WAKAS

381 18 4
                                    

SINO ang mag-aakalang nang dahil sa isang halik, siya'y magbabalik? Nang dahil sa isang halik, maraming nagbago.

Isang mortal. Minsang naging isang Tawak. Ngayo'y isa ng Kataw.

Ang dating kulay itim na pakpak ay nahaluan ng puti. Ang mga bisig na akala ko'y hindi ko na mararamdaman at ang mga ngiti na akala ko'y hindi ko na masisilayan ay nanatili. Ang nalagutang hininga ay binuhay ng pag-asa. Ang pusong nawalan ng pintig ay binuhay ng tunay na pag-ibig.

"Ang ganda talaga ng asul na buwan," aniya.

"Sobra! Utang ko sa kanya ang buhay nating lahat," tugon ko.

"Naaalala mo ba 'yong sinabi ni Brenna? Ang kasama mo raw na panoorin ang asul na buwan ang makakasama mo habambuhay. Sayang, hindi niya nakasama ngayon ang taong mahal niya," panghihinayang niya.

"Naniniwala akong magkakasama rin sila." Napabuntong-hininga ako. "Jon, ito na ba ang finish line ko? Hindi na kaya paasa si tadhana?"

"Finish line?" Napakunot ang kanyang noo at napatingin sa akin.

"Ang dulo ng paghahanap ko sa 'king destiny."

Napangiti siya. "Palagay ko, ito na nga 'yon. Ang finish line nating dalawa. Hahakbang na rin tayo sa panibagong kabanata ng ating buhay. 'Yong walang hanggan at walang finish line."

"Anak?" tawag sa akin ni Mama kaya't napalingon kami sa pinanggalingan ng kanyang tinig. Kasama niya sina Papa, Nickos at Brenna.

"Ate?" tinuran ni Nickos.

"Ate?" pagtataka ko. Ni minsan, hindi niya ako tinawag nang gano'n.

"Patawarin mo kami kung itinago namin ang tungkol kay Nickos."

"Ano po ba'ng ibig n'yong sabihin, Mama?" muli kong tanong.

"Kapatid mo siya. Totoong kapatid," paglilinaw niya.

Napatingin ako kay Nickos. Nang ngumiti ako sa kanya, kaagad siyang tumakbo at yumakap sa akin.

"Kapatid pala kita. Kaya pala ang gaan ng loob ko sa 'yo." Hinalikan ko siya sa kanyang magkabilang pisngi.

"Matagal ko nang kinasasabikan ang tawagin kang ate."

"Ngayon, p'wede na at magkakasama-sama na tayo," nakangiti kong tugon.

Nabaling ang kanyang tingin kay Jonathan. "Salamat, kuya Jonathan. Iniligtas mo ang buhay ng ate ko, maging ang buhay naming lahat."

"Mahal ko kayo, e."

"Pamilya ka na namin mula ngayon, Jonathan. Maraming salamat," sabat ng nakangiting si Papa.

Nanumbalik ang ganda ng mundo. Binura namin ang masasamang alaala ng digmaan sa isipan ng mga tao. Bumalik sa normal ang lahat na tila ba walang naganap na madugong labanan. Batid kong nagbubunyi ang lahat, maging ako man.

Si Avram?

Muli siyang binuhay ng kapangyarihan ni Lolo. Walang tigil siyang nagpasalamat. Nakipag-ayos siya kay Jonathan at nagparaya bago tuluyang bumalik sa kanyang pamilya. Iniwanan niya sa amin ang pangakong hinding-hindi niya kami malilimutan. At maglalaan ng pagkakataon upang muli kaming magkasama-sama nina Brenna sa mundo ng mga tao.

"Malaya ka na. Malaya na tayo," pagbasag ni Jonathan sa katahimikan habang kami ay nakatayo sa tuktok ng batuhan. Ang lugar na paulit-ulit naming binabalik-balikan.

"Pa'no mo nga pala nalamang nasa ilalim ako ng dagat at nasa loob ng kabaong no'ng araw na 'yon?" usisa ko nang magbalik sa aking alaala ang sandaling iyon.

"Naalala ko 'yong pangitain ko, kaya hinanap kita."

"Mabuti na lang. Akala ko talaga, katapusan ko na."

"Halika!" Hinawakan niya ang aking kamay. "'Di ba't pangarap mong makalipad nang malaya sa himpapawid?"

Tinugunan ko na lamang siya ng ngiti.

Lumipad kaming magkahawak-kamay. Sumuot sa mga ulap. Binusog ang aming mga mata sa kagandahan ng mundo. Sa kaitaasan, tanaw namin ang isang maganda at masayang kinabukasan.

"Mahal na mahal kita, Bukang-liwayway."

"Mahal na mahal din kita, Jonathan."

***

BLUE MOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon