Diary 043

3.2K 202 12
                                    

Dear Kookie from 2017,

Alam mo lumipat tayong dalawa ngayon sa isang rest house sa Busan, malaki siya para sa dalawang tao at sobrang ganda niya, nakakarelax pala dito sa napili natin. Nakita ko kung gaano ka kaexcited ng makita mo yung rest house, sa sobrang saya mo nga niyakap mo ko kahit di mo ako kilala. Hahahaha! Kanina ka pa hindi ka mapakali sa buong bahay, panay ang silip mo rin sa labas dahil tanaw na tanaw mula dito yung beach, niyaya mo pa akong manuod ng sunset mamaya, ang kulit mo kaya pumayag na ako, tsaka ko nalang aayusin yung mga gamit natin, ayoko kasing makita mo yung ibang gamit mo at mahirapan kang aalahanin, lalo na kapag nakita mo yung picture nating dalawa, ayos na ako sa gantong sitwasyon.

Hindi mo naman ako kaylangang alalahanin pa, basta kasama kita at masaya ka, ayos na ako dun. Hindi ko nga akalain na gagaan agad yung loob mo sa akin. Masaya ako na kahit hindi mo ako natatandaan, kahit pangalan ko na lang yung alam mo sa akin, ayos lang. Masaya ako na gusto mo ulit mabuhay, alam kong ayaw mo ng desisyon ngayon ng Kookie sa kasalukuyan pero pasensya ka na ha? Gusto kong tuparin lahat ng gusto mo ngayon, gusto kong maging masaya ka ngayon. Gusto kong isipin mo na hangga't buhay ka pa may pag-asa pa, na hindi hadlang yung sakit mo para gawin lahat ng gusto mo.

Pasensya ka na pero hindi ko hahayaan na mawala ka ng maaga ng hindi man lang natutupad lahat ng gusto mo.

Dear KookieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon