Honey 017

3.5K 239 27
                                    

"Kookie!" Sigaw ko sa kanya.

Bored niya akong tiningnan habang nakataas ang isang kilay niya.

"Pinagbake kita ng paborito mo, alam kong mahilig ka dito sa cookies lalo na kapag chocolate chips di ba?" Nakangiting sabi ko sa kanya habang nilalagay ko yung cookies sa jar na ngayon ay ubos na.

"Kakaubos ko lang ng gawa ni Jin, sa tingin mo gusto ko pa ulit?" Iritadong tanong niya sa akin pero tumango ako sa kanya, alam kong gusto pa niya.

"My chocolate chips nga 'to promise, paborito mo pa naman 'to." Mahinang sabi ko sa kanya habang nakanguso.

"Alam mo kung bakit ayokong kainin yan ha?" Tanong niya, hindi ako sumagot at tiningnan ko lang siya diretso sa mata niya habang naghahantay ng sasabihin pa niya.

"Kasi hindi ko naman sinabi sa'yo na mahilig ako sa cookies na may chocolate chips kaya papaano mo nalaman?" Inis na tanong niya.

"A-Ano kasi, sinabi sa akin ni Jin. Tama, sinabi sa akin ni Jin." Pagsisinungaling ko. Ayoko na kasing madagdagan pa yung isipin niya, alam ko namang iniisip pa rin niya ngayon si Jin. Kasi sa totoo lang ay alas dose na ng gabi, kanina ko pa siya pinapatulog pero hindi siya sumusunod sa akin.

Kaya naisip ko na pagaanin man lang yung loob niya pero hindi talaga magaan yung loob niya sa akin, sabagay. Sino ba naman kasi ang matutuwa na may kasamahan kang babae na ngayon mo lang nakilala, tapos bigla ka nalang iiwan.

Pero...

Si Suga naman ay hindi niya rin kilala nung una nitong dating, pero bakit sa akin ang init ng ulo niya. 

"Alam mo kung anong magandang gawin mo ha? Umalis ka sa harapan ko, nanunuod ako ginugulo mo ko." Halos itabig niya ako para lang makita niya yung screen na pinapanuod niya.

Pinipigilan kong magalit-- No, hindi ako nagagalit sa kanya. Nalulungkot ako sa inaasal niya, pero ganyan naman talaga siya di ba? Dati pa lang tarantado na siya, hindi ba niya kayang kalimutan pagiging tarantado niya? Pwede bang mamili nalang ng makakalimutan niya? Tsk.

Inilapag ko pa rin yung cookies sa lamesa bago ko pumasok sa kaninang kwarto ni Jin, binagsak ko agad ang sarili ko sa kama at pinikit ko yung mata ko. Pero wala rin, hindi man lang ako inantok.

Hindi ko na alam kung ilang oras akong nag iba ng pwesto ko sa paghiga dahil hindi ako makahanap ng komportableng pwesto at hindi talaga ako makatulog.

Napatingin ako sa cellphone ko na hindi man lang tumunog simula nung nagbreak kami ni Yoongi, kaya naman mabilis kong kinuha iyon at binuksan para tingnan yung facebook account ni Yoongi, wala siyang inupload na kahit anong picture at wala rin siyang pinost na status. 

Binuksan ko agad yung messenger para tingnan kung online ba siya, halos tumigil yung puso ko ng makita kong online siya. Nagdadalawang isip ko kung bubuksan ko ba iyon at ichachat sya o huwag nalang.

Ilang minuto na naman ang lumipas, at sa ilang minuto na yun ay wala pa rin akong ibang ginagawa kundi huminga ng malalim at magpalit ng pwesto ko. Kanina pa ko nakatitig sa kulay bilog na green sa tabi ng pangalan ni Suga.

Nagdadalawang isip akong tawagan siya pero bandang huli ay ginawa ko pa rin. 

Nakakagat ako sa labi ko habang pinapakinggan ko yung pagring nito. Kinakabahan ako, iniisip ko na sana ay huwag niyang sagutin pero at the first place bakit tumawag pa ako?

Kaya naman ng sinagot niya yung tawag ko ay halos tumigil yung pagtibok ng puso ko sa gulat ko, nakita kong nakashades siya at mukhang nasa airport siya.

"Hey..." Mahinang sabi ko sa kanya bago ko napayakap ng mahigpit sa unan.

"Hey." Awkward na bati niya pabalik.

Naramdaman kong may bumabagsak na namang luha sa mata ko pero dahil masyadong madilim dito sa kwarto na kinakahigaan ko dahil nakapatay ang ilaw, malamang ay hindi niya iyon nakikita.

"I miss you." Halos pabulong ng sabi ko.

Narinig kong napabuntong hininga siya bago niya tinanggal yung shades niya, kitang kita ko yung pamamasa ng mata niya at pangingitim ng ilalim ng mata nito. Napakagat ako sa labi ko para pigilan ko yung paghikbi ko.

"Honey, please?" Hindi ko alam kung saan siya nagmamakaawa, sinabi ko lang naman yung nararamdaman ko ngayon.

"Hindi naman kita guguluhin na, sinasabi ko lang naman na namimiss kita kasi iyun mismo yung nararamdaman ko ngayon." Alam kong basag na basag na yung boses ko at halata ng umiiyak ako pero wala na akong pakialam.

Hindi siya sumagot, nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

"Miss na miss na kita, gusto kong magmakaawa sa'yo na balikan mo ko pero ayoko ng guluhin ka." Nanginginig na sabi ko.

"Panandalian lang 'yan, bukas o sa isang araw, kapag natuon na sa iba yung atensyon mo hindi mo na ko maiisip Honey." Aniya pero umiling ako ng umiling.

"Hindi, hindi ko alam kung papaano ko magagawa yun. D-Di ba pwedeng magbalikan tayo? K-Kahit saglit nalang, g-gusto kitang makasama ulit." Alam kong basag na basag na yung boses ko kasi nalulunok ko na yung sariling laway ko kakahikbi.

"Miss na miss na talaga kita." Napatakip ako mukha ko dahil hindi ko na alam kung papaano pipigilan yung luha ko.

"Hindi ko alam, siguro kung mahal na mahal kita ang sinasabi mo baka magdalawang isip pa ako." Aniya.

"Hindi mo na ba ko mahal?" Pakiramdam ko balik na naman ako sa pagiging desperada ko. Hangga't may magiging dahilan ako, idadahilan ko.

"Mahal kita, kaylan ba hindi?" Naramdaman ko yung pagiging bitter ng binitawan niyang salita.

"Kung ganoon bakit hindi tayo magbalikan? Bakit hindi mo na ko kayang balikan?" Desperadang desperada na talaga yung tono ko ngayon, nakakahiya pero sa mga gantong sitwasyon wala na akong maipakitang hiya.

"Naipaliwanag ko na sa'yo." Aniya.

"Wala akong naiintindihan! Tatanggapin ko naman na di ba, bigyan mo lang ako ng konting oras matatanggap ko rin yun at makakamove on rin ako sa mga nangyari dati, please bumalik ka na." Malakas na halos ang pagkakasabi ko dito, kasabay ng paghagulgol at pagyakap ko ng mahigpit sa unan.

"Gamitin mo na rin yung konting oras na 'yan para kalimutan ako." 

Umiling ako ng umiling, hindi pwede. 

Nang biglang namatay yung tawag ay napaupo ako, mabilis kong tiningnan yung phone ko para malaman kung anong nangyari hanggang sa narealize kong pinatay talaga niya yung tawag, tinawagan ko ulit siya pero pinatay na niya siguro yung cellphone niya kaya naman mas lalo akong naiiyak.

Sinubsub ko yung mukha ko sa unan at paulit-ulit kong inuntog ang sarili ko doon, ang tanga-tanga ko. Hindi ko na maintindihan kung ano talagang gusto ko. Bakit ba ang desperada ko?

Napaangat ang tingin ko ng maramdaman kong parang may nakatingin sa akin, nakita ko si Kookie na nakasandal sa pader habang may hawak-hawak siya kumot. 

"K-Kanina ka pa diyan?" Tanong ko.

Tumango siya sa akin, base sa mukha niya alam kong narinig niya lahat ng pagmamakaawa ko.

Pinunasan ko yung luha ko para kahit papaano ay magmukha man lang akong disente sa paningin niya. Hinagis niya sa akin yung kumot bigla kaya naman naguluhan ako.

"Narealize ko lang na wala kang kumot kaya kinuha ko yung extrang kumot sa luggage ko." Aniya bago siya lumabas na bigla ng kwarto ko.

Napatingin ako sa kumot na hinagis niya sa akin at bahagya akong napangiti.

Ang laking panyo naman nito para ipamunas sa luha ko.

Dear KookieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon