Diary 001

22.5K 878 311
                                    

Dear Kookie,

Unang-una sa lahat, kookieng ina mo. Hayop ka! Napakawalang hiya mo! Ano bang ginawa ko sa'yo para tratuhin mo ko ng parang basura? Kaylan ba ko nagkulang sa'yo? Araw-araw pinaparamdam ko sa'yo kung gaano kita kamahal, ni minsan ba naramdaman mo na pinabayaan kita ha? Gago ka. Napakagago mo para ipagpalit ako sa kaibigan ko. Sa dami ng babaeng pwede mong ikabit sa relasyon natin bakit kaibigan ko pa? Hindi ka ba nakokonsensya o wala ka noon? Oo tama! Wala ka siguro noon.

Kilala mo na siguro ako 'no? Ako lang naman yung taong tumagal sa ugali mo sa loob ng tatlong taon, tatlong taon kong tiniis yung katarantaduhan mo, yung hindi mo pagpansin sa mga text ko, yung rereplyan mo lang ako kapag bored ka, yung hindi mo pamamansin sa akin sa school, yung pagpapahiya mo sa akin sa harap ng mga kaibigan ko, yung pagtrato mo sa akin na para bang hindi mo ako kilala, na para bang hangin lang ako para sa'yo. Tama nga sila, ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko pero tandaan mo 'to, kung tanga ko, mas tanga ka! Kasi iniwan mo pa ang isang taong nagpapakatanga ng sobra sa'yo!

Sana mabasa mo 'to, kookieng ina mo.

Dear KookieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon