---

*FRRRUUUUUUUUUUUKKKK*


Naibuga nito ang kinakain sabay inom sa tsaa,,mabuti at hindi nya sa muka ko ibinuga kundi bubugbugin ko itong si billie



"Ano ba yan seol?!.bakit isang pack inubos mo?,masama rin ang sobra at laging may monosodium glutamate ano!?"..reklamo nya kaya napanguso ako


"Malamang hindi mo alam,minsan nga sasabihan ko si third na ipaalala sayo ang mga hindi dapat at dapat,,tsk siguro kapag magkasama kayo puro kayo murahan,sapakan,at lampunga--



"Hoy hindi ah!,saka hindi ko naman alam na health conscious pala ang isang billie dimagiba."



Niligpit ko na yung mga pinagkainan namin habang sya ayun prenteng-prenteng nakaupo sa sofa,nagtu-toothpick pa at inuubos ang tsaang tinimpla ko sakanya



Sinipat ko ang pambisig na relo pero hindi na iyon umaandar,,hinagis ko nalang yun sa kung saan saka tumingin sa wallclock na binigay noon ni totoy sakin sa amusement park na napanalunan nya,napangiti ako ng maalala yung mga masasayang araw namin nung time na tinuturuan ko pa sya


"Aray!",daing ni billie kaya napatingin ako sakanya,,nag-sorry ako dahil sa noo nya tumama yung hinagis kong wristwatch.sa bangketa ko pa kasi binili yun at napakatagal na sakin kaya ngayon tuluyan na syang nagpaalam



Malapit ng mag-9 at aalis na kami dito sa apartment room ko..nagtext na sakin si totoy na papunta na raw sya dito para sunduin kami ni billie



"Seol asan ang banyo mo rito?!",,biglang bungad nito habang nakangiwi at hawak ang tyan nya,tinuro ko yung banyo kaya patakbo syang nagtungo roon,,rinig na rinig ko ang sunud-sunod na pagpurorot nito kaya natawa ako ng malakas


"Ano bang nilagay mo sa pagkain seol?ang sakit ng tyan ko ah?,o baka naman sa tsaa?!",,pakikipag-usap nya sakin habang umiire..napaisip ako saka muling binalikan ang basurahan para tignan ang tsaang pinainom ko sakanya,.halos manlaki ang mga mata ko kaya bumalik sa tapat ng pintuan ng cr


"Sorry billie,,biguerlai pala yung naipainom ko sayo.!"hinging paumanhin ko,,narinig ko naman ang bahagya nyang pagsigaw



"What the eff ?!.kaya pala humilab yung tyan ko,!".aniya


"Bakit alam mo ba ang tsaang ininom mo?!"


"Oo kaya..yun ang madalas inumin ng ate ko kapag malaki na ang tyan nya..gusto kasi nun na laging sexy ang katawan kaya umiinom sya nun para mabawasan ang dumi sa katawan,,ano ba yan seol sinasabutahe mo ata ako..malapit ng mag-alas nuebe at aalis na tayo!"reklamo nito


The Badboy And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon