Chapter 14: I hate you

45 2 0
                                    

Jacob POV

Its been 4 months simula nung umamin ako sa kanya mas naging malapit kami sa isa't isa at lalo lang akong nahuhulog sa sarili kong patibong.

Ang trato namin sa isa't isa yung alam namin na parehas namin mahal yung isa't isa pero may limitations. Mahirap iexplain eh. Yeah ang corny sa madaling salita MU. Shit di ko na imagine dati na darating ako sa point na mag seseryoso. Pinipigilan ko syang halikan, holding hands sa public dahil ayaw nya. Mukha daw kami malandi pag ganon. Nakakatawa no? Under ako na dating pinagmamalaki ko na napapasunod ko ang mga babae ko kahit anong gusto ko.

Naginat inat ako ng tumama na ang sinag ng araw sa mukha ko. Hudyat na umaga na, makikita ko nanaman si Natasha.

"Pumasok ka jacob.. Makikita mo si Natasha." Yun ang lagi kong sinasabi sa isip ko.

Lagi nalang kasi ako tinatamad pumapasok lalo na at tapos na ang championship pero lagi kong sinasabi kung di ako papasok may aaligid kay Natasha at maagaw sya sakin.

Nagayos ako ng 15 minutes, di ko na rin inabala ang sarili ko mag ayos ng buhok dahil gusto ko magustuhan nya ko bilang ako.

Napakalaking na daw ng pinagbabago ko. I am excelling, damn! Natutuwa si Mom gusto nya makilala si Natasha na lagi kong dahilan kaya ako nagiging ganto.

Nagdrive na ko papunta sa school, Di rin naman nagtagal ay nakarating rin ako. Sa two months, nakilala ko na ang Kuya nya at alam nya na rin ang meron samin.

Nakakatuwa nga lang kung pano nya ko itrato, para ako laging nasa hot seat kapag pumupunta ako sa bahay nila. He insist na sya na ang maghahatid sundo kay Natasha, kahit yun nalang daw. Wala namang problema sakin yon.

Parehas kami ng schedule ni Natasha kaya lagi kami nakakapagkita at walang reklamo dun kase diba nga in - announce ko sa lahat ang plano ko.

Naglalakad ako sa corridor ng makita ang Room namin ay tinakbo ko yun para salubungin sya. Madalas kasi sya ang nauuna dahil maaga ang pasok ng kuya.

"Natasha!" Masayang bungad ko sa room pero luminga linga ako pero wala sya sa upuan nya.

Nas--

"Lumabas sya Jacob, umiiyak." Kibit balikat na sagot ng isang babae sa bungad ng pinto.

Nangunot ang noo ko, umiiyak?

Lalo akong nagmadali lumabas, nagtatakbo ako sa lahat ng corridor pero di ko sya makita. Fuck.

No.. No.. Wag naman, sana.

Kumalabog na ang puso ko sa kaba, di ko na alam kung san ko sya hahanapin. Nanginginig na ang kamay ko sa tako--- bat ba ako natatakot? Dahil ba sa umiiyak sya? O dahil sa dahilan ng iniiyak nya--? Fuck!

No way! Damn it.. Naiisip ko palang, gusto ko ng mamatay. Mas gusto ko pa mamatay kaysa makita sya na galit na galit at kinamumuhian ako.

Wala sya sa canteen, sa ibang room, sa mga corridor na madalas nya daana--- fuck! Last place!

"Natasha!" Sigaw ko at nagpalinga linga.

Napahinto ako sa paglalakad lakad ng makita ko syang nakalikod, ganon ko sya kamahal nakatalikod palang kilala ko na. Umaalon ang mahaba nyang buhok at sinasayaw ito ng hangin.

Nangunot ang noo ko at umaapaw na ang takot sa puso ko ng di sya humarap sakin... Bakit kaya? Mag sa start na yung class. Bakit pa sya nandito?

Lumapit ako at di inalintana ang pagtaklob ng buhok ko sa mata ko habang sinasayaw ng hangin.

Yumuko ako sa harap nya at hinawakan ang pinsge nya. Alam kong nararamdaman nya ang panginginig ng kamay ko pero wala na kong pakialam.

"Oh bakit ka umiiyak?"Sabi ko habang pinupunasan ang luha nya.

I'm Just His Stalker: The New Beginning ( ST #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon