Natasha POV
Takbo ako ng takbo na parang hinahabol ako ni Aaron. Sht! Nahihibang na yata talaga ako. Bat pinanuod ko?! Bat nag stay ako don?! Gusto ko talaga yatang masaktan.
Pero fuck totoo ba yun?! Putangina kahit di ko aminin ang sakit!
Ay wala pala akong karapatan masaktan, sino ba ko sakanya? Oo nga pala I'm just his freaky stalker. Mapait akong ngumiti sa naisip ko.
Accept the fucking fact Tasha.
Tumakbo ako sa next class ko late na ko ng 15 minutes! Sht! Napaka gandang bungad sakin ng araw na to.
Binuksan ko yung pinto ng room namin Section 1 ako, and ayun lahat sila nakatingin sa kin pati yung teacher namin paktay na! Galit sakin yang teacher na yan kase kinorrect ko yung equation nya. Uh-oh!
Yumuko ako at pumasok na. Umupo ako sa upuan ko pero tahimik pa rin ang buong klase at nakatingin sakin. Tahimik kong kinuha ang mga notes ko.
"Ms. Cedez? Mukhang nalate ka ata? Ay di pala ata late ka na pala talaga." May galit talaga sakin to e! Fuck. Tumayo ako at yumuko sakanya.
"Sorry ma'am" nakatungo kong sabi.
Kinagat ko ang labi ko at tiim bagang tinatanggap ang mga masasamang sinasabi ng mga kaklase ko.
Damn. Wala akong pahinga sa sunod sunod na nangyayari.
"Sorry? Go to detention room! " Nangangalaiti nyang sigaw habang nakaturo sa pintuan ng room. Tahimik kong kinuha ang mga gamit ko na kakalapag ko lang at tahimik na lumabas.
Nadention ako for the first time.
Habang naglalakad ako papuntang detention ang layo pa nun pinakadulo ng school yun. Pumunta muna ako ng canteen para bumili ng Orion rings favorite ko kase yun para may kinakain ako habang naglalakad. Tsaka walang estudyante tapos na kase lahat ng break ngayon. Ako lang tuloy! Ang Valedictorian pupunta sa Detention Room great!
"Ate pabili po ng - "naputol yung sinabi ko kase binigay na agad sakin yung onion rings.
Nagtataka kong tiningnan ang nagtitinda at nakangiti ko nalang tinanggap yon.
"Alam ko naman na yan bibilhin mo e haha! Libre na yan! " natigil ako sa pagkuha ng pera sa bulsa ko at nakangiting tumango nalang kay ate.
"Uhm.. salamat po." Nahihiya kong sabi at umalis na sa cafeteria.
Pagkalabas ko ay nagsimula na ko maglakad, sarap talaga ng onion rings.
Tahimik ang buong corridor tulad ng inaasahan. Ayos na rin palang na detention ako para mapahinga ang sarili ko sa lahat ng nangyari.
Naglalakad ako ng may narinig akong naglalakad sa likod ko may kasunod ba ko?!
Tumalikod ako para tingnan kung may tao sa likod ko pero wala naman akong nakita. Natatakot na ko ha. Naglakad ulit ako, nang makita ko ang sign nang detention room ay napahinga ako ng maluwag. Malapit na yung detention room!
Isang hakbang nalang!
"WAHHH!" May humigit sakin sa isang hallway ito yung hallway na sinasabi nila na walang pumupunta kase daw may nagpapakita!
Wahhh! Gusto ko pang mabuhay mumu! Wag ako iba nalang bibigyan kita ng mas maganda. Para akong batang nagwawala at naiiyak na parang ewan.
May brasong nakalagay sa leeg ko yung parang hinoholdap pero ito magaan lang ang kamay nya at mahigpit. Letting me to breathe properly. Parang takot na masaktan ako.
Nanginig ang tuhod ko ng maramdaman ang mainit na hininga sa tenga ko ng kung sino man ang nasa likod ko.
"Sorry." What? Sorry? Multo? Sorry! Connect? Ha? Napaparanoid ako tapos sorry? Sa sobrang pre- occupied ko di ko alam wala na pala yung kausap ko kanina di ko napansin yung mukha kase nakahood tapos parang mandurukot.

BINABASA MO ANG
I'm Just His Stalker: The New Beginning ( ST #1 )
Teen FictionI'm Just His Stalker : The New Beginning ( ST #1 ) Officially published in year 2017 and for celebration of IJHS 1st anniversary, I unpublished this last February 2018 and republish to make a new IJHS version. A story that will make you laugh and cr...