Prologue

225 8 4
                                    

3rd person POV

Naniniwala ba kayo sa mga Alien? Hindi? Pwes kung hindi, dapat ngayon ay maniwala na kayo.

Sa ating Solar System, may walong major planets. 

Mercury, Venus, Earth, Mars, Jupiter, Saturn, Uranus at Neptune

Ang mga planetang nabanggit sa taas ay ang mga planetang alam na natin. Pero may isang planeta na nag-eexist sa daigdig, kung saan ito ang planetang tirahan ng mga Gwapong Alien. 

Oo, mga Alien. 

Oo, mga Gwapong Aliens. 

Masayang nakatira ang mga Alien na iyon sa kanilang planeta ngunit may isang natatanging Alien na gustong pumunta sa planeta ng mga tao. 

Alien na sobrang gwapo na nga, sobrang ganda pa. 

Yung pag sumabak sa contest ng Pagwapuhan, e sure win na?

Yung pag sumabak sa contest ng Pagandahan, e sure win na?

Si Zoosin Ren ay nanggaling sa planetang U:Zoosin kung saan ito ay ang planetang tirahan ng mga Alien. Take note, mga GWAPONG ALIEN.

*Imaginin niyo nalang na naka alien mode ang salita nila*

"Tayo ay magdiwang, mga kapwa kong Zoosin!" sabi ng kanilang leader na si Zoosin Zeta.

Yeah, that's right. Sila ay mga Zoosin, uri ng mga alien kung saan, sila ang pinakagwapoOO, Gwapo talaga. As in gwapo.

"Wohooo!" pagdiriwang ng mga Zoosin

"Tama!" sabi nung isang Zoosin 

LEADER ZETA POV  

Nagtataka ba kayo kung bakit kami masaya? Simple lang :) Dahil nabansagan ang planeta namin ng Planetang Venus na PINAKAMAAYOS na Planeta. Kung iniisip niyo na mababaw lang yun, pwes hindi.

Ang lahat ng nagcha-champion ay nabibigyan ng Power ng Planetang Jupiter, ang hari ng lahat ng mga Planeta sa daigdig.

At alam niyo ba ang binigay sakin? 

POWER NA MABIGAY ANG LAHAT NG HIHILINGIN ng mga kapwa kong Zoosin. Kahit anong hilingin nila. Pwede silang maging tao. Ay, Pwede silang MAGING TAO NG PANANDALIAN. Siguro mga 2 taon? Meron silang tig-iisang wish at kung ano man ang mga iyon ay kailangan kong tuparin.

Kaya ayun. Masaya ako. Matagal ko na din kasing napapansin na nalulungkot ang mga kapwa kong Zoosin. 

Ayun, nung nasabi ko na sakanila na panalo kami, lahat sila sumaya. 

Teka, si Zoosin Ren yun ah? Bakit nasa sulok lang sya? Akala ko ba lahat sila masaya? Malapitan nga.

"Ren!" tawag ko sakanya.

May pinapanuod sila. Ang nakalagay na pamagat sa itaas ay "Pilipinas at South Korea, itinanghal na dalawa sa mga lugar na may pinakamasasayang tao sa planetang Earth." 

Ah, oo! Yung planetang Earth. Alam ko yun! Masasaya talaga ang mga tao dun. Pero mas masaya kami dito!

Lumingon si Ren at sumagot "Oh Leader Zeta? Bakit?"

"Bakit ang tamlay mo? Ikaw lang ang natatanging malungkot sa ating mga Zoosin ah" tanong ko sakanya. 

"Leader.." sabi ni Ren habang nakatingin sa pinapanood nila.

"Ano meron?" sagot ko.

"Gusto ko na sana gamitin ang chance ko na mag wish ngayon

Sige, pagbibigyan kita Ren. Bawal ang malungkot dito. 

"Gusto ko doon" sabi nya habang nakaturo sa pinapanood nila.

ANO?! Nasisiraan na ba sya?! Pupunta siya sa planeta ng mga tao? Hindi pwede Ren! Masasaktan ka! 

"Ren!" sigaw ko sa kanya.

"Please, Leader! Gusto ko maging masaya! Alam mo naman na simula ng nawala sila, ni kailan, hindi ako sumaya.

Ano magagawa ko? E lahat ng kahilingan ay kailangan kong sundin at gawin. 

"Ren! Binabalaan kita! Masasaktan ka lang."  sagot ko.

"Magtiwala ka sakin Leader.

"Pero Ren, may hangganan ang lahat ng yan! 2 ye--

Agad na pinutol ni Ren ang sasabihin ko

"Hanggang sa sumaya lang ako! Pag naramdaman ko na ako na ang pinakamasayang nilalang sa buong daigdig, handa akong bumalik. Handa akong magpasundo sainyo at ibalik  niyo dito. Sige na Leader! Nakikiusap ako sayo" pagmamakaawa ni Ren.

Naaawa ako kay Ren. Totoo naman e. Simula ng nawala ang magulang nya, ni minsan, hindi na siya sumaya. 

Gagawin ko lahat ng magpapasaya sa mga kapwa kong Zoosin. Hindi ko sila kayang makitang malungkot. 

"Sige Ren. Maghanda ka na. Tutuparin ko ang kagustuhan mo.

--

A/N: HELLO PO! NEW STORY! I KNOW I SUCK AT PROLOGUES AND I'M NOT THAT CONFIDENT IN MY WRITING SKILLS BUT GIVE MY STORY A CHANCE/TRY. SPECIALLY K-POPPERS. SPECIFICALLY, LO/\Es and TRIPLE S! Hihi! Pure Imagination! Ayun lang po. Salamat! BIDA ANG NU'EST dito specially, BAEKREN. Featured din ang SS501 dito! 

He Is My Oxygen (BaekRen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon