No rules 4

115 1 0
                                    

Luis POV

12noon may gumigising sakin, Si Mommy pala. Di man lang sya nagpasabi para naman sinundo ko sya, ang hilig talaga ng Mommy ko sa surprises.

Mag-ayos daw ako ngayon kasi bibisita kami sa bestfriend nya, dito lang din sa village ang bahay.
Saan naman kaya yun dito? May anak kaya yung bestfriend nya? Maganda kaya? Haha nakakaexcite. Kaya dali dali akong nagayos dahil 3pm dapat andun na kami.

Ayos na ayos na ako, gwapong gwapo sa suot kong polo shirt na white and brown pants.

"Gwapo ha?! Iloveyoou pre!"

Biglang sulpot ni James. Tssss

"Munggo! Munggo ka talaga James!"
hahaha Sira na talaga ang ulo nitong bestfriend ko, Makaalis na nga baka kung anu pang magawa ko dito kay James.

Sumakay na kami mi Mommy ng kotse, mainit kasi kaya kahit malapit ginamit na naming 'tong kotse ko, para dagdag pogi points na din baka kasi maganda ang anak ng bestfriend ni Mommy haha.

Alright! We're here na, ang ganda ng bahay. Halatang halata mayaman sila. I'm sure maganda din ang mga tumitira dito.

Pag pasok namin sa loob nakakamangha, mas maganda pa sa inaakala ko.

Habang nililibang ko ang sarili ko, may bumaba sa hagdan. Sana maganda! Sana maganda! Sana maganda! Yan ang pinapanalangin ko! Nang biglang!

"WHAAAAAAAAT??!! IKAAAAAAAAW!!!? IKAW YUNG..."

Naknang! Pag sineswerte ka nga naman oh!

"Bakit anak? Magkakilala na ba kayo ni Luis?"

Tanong ng Mommy nya, sasagot n asana ko pero sumagot na sya.

"Ofcourse not Mom! Hindi kami magkakilala. I mean. We've just bumped into each other yesterday sa may court. Natapon lang naman yung juice na iniinom ko"

Aw! Bat ganun sya? Di pa rin pala nya ko pinapatawad.

Again Im sorry for what happened yesterday. Hindi ko naman talaga yun sinasadaya.

Hindi ko naman talaga sinasadya, pero bakit ang sungit sungit nya? Type nya siguro ako, hahaha pero ang cute nya para syang babae kung magsungit ^_^

Ha? Ano? Ano Luis? Anu ulit yung sinabi mo? Cute sya? Bakit ako nakukyutan sa kanya? No way! He's a guy! Naknang kambing naman!

Erase! Erase! So eto pinaupo na kami ng Mommy nya sa sofa, ready na kasi ang meryenda, pang mayaman talaga ang sinerve nila parang fiesta. Hindi pa ko kumukuha ng pagkain pero pakiramdam ko may titig na titig sakin.

Aw! Si Genie titig na titig sakin, bakit kaya?

Hey? Is there something wrong? May dumi ba sa mukha ko? Kanina mo pa kasi ako tinititigan.

Tinanong ko sya habang nagpapacute pa ng todo. Malay mo effective.

"May something kasi sa mukha mo na nakakinis!"

Hindi pala effective ang pagpapa-cute ko lalo pang nagsungit, ah gusto mo ng ganyan ha! Sige magsusungit din ako.

Hindi ko naman yun ginusto para magalit ka ng ganyan. Kung hindi mo ako mapapatawad then fine!

Sabay simangot, gwapo pa din naman ako kahit nakasimangot, hehe.

Halatang nagulat sya sa sinabi ko, kaya bigla syang tumahimik,

Nainis kaya sya lalo?? Eh kasi naman no. Ang big deal sakanya ng nangyari yesterday. Buti sana kung intensyon ko talaga na itapon sa kanya yung juice eh hindi naman! >____<

Awkward na tuloy! Asar!

Nagpaalam na si Mommy, Gagagbihin din kasi sya daan. Kaya eto pauwi na kami.

I can't say goodbye to Genie kahit na gusto ko, baka kasi lalo pang maasar sakin yun.

Hahaha! Tama! Great idea Luis! Lagi ko na syang aasarin! Para lagi syang magsusungit, ang cute kasi talaga! >:D

So we're here na in my car, while I'm driving, hahatid ko kasi si Mommy sa condo nya, Si Genie pa din ang nasa isip ko, why am I thinking of him? No! it can't be, I can't be gay. I know myself. Natutuwa lang siguro ako sa kanya, yea! That's it natutuwa lang ako sa kanya J

No rules in love! (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon