XVII: BRING IT ON

63 2 0
                                    

"Ms. Olivia, takot ka ba mainitan? try out ito! 'wag mong pairalin ang kaartehan dito! sabi nila magaling ka daw na player pero simpleng init lang iniiwasan mo? aba! hindi ito fashion show! nakashorts ka nga pang  volleyball wala ka namang proteksyon sa tuhod, nag-iisip ka ba!?"

pagsermon ng napakasungit na coach namin kay Via. It's our first try out para sa volleyball at puro babae lang ngayon. Naawa naman daw ako kay Via. Ano bang nagawa niyang mali? Naiwan nga kasi niya 'yung letcheng para sa tuhod na 'yun!

"N-nakalimutan ko po kasi coach. S-sorry. Hindi na mauulit." buong pagpapakumbabang saad ni Via but her fists are closed and I can really feel her.

"Dapat lang! Dahil sa susunod na hindi ka nakaproper attire, hindi ka maglalaro! Atsaka kayong dalawa, You and Ms. Kate, maghiwalay nga kayo kahit sandali lang, para kayong mga tukong nakakapit sa isa't-isa! What are you good at ba Ms. Kate?" tanong nito sa akin. Anong what am I good at? wala na bang mas ililinaw pa 'yung tanong niya?

"W-what coach?" pautal kong tanong dito dahil nga sa nakakatakot siya tumitig.

"My gosh! hindi mo ba nadinig? I said what are you good at in volleyball? Magkaibigan nga kayo, hindi kayo marunog makinig!" hala  naman this maldita. Wala kaya siyang binanggit na volleyball, ang sabi niya lang naman what am I good at. Parang tanga lang e. Sasagutin ko sana na magaling akong lumamon e at baka malamon ko siya ng buhay!

"R-recieve coach."

"How about you Olivia?"

"Service and tossing coach." diretsong sagot ni Via dito at nakipagtitigan pa.

"Great! maghiwalay kayo. Two teams. Listen students lahat ng magaling sa recieving your team is on Kate's team, lahat ng magaling sa service is on Olivia's" demanding na utos nito. sarap bangasan pramis! sarap gasgasan ng maganda niyang mukha!

"Now let's have our try out! titignan ko kung sino talaga ang pangvolleyball at pang basketball ko for the women others are for substitution, and the rest for the cheering squad. Show me you're capable of beating the other departments!"

napakademanding naman ng maldita na 'to! as far as I remember kasi hindi pa kami nananalo sa Education department! Mga alamat 'yung mga nagteteacher na 'yun e. Dapat nga nagatleta nalang sila!

"Ano pang inaantay niyo? move it! lalamunin na kayo ng net niyan! Kate's first six on the other side, and Olivia's on the other side!"

at dali dali na kaming namili ng aming first six. Bago kami maghiwalay ng tuluyan ni Via, nagtitigan muna kami sandali and then raised our head a little and our chins up. Senyales na tinatatanggap namin ang hamon kaya maghanda handa 'tong Dex na 'to dahil papakitaan namin siya ng galawan ng isang tunay na Diyosa.

Pumito na si ang malditang coach para sa first set, up to 15 points lang daw para mabilisan. Hang harte.

First service was on Via's team.

"Baba!" I yelled at my members for them to be awake and get ready for recieving the ball from the other side of the court. It was Via's serve kaya expected na na mataas at malayo. Alam ko ako lang ang kayang magrecieve ng ganun na serve dahil parang wala pa sa wisyo maglaro ang mga miyembro ko. I looked nothing but the ball, I stepped back, and prepared myself for it.

"Ouch!" hindi ko naiwasang mapasigaw dahil sa lakas ng impact ng bola. Masakit 'yung tama e, I even crouched much to return it politely to the other team, a dig pass.

"Ayan nanaman 'yung bola!" sigaw ng aanga anga kong miyembro na medyo nasa harapan.

"Tirahin mo na pabalik!" at aligaga niya itong nirecieve pero sa ibang direksyon napunta ang bola at naoutside pa. Darn it, they scored first. Pero nagsisimula palang!

Enduring Betrayal (COMPLETED)Where stories live. Discover now