chocolate love

31 0 0
                                    

*present time*

Tumunog ang cellphone ko..may nagtext..

From: alice

“Yoh. I’m here @ the mall. Labas tau? Don’t feel like going home pa.”

Napangiti ako.

Yep.

May communication pa rin kami ni Alice until now.

Same school lang pinasukan naming eh.

At magka-dorm din kami.

Hanggang sa naging close kami at lagging nagsasabay kahit hindi kami same ng class.

Tinuloy niyang ang dream niyang maging chemist kaya BS Chem ang kinuha niya, samantalang Music naman ang sakin.

isa na nga siyang chemist ngayon samantalang ako naman, nagtuturo sa music school ng lolo ko. Wala akong driver kasi lagi akong nagcocommute.

~sigh~

To: alice

“k. I’m on my way.”

Buti na lang di pa ako lumagpas sa mall. Pumara na ako at bumaba na. medyo umaambon na lang kaya di ko na binuksan ang payong ko.

[flashback…]

Nakapangalumbaba ako habang hinihintay namin ang teacher namin na dumating.

tumanaw lang ako sa labas ng bintana habang pinapabayaan ang kaingayan ng mga kaklase ko. mabuti na lang pala at sa may bintana ako nakaupo. napabuntong hininga ako.

ang boring naman ng hapon na ito. pinanood ko ang mga kaklase kong nagkukulitan. napangiti ako.

pero nawala ang ngiting yon nang makita ng mga mata ko si Henry na nakaupo kasama ang mga kaibigan nitong nagkukulitan.

naramdaman marahil nito na may nakatingin dito kaya tumingin ito sa gawi ko.

iniiwas ko ang paningin ko at muling tumingin sa labas ng bintana.

Hindi naman na siguro ito nakatingin sakin diba?

Tiningnan ko ang pwesto nito at ng mga kaibigan nito.

whew! Hindi na nga.

Buti naman.

Napatingin ako sa katabi ko, si Alice Sue.

ito ang candidate for salutatorian sa batch namin dahil matalino rin ito.

nerd nga lang ang reputasyon nito dahil nakasuot ito ng makakapal na salamin at laging kaulayaw nito ang mga Chemistry books nito.

Pangarap ata nitong maging Chemist.

umangat ang tingin nito sakin at pinagtaasan ako ng kilay.

"May gusto ka sa kanya." sabi nito. wala na itong ibang sinabi.

"Ha? anong ibig mong sabihin? ako ba kausap mo?" nagugulihang tanong ko.

"May iba pa ba?" balik tanong nito.

Ah. ako nga kasuap niya. 

"Sino naman ang tinutukoy mong gusto ko?" tanong ko naman sa kanya.

wow! First time kong marinig ang babaeng chemistry book na ito na nagsasalita na walang chemist ek-ek.

"Si pres." tukoy nito kay Henry. Pres kasi minsan tawag namin sa kanya dahil sa ito nga president ng student council.

"Paano mo naman nasabi yan?" tanong ko.

ALUMNI HOMECOMINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon