SAMANTHA
Bagsak... Bagsak sya sa cab. Lasing na lasing at tulog na tulog na ngayon.
"Sam, s-susuka ako" Arielle
"Ha?! Teka lang! Ahm kuya paki tabi muna saglit bubuksan ko lang yung pinto susuka kasi sya"
After itabi ni kuyang driver yung taxi, agad na binuksan ko ang pinto para maka suka sya.
After ilabas lahat, pinaandar na ulit ng driver ang cab. Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa tapat ng bahay namin.
"Ma, Pa, kaibigan ko po, si Arielle"
"Lasing na lasing ah. Hoy Samantha nilasing mo yata yang batang yan e" papa
"Pa! Hindi po noh! Pareho lang kami ng ininom. Naka dalawang bucket lang kami ng red horse. Malay ko bang mahina pala ang alcohol tolerance neto. Tinanong ko naman sya kung kaya pa nya e, sabi nya kaya daw nya. Nagulat na lang ako tulog na"
"Hahaha ang kulet ng kaibigan mo ah" Mama
"Oo nga po e. Dito ko na inuwi taga Laguna pa to e, hindi ko din naman alam ang address"
"Nako iakyat mo na sa taas at pag pahingahin" mama
"Opo, e nasaan ba yung mga bata? Ipapakilala ko din sya kay Mark. Close sila e"
"Andyan sa computer shop, tawagin mo na" papa
Sinundo ko ang bunso ko sa computer shop, yung panganay ko naman busy sa pag lalaro sa tablet nya.
"Krish, workmate ni Mama, si Ate Arielle."
"Ay mama lasing na. Patulugin mo na po" krishna
"Oo hinihintay ko lang ang kapatid mo"
"Hi mama!" Bati ni mark sabay kiss
"Mark, sya si ate Arielle. Sya yung lagi mong kausap sa phone"
"He- *hik* llo*hik* " Arielle
"Nyay! Lasing!" Mark
"Hahaha loko ka talaga."
" haha! Nakuha mo na ba ang candy sa mama mo?😁" Arielle
BINABASA MO ANG
Miss YOUniverse
Romance"Hindi kita kayang lokohin. Hindi niloloko ang katulad mo. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita at kahit sinong dumating, ikaw at ikaw pa din ang pipiliin ko" Samantha "Walang natupad ni isa sa mga ipinangako mo! Nangarap ako ng para satin p...