INIREKOMENDA kami ni Papa sa kompanya ng kanyang malapit na kaibigan. Isang kilalang kompanya na naglilimbag ng tagalog magazine at kilala sa pangalang, Takipsilim. Gano'n din ang mga nobela at antolohiya ng mga kilalang manunulat at mga baguhang nadidiskubre pa lamang.
Ang Takipsilim ay naglalaman ng nobela, maiikling kwento, tula, komiks, sanaysay, balita sa pulitika at showbiz, iba't ibang artikulo, payo sa pag-ibig at marami pang iba.
Pumayag na rin akong mag-apply sa kanila dahil sa mas malapit naman sa ganitong uri ng trabaho ang puso namin ni Brenna. Hindi tulad sa dati kong pinapasukan. Mataas ang sahod pero nakakaramdam ako ng kulang.
Napamahal kami ni Brenna sa pagsusulat sa kasagsagan ng aming pakikibaka sa kursong BS Psychology na nadala namin hanggang sa kasalukuyan. Nasisiguro kong mamahalin ko ang trabahong ito kung sakaling matanggap man ako.
"Finally, nagkita rin tayo, Dawn Ventura! You were just a little kid, the last time I saw you. Matagal din kaming hindi nagkita ng Papa mo. Anong klaseng ama ba ang isang pasaway na binata noon?" nakangiting tanong ni Mrs. Gimenez.
"Mabait po siyang ama. The best father, ever!" magiliw kong sagot.
"Good for you, dear! Kumusta naman ang Mama mo?" tanong niya.
Natigilan ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Pakiramdam ko, bigla akong pinagpawisan ng malamig. Magsisinungaling na naman ba ako? Sasabihin sa lahat na nasa abroad siya kahit hindi naman talaga?
"Kilala n'yo po ang Mama ko?" balik-tanong ko.
"Higit pa sa akala mo. Matalik kaming magkaibigan ni Esmeralda."
"Talaga po?" nagtataka kong tanong. Hindi ko maalis ang pagkakatitig ko sa kanya.
"Dawn, please don't look at me that way, baka maging bato ako," naibulalas niya kasunod ng kanyang pagtawa. "Alam ko ang lahat. Ang nalalaman mo ay pira-pirasong eksena lamang samantalang ako ay ang kabuuhan."
"Paano po?" Kung anu-anong ideya na ang naglalaro sa aking isipan dahil sa mga sinabi niya.
"May mga tanong na may nakalaang takdang panahon para sa mga kasagutan. H'wag kang mag-alala. Mabuti akong kaibigan. Alam ko ang hiwaga na bumabalot sa pagkatao mo. Ang lihim na 'yon ay ligtas sa aking mga kamay at sa gusaling ito," paliwanag niya na nagpakalma sa akin.
"Hindi ko lang po kasi maunawaan," tugon ko.
"Mauunawaan mo rin. Magtiwala ka. Ligtas ka sa puder ko. Kontrolado ko ang lahat."
"Kung gano'n, magtitiwala po ako sa inyo katulad ng pagtitiwala sa inyo ng mga magulang ko," nakangiti kong tinuran.
"Well, since qualified ka naman dahil sa mga related experience mo, you're hired!"
"Salamat po!" naibulalas ko dahil sa tuwa.
"You're welcome, dear! Ikaw ang papalit sa nag-resign naming writer. Nakatalaga siya sa maikling kwento. Gano'n din sa mga payo sa problema ng buhay at pag-ibig. I preferred to change that column to, Dawn's Love and Life Advices. While your friend, Brenna, will be assign in news writing since it's her choice." Nakangiti niyang inayos ang aking resume, kasama ang ilang requirements sa loob ng isang brown envelope.
"Salamat po ulit, Ma'am."
"Tita na lang. Call me, Tita Dhes. Magsimula na kayo bukas," tugon niya sa akin.
"Opo, Tita."
Sinalubong ako nang tuwang-tuwa na si Brenna sa aking paglabas mula sa opisina ni Tita Dhes. Marahil ay nakita niya na sa aking ngiti ang magandang balita. Dumaan muna kami sa CR bago umalis.
BINABASA MO ANG
BLUE MOON
FantasiaWW1-Short Novel Writing Contest Entry ~ @ Top 7 --- Sa mata ng pag-ibig, mahalaga nga ba ang anyo para mahalin? Nililimitahan ba nito ang patutunguhan? Katanggap-tanggap bang lisanin ang isang pusong tunay na nagmahal dahil lang kakaiba siya? O naka...