first date

33 0 0
                                    

*present time…*

Nang matapos ang cosplay, dumiretso na kami ni Alice sa isang fast food restaurant para magdinner.

“uy, nga pala. Invitation oh.” May inabot na envelope sakin si Alice. “para daw yan sa reunion ng batch natin sa high school. Pupunta ka ba?”

“hmm? Reunion? Hindi ko alam eh. Ikaw?”

Nagkibit lang siya ng balikat. “depende.”

Napagkwentuhan namin ang mga nangyari samin nung high school.

“ano ka ba naman, Lee. Para kang bata kung kumain ng burger eh.” Sita sakin ni Alice.

“huh?

“may sauce ka pa sa labi mo.” Napapailing niyang sagot.

Agad kong pinunasan ang labi kong may sauce. Haist! May naalala na naman ako!

[flashback…]

Bored ako sa bahay kaya naisipan kong lumabas muna.

“lo, may labas lang po muna ako.” Paalam ko kay Lolo.

“o sige. Kelangan mo ban g driver? Ipapahatid na kita.”

“ah. Wag na po Lo. Kaya ko naman po eh.”

“oh sige. Mag-iingat ka.”

“okay po. Bye.” Humalik na ako sa psngi ni lolo.

Hindi ganun ka-strict si Lolo pag lumalabas ako kaya ganun.

Naisipan kong magpunta sa mall para tumingin-tingin kung ano pwedeng bilhin.

Wala akong mapili kaya nagpasya akong pumunta na lang sa taas para manood ng sine.

Ano kaya magandang palabas?

Namimili ako ng pwede ko panoorin nang may makabangga naman sakin.

nagkatinginan kami.

“sorry” sabay naming sabi.

Nagkangitian kami nang makilala naming ang isa’t isa.

si Henry!

“ui. Ikaw lang mag-isa?” tanong nya sakin.

“hmm. Ikaw?”

“ako lang din mag-isa. Ano panonoorin mo?’

“Harry Potter. Manonood ka rin?”

Tumango sya.

“Harry Potter din panonoorin ko. tara. Sabay na tayong bumili ng ticket.”

Bumili na kami ng ticket.

At syempre tabi kami sa upuan. Nagshare na lang kami ng pop corn pero nag-insist syang siya na magbayad, libre na rin nya ang softdrinks namin.

Wow! Parang totoong date ah!

Naging awkward ang feeling ko nung dumating na sa part na hinalikan ni Hermione si Ron.

Pasimple kong tiningnan si Henry.

Ni hindi man lang nailing? Haist.

Ibinalik ko na ulit ang paningin ko sa movie at pinagpatuloy na ang panonood.

Nang matapos ang movie, hindi agad kami umuwi.

Nagpunta muna kami sa isang park at pumasyal-pasyal.

May bazaar pala ngayon, kaya namasyal muna kami.

Medyo maraming tao kaya ayun, hinawakan ni Henry ang mga kamay ko para di kami magkahiwalay.

He didn’t let go of my hand hanggang hinatid niya na ako pauwi.

“salamat nga pala sa paghatid ha. Hindi mo naman kelangan gawin yun eh.” Sabi ko sa kanya.

“wala yun. Sige pasok ka na.” ngumiti sya sakin.

“hindi ka na ba muna tutuloy?” eh? Ano ba yung sinabi ko??

“wag na. sige na pumasok ka na sa inyo.”

“ah. Okay. Sige. Ingat. Bye!”

“bye!” kumaway muna sya bago naglakad palayo.

Pumasok na ako sa loob ng bahay.

Nakapagpalit na ako ng damit nang maalala ko si Henry.

Kinuha ko ang cellphone ko. pero nagdalawang-isip ako kung itetext ko ba sya. Inilapag ko uli ang cellphone ko sa bed.

Dinampot ko ang violin ko para tumugtog.

Pero may nag-urge sakin na itext sya.

Kinuha ko uli ang phone ko. pero ano ba sasabihin ko?

Haist wag na nga lang. inilapag ko na uli ang phone ko at dinampot ko ang violin.

Tutugtog na lang ako.

Sismulan ko na sana nang biglang tumunog ang phone ko.

1 message received:

From: Henry

“hi! Just got home. J”

Me: “good. Take care…” dududtungan ko ba? Wag na lang.

Henry: “what’s up?”

Me: “just sketching. U?” Liar! Ayaw mo lang ipaalam na tutugtog ka dapat ng violin. Ayaw mo rin lang ipaalam na tumutugtog ka nun!

Henry: “soundtrip. :D”

Me: “ah. Hehehehe.” Ok?

Wala na akong masabi kaya yan lang. T_T

Hindi na sya nagreply pa. haist.

Hindi na rin ako nagtext pa. nawalan na rin ako ng gana tumugtog. Humiga na lang ako sa kama ko. bigla na namang tumunog phone ko.

Henry: “fave hobby mo ba talagang magsketch or drawing? J”

Me: “yep. Hehehe. What abt u? ano fave hobby mo?” oh ayan ha! Dnugtungan ko na! hehe XD

Henry: “fave hobby? Hmm… sketching din. Hehe :p”

Really? Same kami ng hilig? Waah!

Me: “ah. Hehehe…” wala na naman akong masabi. >_<

Henry: “it’s getting late. Good night! See you at skul. Mwah! J”

Ok? “mwah”? ano yun?? Waaah!!! O_O

ALUMNI HOMECOMINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon