No rules 9

94 4 1
                                    

Genie's POV

Grabe tong si James! Parang may iba na sa kanya. Ihatid ba daw ako pag pasok sa school? HAHAHAHA! Haba lang ng buhok! JK :p

Kitang kita ko ekspresyon ng monggoloid. Pulang pula sa galit kay James, bat naman kaya sya magagalit? Eh hindi naman kami. Oh no! May gusto na ba sakin tong gwapo na to?

Oooops! Medyo hopia na ko! Hahahaha ^__^

Syempre hindi na ko nagpahatid dahil iba na din ang tingin sakin ng kaibigan kong si Jen mukang kakainin na nya ko eh. Nakakatawa talaga ang mga kaibigan ko kapag nagagalit. Ang cute!

So nagpaalam na si James, at nagpaalam na din kami nila Luis dahil may class pa kami. Ilang oras pa ang itatagal ng pangaasar sakin ng monggoloid na to. Hay!

Well ok lang, hindi naman talaga ako naaasar eh. Ikaw kaya asarin ng gwapo? Magagalit kaba? Hindi no! Kikiligin kapa! Ang landi lang XD

So eto naglalakad na kami papasok sa campus nauna na sila Jen para daw may moment kami ni Luis anu bang akala nila?

Hay naku! Kaya etong monggoloid walang habas pa din sa pangaasar! Hindi ba sya nauubusan ng sasabihin?

"Genie!!"

Sigaw ng monggoloid.

"Oh bakit na naman!"

Pagsagot ko sabay lingon ko sa kanya ng bigla syang lumuhod.

"Beautiful boy, wherever you are. I knew when I saw you, you had open the door and I knew that I love again after a long long awhile I loved again"

Oh great! Just just great! Anu ba ang sangkap ng pagkain sa kinainan namin at ganito to? Kinikilig ako enebeyen! Wooooo! Nakakahiya ang dami ng nakatingin!

"Anu na naman yang eksena na yan! Tumayo ka nga! Kakahiya ang dami ng nakatingin baka kung ano pang isipin nila!" Grrrrr -.-

"Bakit? Bawal ka bang kantahan? Eh sa you are a beautiful boy eh! Anu magagawa ko?"

Kumikindat kindat pa to!

"Tumigil ka na nga! Para ka talagang monggoloid! Hmmp! Mauna na nga ko! Dyan ka na nga!"

Binilisan ko talaga ang pag lalakad ko, takbo talaga sya actually, dahil ayokong makita nya na namumula na ko sa sobrang kilig at hiya! Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.

First time may lumuhod sa harap ko at kumanta pa! iba na nararamdaman ko sa kanya! Grrrrr! Focus Genie! Focuuuuuuss! Sira ulo lang talaga yun!

Hindi ka pwedeng mainlove tandaan mo ang kanta ni Demi Lovato! So I'm putting my defenses up, cause I don't wanna fall inlove if I ever did that I think I'll have a heart attttaaaack! Oo! You'll have an heart attack talaga! HAHAHA!

Ewan ko talaga! Hay never mind na nga muna!

Habang nasa ganun pag space out ako, may tumawag saken.

"Hoy Genie!"

Sino ba tong istorbo sa pag de-day dream ko!

Si Jen lang pala.

"Oh bakit na naman? Don't worry Jen hindi ko aagawin si James sayo."

Sabi ko, dahil alam ko naman yun ang sasabihin nya.

"Shungak! Bakit ang layo ng iniisip mo? May nangyari ba?.

Napaka tsismosa talaga nitong si Jen, Anak ata to ni Cristy Fermin at Boy Abunda eh.

"Eto kasing si Luis eh, bigla ba naman lumuhod at kinantahan ako ng beautiful girl. At take note beautiful boy ang ginamit nyang lyrics. Bat kaya ganun yun?"

No rules in love! (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon