Natasha POV
Nang tinawag ako ng teacher ko na pwede na kong umuwi dahil tapos na ang pamamalagi ko sa detention ay tamad akong lumabas dito.
Di ko pa ata kaya umuwi sa bahay. Siguro kaylangan ko muna mag paaliw ngayon ko lang to gagawin pero sabi nila, Ang alak daw ang magpapawala sa problema mo. Kaylangan ko muna nito bago ko harapin si kuya alam ko naman na ako ang dahilan bakit sya naalis sa grupo.
I can't blame him kung masama ang loob nya sakin.
Naglakad ako palabas ng TU na walang pake sa mga naririnig, Im getting used to it. hanggang makarating ng waiting shell. Ngayon ko lang napagtanto na wala na si Kuya para sumundo sakin. Damn. I feel guilty sa lahat ng nangyayari. Mabuti pa ngang di muna ako umuwi sa bahay.
Di ko yata kaya na titingnan ako ni Kuya na may pagkamuhi at galit sakin. I know di ko matatakasan yon pero not now. Di pa ngayon, di ko pa kaya lahat. Di ako si superwoman.
Pumara ako ng taxi dahil yung sarili kong sasakyan ay di ako pinapayagan ipagamit. Naisip ko pa bakit ako binigyan kung di rin pala ako pagagamit ng kotse? Ang alam ko dati pinapayagan naman nila ako. Napanguso ako sa iniisip ko.
Argh. Wala sa lugar ang mga iniisip ko.
Manila to Tagaytay 2 hours din yun. Kaya medyo nakakapagod huminto muna ako sa isang coffee shop malapit na ako sa tagaytay pero hinto muna ako saglit. Bumaba na ako at pumunta sa coffee shop at umorder.
Pumara ulit ako ng taxi at sumakay. Lumipas lang ang ilang minuto nandito na ako sa tagaytay.
Linibot ko kung saan ako pwedeng pumuwesto. Marami rami rin ang tao, maraming street lights ang nagkalat sa daan para lumiwanag ang lugar. Marami ring benches ang nakakalat na okyupado na ng iba't ibang tao. Napahigpit ako ng yakap sa uniform ko ng humampas ang lamig ng hangin.
Damn. Para akong isang batang pinatapon sa isang lugar na di ko alam pero medyo may alam nanaman ako dito dahil dito ako pumupunta kapag gusto ko ng tumakas sa problema pero sana nakakatas nga ko pero alam kong impossible yon.
Naupo ako mag isa dito sa gilid ng dagat kung saan nagbaba ng pasahero ang mga nag babangka may nakita rin akong malalaking barko. It seems like a port actually, mas gusto ko dito kaysa sa benches. Mas malamig ang simoy ng tahimik at mas tahimik kumpara doon na maraming batang nagtatakbuhan.
Di naman sa ayaw ko non. Actually stress reliever pa nga ang tawa ng iba pero sa sitwasyon kong nagpatong patong ngayon kaylangan ko ng katahimikan para magisip.
Nakamasid ako sa magandang tanawin. Dito kase tambayan namin nina kuya at ni jacob dati last punta ko dito 2 years? Tagal na rin no. Ang ganda pa rin pala dito. Walang pinagbago.
"Ano bang ginawa ko sayo Aaron?" wala sa sariling bulong ko.
Unti unti nanamang tumulo ang mga luha ko. Umiiyak nanaman ako. Damn. Buti nalang wala namang masyadong tao dito kase gabi na.
"Wala akong ginagawa sayo. Walaa..,"
"Kasalanan ba talaga na pangarapin ka? Na mahalin ka? Fuck!.." Pahina nang pahina na bulong ko.
Matapos ang mahabang katahimikan. Pinunasan ko ang luha ko at umalis muna ako pwesto ko at pumunta sa isang bar.
Ngayon lang ako nakapunta dito kaya naduduling ako sa mga neon lights na malilikot ang galaw sa buong bar. Di ko masasabing bar to katulad sa manila. Open space to. I mean.. Ang sahig ay buhangin. Letting the people to enjoy the scenery pero kahit ganun katulad ng bar sa manila. May malakas din itong sounds, nakakahilong neon lights, Hard drinks and appetizer, girls, sofas and such.
BINABASA MO ANG
I'm Just His Stalker: The New Beginning ( ST #1 )
Teen FictionI'm Just His Stalker : The New Beginning ( ST #1 ) Officially published in year 2017 and for celebration of IJHS 1st anniversary, I unpublished this last February 2018 and republish to make a new IJHS version. A story that will make you laugh and cr...