Arielle
Naglalakad ako papunta sa pantry nang makasalubong ko sya ulit.
Yung babaeng cute.
Ano kaya ang pangalan nya?
Anong oras kaya ang shift nya??
Malalaman ko din. Tiis muna Arielle hehe."Ang aga mo talaga lagi. Anong oras ka gumigising? 6AM ang shift mo pero 5AM pa lang nandito ka na" Kylie
"3AM nag pprepare na'ko. Tsaka nasabi ko na sayo yung reason diba? Gusto ko syang makasabay" sagot ko habang hinahabol ng tingin si Ms. Beautiful
Ako nga pala si Arielle Panaligan.
Nag tatrabaho sa isang BPO Company.
At oo, babae ako. Babae din ang gusto ko. Hindi naman na siguro issue pa sa panahon ngayon yan diba?Si Ms. Beautiful, unang kita ko pa lang sa kanya crush ko na sya. Walang special sa kanya. Simple lang ang ganda nya pero ang lakas ng tama ko sa kanya. Kailan ko kaya sya makikilala?
"Hoy! Nag daydream ka na naman. Bakit kasi hindi mo na lang lapitan at tanungin ang pangalan?" Kylie
"As if ganun kadali ang gusto mong mangyari ah? Shy type ako"
"E di tantanan mo na sya.
Walang pupuntahan yan pangarap mo kung torpe ka" kylie.Kahit kailan talaga tong babaeng to!
Kailan kaya ako makaka rinig ng suporta mula sa taong 'to?"O Arielle, aga mo ah. Sumilay ka na naman ano?" Buboy
"Hehe oo e."
"Alam mo na ba ang pangalan?" Buboy
"Walang malalaman yan kase di naman gumagawa ng paraan para may malaman" Kylie
"Alam mo Kylie, ilibre mo na lang ako ng kape, mas nakaka tuwa yon kesa laitin mo ang ka torpehan ko"
"Heh! Pag kakapalan ng muka ang bilis mo, pero pagtatanong ng pangalan napaka kupad mo." Kylie
Agad na tumayo naman sya para bumalik na sa station namin.
15minutes na lang mag start na kami ng work."Pag minamalas nga naman oh! Team, kelangan mag hiwa hiwalay muna tayo ha, walang vacant bay na magkaka sama e. Uhm Arielle sama ka sakin dun sa kabilang bay. Yung iba hanap kayo kung saan may vacant ha." Si Mommy Dee, team leader namin.
BINABASA MO ANG
Miss YOUniverse
Romance"Hindi kita kayang lokohin. Hindi niloloko ang katulad mo. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita at kahit sinong dumating, ikaw at ikaw pa din ang pipiliin ko" Samantha "Walang natupad ni isa sa mga ipinangako mo! Nangarap ako ng para satin p...