Chapter 16.1
Richard Warren’s POV
halos isang linggo na sa hospital si sam..
sabi ng doktor.. pwede na siyang ilabas bukas... kung wala ng magiging problema kay sam...
“reign..”
Tumingin sa kin si sam…
“bakit ka pa nandito? Eh di naman kita kilala?” –sam
“reign… hinde ako aalis dito… gusto kong maaalala mo ako…”
“b-bakit pa?” ---sam
“kc gusto kong magpaliwanag sa yo.. alam kong hinde mo ko kilala…. Pero gusto kong ipaliwanag sayo ung nakita mo bago ka maaksidente….”
“ano bang dapat mong ipaliwanag?” –sam
“na mali ung nakita mo at inisip mo nun.. reign.. ilang beses ko ng sinabi sayo na.. ikaw ang mahal ko at hinde kita iiwan..”
Tumalikod lang si sam sa kin…
“reign.. maghihintay ako.. kahit gaano katagal…. Hinde ako susuko..”
Hinde sumagot si sam sa kin..
Tinignan ko siya… nakatulog na pala…
Hinaplos ko ung mukha niya…
Hinalikan ko siya sa noo….
Hinde ako susuko reign….
Maghihintay ako… hanggang sa maaalala mo ako…
…………
“w-warren…”
Napabangon ako ng marinig ko ung pangalan ko..
Tinignan ko si sam…
Natutulog pa rin siya..
Pero alam kong sinabi niya ung pangalan ko…
Naaalala na kaya ako ni sam?
Hinaplos ko ung mukha ni sam…
“love.. sana maalala mo na ko… ang dami kong sasabihin sayo eh….”
“w-warren…”
Tumingin ulit ako sa kanya…
Pinagpapawisan siya tapos umiiling pa..
Hinawakan ko ung kamay ni sam…
“w-wag…. W-wag m-mo k-kong…. K-kong iwan..” –sam
“love… hinde kita iiwanan…”
“WARREN!” –sam
Napaupo agad si sam tapos nakahawak siya sa dibdib niya..
“reign?”
Tumingin sa kin si sam…
Ang putla ng labi niya..
“h-hinde a-ako..m-makahinga… “—sam
Agad akong tumawag ng nurse…
Nilagyan nila ulit ng oxygen mask si sam.. tapos inayos ung parang tank ng pxygen para gumana un..
Sabi ng nurse… one day ulit na nakalagay to sa kanya..
Hinawakan ko ung kamay ni sam..
Tumingin sa kin si sam