1

28 0 0
                                    

“Siguraduhin mong walang mangyayaring masama sa anak ko.” Narinig kong sabi ni Mama.

“Binabalaan kita August, kapag nasaktan ang anak ko, ikaw ang pagbabayarin ko.” Narinig kong dagdag ni Papa.

“Huwag kayong magalala. Walang mananakit sa anak niyo. Sisiguraduhin kong magiging ligtas siya sa kahit na anong panganib.” Sabi ng babae na nagngangalang ‘August’.

“Aba dapat lang. Nagbabayad kami ng malaking halaga para sa kaligtasan ng anak ko.” Sabi ni Mama.

“At isa pa, hindi lang kami ang halimaw na magwawala kapag nasaktan siya. May mas malakas pa sa amin na handang gawin ang kahit ano para sa kanya.” Sabi ni Papa.

“Kilala ko ang tinutukoy niyo. Huwag kayong magalala, alam niya na dumating na siya. Mukhang sabik na sabik na siyang makita ang anak niyo.” Muling sabi ni ‘August’.

Narinig ko ang yapak ng paa nila Mama papalapit sa sinasandalan kong pinto kaya agad akong lumayo at umupo sa pinakanalapit na upuan. Umakto ako na walang narinig sa pinagusapan nila.

Lumabas si Mama, Papa, at ang babaeng nagngangalang ‘August’ sa Principal’s office. Lumapit si Mama at Papa sa akin at yinakap ako ng mahigpit.

“Mamimiss ka namin Snow. Magpakabait ka dito, ha?” Sabi ni Mama habang ginugulo ang buhok ko.

“Anak, magingat ka rin dito, ha?” Seryosong sabi ni Papa.

Matapos naming mag usap ay umalis na sila. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Its like I’ve been here before. Alam kong imposible ang sinasabi ko. First time kong makatapak sa paaralang ‘to kaya imposibleng masabi ko na nanggaling na ako rito.

“Ms. Snow Miller, can I have your attention, now?”

Tumingin ako kay ‘August’ na seryosong nakatingin sa akin. Halata sa kanyang tindig at pangangatawan na galing siya sa kilalang pamilya. Ang kanyang pagsasalita ay may otoridad na para bang pinanganak siya para maging mahusay na pinuno.

“You have my attention now.” Sabi ko at sinalubong ang matatalim niyang titig.

“Good. I'm August Sawyer, ang kanang kamay ng headmistress ng paaralang ‘to. Naatasaan akong ihatid ka sa iyong dormitoryo at ipaalam ang ilang batas ng paaralan na ‘to.” Seryosong sabi ni August.

“Huwag na tayong mag sayang ng oras. Sundan mo ako, ipapakita ko na sa‘yo ang iyong dormitoryo.” Muling sabi ni August.

Nag tungo kami ni August sa pangatlong building. Gusto kong masuka sa mga nakita ko sa loob. Ilang magkarelasyon ang naglalampungan sa tabi ng daan, mga lalaki at babaeng nagiinom at nagninigarilyo, ilang lasing na kung ano ano ang ginagawa, at ilang condoms, panty, at briefs ang nag kalat. Eww...

Tumigil kami ni August sa tapat ng isang pinto. Ang tinigilan namin ay mukhang malinis at tahimik. Buti naman at malayo ito sa mga baliw na taong nakita ko kanina. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at ipakain sa kanila ang mga kalat na nasa paligid, hindi ko gusto ang lugar na maingay.

“Ito na ang iyong dormitoryo, Snow Miller. Huwag kang magalala, matino ang kasama mo sa kwartong ito.” Sabi ni August.

“Tungkol sa pinakamahalaga naming batas, Snow Miller. Huwag kang lalabas sa iyong kwarto ng alasyete ng gabi hanggang alasais ng umaga, ano mang ingay, katok sa iyong pintuan, at sigawan ay huwag mong pansinin. Kung gusto mo pang mabuhay sa lugar na ‘to, ‘wag kang maglagay ng maraming tanong sa ‘yong isipian at lumayo ka sa mga taong tiga-gawa ng gulo.” Seryosong sabi ni August sa akin.

Gusto ko siyang tanungin kung ano ang ibig niyang sabihin. Anong meron sa seven ng gabi hanggang six ng umaga? Imbes na mag tanong, nanatili akong tahimik dahil alam kong wala akong makukuwang kahit na anong sagot sa kanya.

“Robin Blood ang pangalan ng kasama mo sa kwarto mo. Siya na ang magpapaliwanag ng ilang batas pa namin. Ang mahalaga, palagi mong tandaan ang pinakamahalaga naming batas at sundin ito.” Dagdag niya pang muli.

Ngumiti ito ng tipid bago mag lakad papalayo sa akin. August Sawyer, ano bang tinatago mo at ng paaralang ‘to? Sisiguraduhin kong malalaman ko ang lahat ng sikreto mo at ng paaralang ‘to. Ayokong nagmumukhang tanga.

Hinawakan ko ang door knob ng pinto at dahan dahan itong pinihit. Sumilip ako sa loob ng kwarto at isang lalaki ang nakaupo sa isang king size bed habang nagbabasa ng libro. Hindi ko maaninag ng mayayos ang mukha niya dahil sa dilim ng paligid.

Napagpasyahan kong pumasok ng tahimik sa kwarto. Akala ko mapapansin niya ako pero ilang segundo na akong nakatayo sa pwesto ko pero hindi niya pa rin ako tinitingnan. Napairap na lang ako, psh. ang hina naman ng physical sense niya.

Malakas kong isinarado ang pinto at binuksan ang ilaw ng kwarto. Finally, tumingin na siya sa akin. Tiningnan niya ako ng walang kahit na anong bahid ng emosyon.

“You must be Snow Miller. Well, I’m not a happy go lucky person so all I can say is ‘Welcome Snow, this is my boring room, hope you like it’ if you have any questions, your free to ask me.” Walang emosyon niyang sabi sa akin.

Nag tungo ako sa aking kama at umupo ruon. Pinakiramdaman ko ang kama ko, ang lambot... Kung matutulog ako habang buhay, gusto ko na ito ang maging kama ko.

“So, pwede ka bang mag kwento ng kahit na ano tungkol sa paaralang ‘to?”

Tumingin siya sa akin. As usual, wala akong makitang kahit na ano sa mga mata niya. Paano nagagawa ng isang tao na mag tago ng emosyon?

“Wala namang masyadong dapat malaman sa paaralang ‘to. All you have to do is to study hard and behave.” Sabi ni Robin.

Isinara niya ang kanyang libro na binabasa at pinatong sa lamesa na nasa tabi ng kama niya. Tumayo siya at naglakad patungo sa pinto.

“Where are you going?” Tanong ko sa kanya.

“Sa cafeteria, gusto mong sumama?” Tanong sa akin ni Robin.

“Yeah.” Sagot ko.

Kinuwa ko ang wallet ko at sabay kaming lumabas sa kwarto ‘namin’. Er... ang pangit pakinggan ng ‘kwarto namin’ parang tunog mag asawa lang.

Sa paglalakad namin papalabas ng building hindi ko maiwasang maramdaman na may nakatingin sa akin. Tumingin ako sa likod ko at isang lalaking nakaitim na maskara ang nakatingin sa direksyon namin ni Robin. Itinaas niya ng kaunti ang kanyang maskara kaya naman nakita ko ang ngisi sa kanyang labi.

May sinabi siya sa ere na alam kong para sa akin at maayos ko ‘tong naintindihan.

‘I will get you back, your mine’

Saville HighWhere stories live. Discover now