Joshua Daniel’s POV
Iniwan na ko ni warren matapos niyang sabihin un..
Sinundan ko agad siya… papalabas na siya ng bar..
Sh*t
Nasa labas sila sam at luisa..
“Warren! Sandali lang!”
Nasa labas na kami ng bar ni warren.. pero wala doon sila luisa..
“Hayaan mong marinig ang paliwang ni sam.. kahit isang beses lang warren.. Isang pagkakataon lang”
“Ano pa bang kailangan kong marinig? Ano? Magsosorry siya sa akin? Dahil Hinde niya tinanggap ang proposal ko sa kanya? Ano bang gusto niyong mangyari?” --warren
“Bigyan mo siya ng pagkakataon para makapagpaliwanag sayo. Pagkatapos noon, kung wala na talaga, edi wala.. atleast nalinawan ka at hinde ka magkakaganyan!”
Hinila ako ni warren SInandal sa pader. .hawak hawak niya ang manggas ng polo ko..
“Kahit anong paliwanag niya, wala ng magbabago! Sinaktan niya ko! Iniwan! Hinde niya ako mahal! Kaya tama na! Gusto ko ng makalimot!” –warren
“Hinde totoo yan warren.”
Napatingin kami kay sam.. Umiiyak na naman siya..
Kitang kita sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman niya sa narinig niya mula kay warren…
“Mahal Kita, mahal na mahal. Hinde ko ginustong saktan ka at iwanan.. Kung hahayaan mo lang akong magpaliwanag., maiintindihan mo ko.” –sam
Tumalikod lang sa min si warren pero hinawakan ni sam ang kamay ni warren..
“Hinde ko na kailangan marinig ang paliwanag mo samantha.. Hinde na kita mahal kaya umalis ka na lang at wag ng magpapakita sa akin!” –warren
Biglang naitulak ni warren si sam.. kaya napaupo si sam..
Agad lumapit si luisa kay sam at inalalayan siyang tumayo..
“Warren! TAMA NA YAN! SUMOSOBRA KA NA!”
Lumapit ako kay warren at sinuntok siya..
“Buksan mo ang isipan mo warren! Wag mong isarado! Makinig ka muna sa amin!”
“Warren.. isang beses lang pakinggan mo si sam…”—luisa
Lumapit si sam kay warren… Si warren naman nakatingin lang kay sam…
“W-warren.. S-sorry… S-sorry f-for e-everything… S-sana m-mapatawad m-mo k-ko b-bago a-ako m-ma-- ”
Agad akong tumakbo papalapit sa kanila ng makita kong patumba na si sam..
Pero bago pa ako makapunta doon, sinalo ni warren si sam…
Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni warren…
Binuhat ni warren si Sam at naglakad na…
Sumunod kami ni luisa sa kanya..
Sinakay ni warren si sam sa kotse niya at Sumakay na si luisa doon sa likod kung saan hiniga ni warren si sam.. ako naman sa harapan na sumakay..
Walang nagsasalita sa amin.. ;
“Warren.. pakibilisan naman… Josh.. Ang hina na..Sam..” –luisa
Natataranta si luisa.. hinde niya alam ang gagawin..
“Anong mahina? Hon..?”
“Ang hina na ng puso niya.. parang huminto.. hinde ko alam!” –luisa
Umiiyak na si luisa…
Mas binilisan ni warren ang pagdadrive niya hanggang sa nakarating kami sa hospital…
Agad na bumaba kami, si warren ang nagbuhat kay sam….
May lumapit saming mga nurse na may dalang hospital bed.. Agad hiniga doon si sam at pinasok sa emergency room.. .
May lumapit na nurse sa amin at tinanong ang nangyari..
“Ano po, nawalan po siya ng malay.. pero ano kc.. may problema siya sa puso. .kanina. parang huminto.. hinde ko alam.. pero ang hina na..” –luisa
Napatingin ako kay warren na nakakunot ung noo.. siguro nagtataka sa sinabi ni luisa..
Pumasok na ulit ang nurse sa emergency room..
Lumapit ako kay luisa at niyakap siya.. .
“SShhh.. tama na.. Magiging ok din si sam..”
“Paano pag hinde? Paano pag sumuko ung puso niya? Paano pag… hinde ko na alam..” –luisa
Pinakalma ko muna si luisa at pinaupo doon sa upuan malapit sa emergency room..
Lumapit ako kay warren na nakatingin lang sa amin..
“Warren.. Sana pakinggan mo na kami ngayon...”
Tahimik lang si warren...
“Tumanggi sa proposal mo si sam dahil sa sak—“
“Luisa? SI Reign? Asan siya?” –tita sandra
Sinabi ni luisa na sinusuri pa ng doktor si sam..
Kabadong kabado kami dahil natatakot kami na baka lalong lumalala ang kalagayan ni sam..
“Sabihin niyo na sa akin, ano bang nangyayari? Anong sakit sa puso?” –warren
Alam namin na nag-aalala siya kay sam.. hinde siya mapakali…
“Warren, kaya ka namin pinipilit na kausapin si reign, dahil alam na namin ang dahilan niya kung bakit ka niya iniwan.. kung bakit siya lumayo” –tita sandra
Bago pa matuloy ni tita sandra ung sinasabi niya, lumabas na ung doktor…
Agad lumapit si tita sandra..
“Doc, kamusta po ang anak ko?” –tita sandra
“Her condition is stable now. Mabuti na lang at agad siyang nadala dito, kung hinde, baka napano na siya.. Matanong ko lang po, nakaschedule na ba ang pag heart transplant sa kanya?” –doc
Napatingin si warren sa doktor dahil sa sinabi niya…
“Opo doc, next month po ang schedule niya, sa cleveland clinic.” –tita sandra
“I need to call her doctors there and try to convince them to make it earlier. Habang patagal po, lalong mahihirapan ang pasyente.” –doc
“opo doc.. gawin niyo po lahat para sa anak ko.”
Lumapit ako kay warren..
“Warren, yan ang dahilan kung bakit iniwan ka niya at umalis siya. Sana ngayong alam mo na, malinawan ka na at wag ng pahirapan si sam.”