THIRD PERSON’S P.O.V.
Sa buong paligid ng Saville High, sigawan at tawa ng mga mamamatay tao ang maririnig mo. Habang ang makikita mo naman ay ang mga bangkay na nag kalat sa daan, ilang dugo at patalim.
Ang Devil’s Time ang oras kung saan legal ang pag patay sa buong paaralan. Iprinoklama ito ng hari ng paaralan dahil sa galit niya sa mga taong nagtataksil sa kanya na nasa loob ng paaralan.
Habang sigawan ang kanyang naririnig sa labas ng kubo na pinagdalhan niya kay Snow, wala siyang pakialam. Masaya niyang pinapanood matulog ang dalaga.
“Too noisy...” Mahinang usal ni Snow at mas lalong hinapit sa kanyang katawan ang kumot.
Nakaramdam ng lubos na inis si King. Hindi niya gustong hindi nakakatulog ng maayos ang babaeng mahal niya. Kinuwa niya ang isang patalim na nasa tabi ng kinauupuan niya at lumubas ng kubo. Isang babae ang sumisigaw malapit sa kubo, puno ng dugo ang pangitaas ng damit niya habang gulo gulo ang kanyang buhok.
Nakita ng babae si King kaya naman agad siyang lumapit dito. Hinawakan ng maduming kamay ng babae ang makinis at maputing braso ng hari. Tuloy tuloy ang pagagos ng luha ng babae.
“Please tulungan mo ako. May humahabol sa akin at marami sila. Gusto nila akong patayin, please, tulungan mo ako.” Usal ng babae.
Marahas na hinawakan ni King ang panga ng babae at pinatingin sa kanyang mukha. Bumabaon na ang kuko ng hari kaya naman hindi maiwang mapadaing ng babae. Pilit na inaalis ng babae ang mahigpit na hawak ng hari sa kanyang panga pero hindi niya ‘yun nagawa.
“Dahil sa pagsigaw mo hindi makatulog ng maayos ang babae ko. Kaya ngayon, kailangan mong maparusahan.” Malalim at nakakatakot na sabi ng hari.
“Ano? Hindi ko sinasadyang gawin ‘yun. Pakiusap... ‘wag mo akong parusahan, ‘wag mo akong patayin.” Bulong na usal ng babae.
“Mamatay ka na!”
Kinuwa ng hari ang kanyang patalim at isinaksak sa tiyan ng babae. Ang patalim na ginamit ng hari ay may lason at kapag dumikit ang lason sa dugo ng isang tao, agad itong mamamatay. Hindi pa nakuntento ang hari at binaril niya pa ito sa ulo. Pinanood niya ang pagbagsak ng katawan ng babae sa lupa.
“Never make my woman uncomfortable.” Mahinang usal ng hari bago bumalik sa kubo.
Nangmakapasok na siya sa loob. Bumalik muli siya sa kanyang upuan at pinanood ang natutulog na dalaga. Ilang oras na lang at kailangan na naman niyang lumayo sa kanya, kailangan na naman niyang mag tago sa kanya, at kailangan na na niyang ibalik ang dalaga sa kanyang dormitoryo.
Hindi niya gustong lumayo sa dalaga. Kung tahimik lang sana ang buhay na meron siya ay siguro ngayon ay masaya silang mag kasama.
SNOW’S POINT OF VIEW
Nagising ako ng may maramdamang umaalog sa katawan ko. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ang mukha ni Robin.
“Buti naman at gising ka na, halos isang oras na kitang inaalog pero wala pa ring nangyayari, tulog ka pa rin.” Walang ganang sabi ni Robin.
Umupo ako sa kama ko at napansing nasa dormitoryo ko na ako. Paano nangyari ‘yun? Parang kahapon lang ay nasa hallway ako papuntang library. Aish. Nag sleep walk kaya ako?
“Snow, sinabi sa akin ni Prince na lilinisin mo raw ang buong cafeteria ng isang buwan. Bakit ka kasi na-late? Naparusahan ka pa tuloy ni Leader.” Dagdag na sabi ni Robin.
“Robin, paano ako nakarating dito? Eh, kahapon nasa hallway ako papuntang library.” Tanong ko.
Tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay. Nakita ko sa expression ng mukha niya na naguguluhan siya.
“May lalaking nag hatid sa‘yo dito kaninang umaga. Bakit mo nga pala natanong?”
“Wala naman... Teka, may tanong ulit ako. Anong itsura niya?”
“Hindi ko alam, nakamaskarang itim siya kaya hindi ko nakita ang mukha niya.”
That must be King...
Matapos kong kausapin si Robin ay agad akong naligo at kumain ng marami. Kailangan ko ng lakas dahil lilinisin ko ang cafeteria ng isang buwan. Kapag iniisip ko na lilinisin ko ang cafeteria ng isang buwan hindi ko mapigilsng masabi na mukha akong katulong!
Nang matapos akong kumain, nagpaalam na ako kay Robin at dumiretsyo sa Science class ko sa kabilang building. Hirap na hirap na akong mag lakad dahil hindi ko masyadong pwinepwersa ang kanang binti ko dahil baka dumugo ito.
Bwisit ka talaga Ace Slater!
Nang nasa tapat na ako ng science room, dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Nagulat ako ng wala akong makitang estudyante. Ang oras ng klase namin ay eight ng umaga at eight thirty na. Fuck naman! Kung kailan ako maaga tsaka naman walang klase!
“What are you doing here?”
Tumingin ako sa taong nag salita at nakita ang lalaking minumura ko sa isipan ko kanina lang. Bakit sa lahat ng taong makikita ko ay siya pa?!
“Ace, anong ginagawa mo dito?” Balik tanong ko sa kanya.
“Ako ang unang nag tanong kaya dapat mong sagutin ang tanong ko.” Malamig na sabi ni Ace.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya muli sa akin.
“Namamasyal.” Pabalang kong sabi.
Nakita ko ang pagdiretsyo ng mga kilay niya. Pft... gusto ko ng matawa sa mukha niya. Mukha na siyang naiinis sa akin.
Lumapit siya sa akin at... at... binuhat ako ng pangkasal! Fuck! Talagang bwinibwisit niya na ako!
“IBABA MO NGA AKO! HAYOP KA TALAGA ACE SLATER!” Sigaw ko.
Pinagpapalo ko siya sa dibdib pero parang wala lang sa kanya ang ginawa ko. Augh! Naiinis na ako. Lahat ng estudyante na nadadaanan namin ay nasa amin ni Ace ang atensyon, ang sarap dukutin ng mga mata nila!
“Saan mo ba ako dadalhin?” Tanong ko kay Ace.
“Sa office ko.” Tipid niyang sagot.
“Why?”
“Dahil gusto ko.”
Kailan ba ako makakakuwa ng mahabang sagot mula sa lalaking ‘to?! At office daw? Saang office niya naman kaya ako dadalhin?
Habang tinitingnan ko si Ace, hindi ko maiwasang isipin ang sinabi sa akin ni Prince nung una kaming mag kita.
Totoo bang pumapatay ka Ace?
Totoo rin ba ang lahat ng sinabi mo Prince?
Ano ano ba ang sikreto ng bawat isa?
Ano bang meron sa paaralang ‘to?
“Tigilan mo ang pagiisip ng kung ano-ano Snow. Mag pahinga ka na muna.”
Hindi ko papaniwalaan ang sinabi mo Prince, hanggat hindi ko pa nakikitang pumatay si Ace, kasinungalingan ang mga sinabi niya.
Ano bang nangyayari sa akin?