closer

18 0 0
                                    

*present time…*

Agad kong nakita si Alice na nanonood ng cosplay. Agad ko siyang kinalabit at napalingon sya sakin.

“uy.” Bati ko sa kanya.”

“nood muna tayo ha.” Sabi ni Alice.

Hindi na siya nerd ngayon.

Medyo tahimik pa rin siya pero hindi na kagaya ng dati na walang alam gawin kundi magbasa ng magbasa. Minsan gumigimik na kami every Friday at week ends.

Katulad ngayon. Sabi niya stress reliever daw. Sa laboratory ng pamilya siya nagtatrabaho kaya minsan free din siya.

Nanood na din ako. Haist. May naalala na naman ako…

[flashblack…]

Nakaupo ako sa chair ko while sketching nang may inilapag na papel si Alice sa desk ko.

“announcement daw para sa mga org presidents.” Sabi niya saka bumalik sa chair niya.

Binasa ko ito.

Meeting na naman pala para sa darating intramurals two weeks from now.

*Student Council room…

“since one week ang intrams natin, hindi naman pwede na puro sports lang lahat ang maging activities sa school natin. Kaya napag-usapan naming ni Andrew na maglagay ng booth at ia-assign naming kayo via draw lots kung anong booth ang ima-manage niyo. Ayos ba iyon? Pero excempted na ang org ni Joshua since sila ang in charge sa lahat ng intermission number at sila din ang in charge para sa play para sa final day ng intrams.” paliwanag ni Pres.

Tumango lang ang lahat.

Nagsimula na ang palabunutan.

Ang nabunot ko? -__- cosplay café booth. Naman!

Paano nangyari yon?

Pero mas natawa ako sa booth ni Alice.

Marriage booth?! Ha! Haist.

Pero nakakainis pa rin. Bakit hindi na lang horror booth ang nakuha ko?

“So now that you already have your assigned booth, you’re going to submit the things you needed for your booth para maiprepare natin ito ahead of time.” Huling paalala ni Henry.

The next day nagpatawag naman ako ng meeting para sa org ko.

“So guys, ang booth natin ay cosplay café booth. May idea na tayo about it, right?” nagsitango ang members ko sa tanong. “since this is our headquarter, ditto ang official booth natin. All we have to do now is to discuss kung anong mga characters ang gagamitin natin pati na rin ang shiftings.”

Nagtaas ng kamay si Matthew.

“yes?”

“Suggestion lang, Pres.”

Umikot ang mata ko. I hate being called “Pres”!

“hehe! Sensya na.” ^__^v “as I was saying, why not divide our group into two? The first group will be the morning shift while the second group will be the afternoon shift?”

Nagsitanguan na ang lahat ng members kahit ako nagustuhan ko ang idea niya.

“okay, we’ll have a draw lots. Kung sino man ang limang makakuha ng #1, sila ang morning shift, meaning, from 8-11am ang shift. While #2 will be in charge from 2-5Pm. Ok na ba yon?” tanong ko. Pumayag naman silang lahat.

Ito ang gusto ko sa org na ito. Wala nang tanong tanong pa. hehe.

Nagpalabunutan na uli kami. #2 nakuha ko. Buti naman. Hehe. At least sa hapon ako.

“okay, so now, napagdesisyunan naming gayahin na lamang ang outfits ng maids/servants sa Maid Sama na anime series. So I came up with these outfits.” Binigay ko sa kanila ang prited nang mga pictures ng outfits. “as for the boys, don’t worry, hindi naman kayo magco-cross dress. Dahil characters from Naruto and Bleach ang magiging costume niyo.”  Actually, tatlo lang naman ang lalakeng members ko eh. Si Matthew at ang dalawang junior staffs.

“bukas ko kukunin ang mga sizes niyo ah. Uhm.. Sunny, paki-print mo na lang ang list ng kailangan nating materials.” Pakiusap ko kay Sunny, ang secretary ko.

“sure.”

Lumabas na ako ng room natin at dumaan na muna sa library.

Tumingin ako sa wrist watch ko. 10 minutes na lang before magclose ang library.

Di ako pwedeng ma-delay dahil today ko dapat isauli yung librong hiniram ko. ayokong magkasanction noh!

Nagmadali na ako. Ayown! Nakaabot pa ako. Hehe. Buti naman.

ALUMNI HOMECOMINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon