5

4 0 0
                                    

THIRD PERSON’S P.O.V.

Tumigil sa Ace sa pagwawala niya ng marinig ang pag daing ni Snow. Nakita niya na ang isa mga upuang binato niya ay tumama sa binti ni Snow, nakita niya rin ang pag agos ng dugo ni Snow sa sahig.

Agad niya itong linapitan at binuhat. Tumatakbo si Ace papuntang clinic para magamot ang sugat ni Snow. Nawalan na ng malay si Snow dahil sa sakit at dami ng dugo na nawala sa kanyang katawan.

Nakarating si Ace sa clinic, agad na inihiga ni Ace si Snow sa kama.

“Gamutin niyo siya ngayon din, gusto ko, pag gising niya, wala siyang mararamdaman na kahit anong sakit.” Seryosong sabi ni Ace.

“Pero Leader, ipinagbabawal ang pag gamit ng elixir of life.” Dahilan ng nurse.

“YOU HAVE NO RIGHTS TO QUESTION MY DECISION! CURE HER AT ONCE AND THAT’S AN ORDER FROM THE HIGHEST SUPREME LEADER OF THE STUDENT COUNCIL!” Galit na sabi ni Ace sa nurse.

Agad na sinunod ng nurse ang sinabi ni Ace. Ginamot at binendahan ng nurse ang sugat ni Snow at may itinurok ito kay Snow na isang likido na kayang magpagaling ng kahit anong sakit o sugat sa anim na oras.

Umalis agad ang nurse ng matamos niyang turukan ng espesyal na likido ang prinsesang mahimbing na natutulog. Alam niya kung sino ang dalaga at kahit na hindi siya naaalala nito, binibigyan niya pa rin ito ng respeto.

Lumapit si Ace kay Snow at hinawi ang ilang buhok nito na humaharang sa magandang mukha ng dalaga. Hindi niya sinasadya ang ginawa niya, hindi niya gustong masaktan ang babaeng mahimbing na natutulog sa harapan niya.

“Humihingi ako ng tawad, hindi ko sinasadyang masaktan ka.” Seryosong sabi ni Ace.

Bumukas ang pinto ng clinic at pumasok ang magkapatid na si Robin at Prince.

“Dude, kahit kailan ang tanga mo talaga, sinaktan mo na naman siya.” Mahinahong sabi ni Robin kay Ace.

“Hindi ko sinasadyang saktan siya. Hindi ko lang nagustuhan ang mga salitang lumabas sa bibig niya. Sinabi niyang wala siyang pakialam sa akin. Kapag nagising siya, sisiguraduhin kong mapapasakin ulit siya.” Seryosong sabi ni Ace.

“Dude, normal lang na sabihin niyang wala siyang pakialam sayo dahil hindi ka niya naaalala.” Dagdag ni Prince.

Walang sinabi si Ace dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sasabihin. Ang sinabi ng magkapatid ay totoo. Nangako siya sa dalagang hindi na niya sasaktan si Snow pero heto siya, nakatayo sa tabi ng dalaga na mahimbing na natutulog.

“Gagawin ko ang lahat para hindi ka na mag hirap. Susubukan kong kunin ang lahat ng sakit na nararamdaman mo.” Bulong ni Ace sa kay Snow na mahimbing na natutulog.

Ilang sigawan ang naririnig sa labas ng clinic. Agad itong ikinainis ni Ace dahil ayaw niya na may gulong mangyari sa Saville High dahil nandito na si Snow. Ayaw niyang madamay ito at masaktan.

“Mukhang may bagong problema na naman.” Nakangising sabi ni Prince.

“Fuck naman. Mukhang mapapaaway pa ako.” Mahinag usal ni Robin.

Walang kahit na anong sinabi si Ace. Agad siyang lumabas sa clinic at sumunod naman sa kanya ang magkapatid na Blood.

Nang makita nilang tatlo ang dahilan ng sigawan ng mga estudyante, nasa isip nila na higit pa sa away ang mangyayari.

——

SNOW’S POINT OF VIEW

Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata at tiningnan ang paligid. Mukhang nasa clinic ako dahil sa ilang gamot na nakikita ko sa paligid.

Umupo ako sa kamang hinihigaan ko at kinuwa ang gamit ko na nasa tabi lang ng kama ko.

Nakaamoy ako ng masangsang na amoy. What the fuck?! Hindi! Imposibleng dugo ang naaamoy ko!

Nagmadali akong isuot ang sapatos ko at lumabas sa clinic. Ilang tao ang nagkukumpulan sa isang gilid sa hallway ng school. Agad akong nag tungo duon at nakipagsiksikan para lang mapunta sa harapan.

Nagulat ako sa nakita ko. Isang lalaki ang nakaupo sa isang wooden chair. Nakatali ang kamay at paa niya habang duguan ang kanyang katawan at ang mas malala, may alambre na nakapulupot sa kanyang leeg.

Nakita ko si Ace, Prince, at Robin kasama ang apat na lalaki. Mukhang may pinaguusapan silang seryosong bagay dahil sa mga ekspresyon ng mukha nila. Gusto kong lumapit sa kanilang pito at alamin ang pinaguusapan nila pero alam kong wala akong karapatan dahil baguhan lang naman ako sa paaralang ‘to na masyadong curious sa lahat ng bagay.

“Tumabi muna kayo! May mga pulis na magiimbestiga lang sa nangyari!” Sigaw ni isa sa mga lalaking kausap ni Ace.

Ilang mga pulis ang lumapit sa lalaking nakaupo sa wooden chair, tinanggal nila ang alambre na nakapulupot sa leeg nito at ang tali sa kanyang paa at kamay.

Lumapit si Ace at ang squad niya sa pulis.

“I am Ace Slater, the highest supreme leader of the student council in this school. Ang mga kasama ko ngayon ay member ng student council. This is Prince and Robin Blood, Six and Seven Colton, Nathan Grayson, at Ronald Harisson.” Pagpapakilala ni Ace sa kanyang sarili at sa mga kasama niya.

Gusto ko pa sanang pakinggan ang paguusap ng squad ni Ace at ng mga pulis pero may napansin akong anino papalayo sa amin.

Agad akong tumakbo papaalis sa kumpulan ng mga estudyante, kahit na ika-ika ako, hinabol ko pa rin ang aninong nakita ko. Ilang beses akong lumiko at dumiretsyo pero nawala pa rin ang aninong sinusundan ko. Fuck! Nararamdaman kong may alam siya sa nangyari dun sa lalaki!

Sa pinakadulo ng hallway papuntang library, isang nakagintong maskara ang nakita ko.

Naglalakad siya papalapit sa akin. Natatakot ako sa kanya dahil baka may gawin siya sa akin pero hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ko. Parang nakadikit na ang paa ko sa kinatatayuan ko.

Nang makalapit na siya sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at iniangat ito, maayos kong nakita ang ginto niyang maskara.

“Sana maalala mo na kami. Sa ngayon, mag pahinga ka muna at mag saya habang hindi pa dumadating ang delubyo.” Seryosong sabi ng nakamaskara.

“Kung natatakot ka sa delubyong sinasabi ko, ‘wag kang magalala. May halimaw na nagbabantay sa‘yo at handang gawin ang lahat para maprotektahan ka.” Dagdag pa ng nakamaskara.

May mga armadong lalaki na naglalakad papalapit sa amin. May dala silang baril at patalim at mula sa dilim, ilang mga nakamaskarang ginto ang lumabas na may daling iba’t ibang klase ng baril.

“Sa ngayon Snow... matulog ka muna. Ililigtas ka na lang niya mamaya.” Muling sabi ng lalaki.

“Anong gagawin mo?”

Nagulat ako ng may itinurok siya sa aking leeg. Bigla akong nakaramdam ng antok at panghihina. Bumagsak ang katawan ko sa lupa at kasabay ng pag bagsak ko ang paglalaban ng mga nakagintong maskara at ng mga armadong lalaki.

Saville HighWhere stories live. Discover now