2

33 0 0
                                    

Samantha

Samantha Suarez. 35 years old at isang call center agent din.
Matanda kung tatanungin ang edad pero hindi halata sa mukha.
Isang bagay na ipinag mamalaki ko talaga.
Mas bata akong tignan kesa sa tunay na edad ko.

Yung babae kanina. Pamilyar sya e. Hindi ko lang alam saan ko nakita.

"O Sam, lalim ng iniisip ah?" Aiza

"Ah hindi naman. Iniisip ko lang kung saan ko nakita yung si Arielle. Pamilyar yung muka nya e. Parang lagi ko nakikita"

"Pantry" Aiza

"Ha?"

"Sa pantry. Every morning nakikita natin sya dun. Minsan solo minsan may kasama." Aiza

Oo nga pala, sya yung laging nahuhuli ko minsan na naka tingin sakin at biglang ngingiti.

"Ah, sya pala"

"O e bakit iniisip??? Bet mo ano?" Aiza

Oo babae din ang gusto ko. Big deal pa ba yan sa mundong ibabaw?

"Hindi mo ba narinig si Mommy Dee kanina? Pareho kami. So hindi kami talo"

" e bakit, hindi naman obvious ah. Hindi mo nga nahalata diba?
At isa pa, nakita kita kanina kung paano mo sya titigan.
May bahid ng pagnanasa" Aiza

"Kapal!!! Ano naman ang pag nanasaan ko dun e hindi nga kami talo"

"Whatever!!" Aiza

Cute sya. Sakto lang yung height. May dimple din katulad ko. Pa girl pa din ang pormahan, at higit sa lahat,, mataray din ha.

"Nginingiti mo dyan?" Aiza

"Wala naman. May naalala lang ako bigla"

Hindi maalis sa isip ko yung itsura nya nung tinaasan ko sya ng kilay. Akala ko matatakot sya. Pero ang bruha, sumabay ng katarayan.
I like her!😊

Nahuli nya ako kanina na hinahagod ko sya ng tingin. Okay medyo kahiya hiya ako doon.
Kaya nang ngumiti sya, nagpaka friendly na lang din ako. Nginitian ko na din.

Akala ko makaka kwentuhan ko na sya e. Kaso yung team leader ko pinag log out kami ni Aiza. May ibang ipapa gawa.
Naubos lang ang oras ko na hindi man lang naka kwentuhan si Arielle.

Arielle

Kinabukasan, maaga ulit akong pumasok at dumerecho sa bay kung saan nakatabi ko si Sam.
Oo, umaasa kasi ako na makaka tabi ko sya ulit at makaka kwentuhan na this time.
Pero nadismaya lang ako kasi natapos ang buong araw ko na hindi ko man lang sya nakita.

Lumipas ang mga araw at linggo pero hindi ko pa din nakikita ang anino nya. Nawalan na ako ng pag asa na makaka kwentuhan ko pa sya kaya pinili ko na lang na pumwesto kung nasaan yung mga teammates ko.

Miss YOUniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon