XXI: My Final Hell

98 2 0
                                    

"Don't you dare repeat what you've said again! I'm not weak you slut!"

he entered the room again while holding a piece of 2x2 wood in his hands. he slammed me as hard as he can.

"Ano!? Masakit!? Sabihin mong hindi! Sabihin mong hindi!!"

"H-hindi"

he slammed my lower body again. dahil dun nagising si Kate.

"Wag! tama na Damien! Sobra na! hindi mo ba nakikita hirap hirap na si Via!"

"Sinong nagsabing magsalita ka!?" nilapitan niya si Kate at hinampas niya ito sa binti ng paulit-ulit.

"Tama naaaaaaaaa!"

"Ako ang magsasabi kung kailan ako titigil hindi kayo!"

Hinang hina na ako sa pananakit nila. Gusto nang sumuko ng katawan ko. Naaawa man ako Kate, wala akong magawa.

"Akala mo naman kung napakalinis mo! e pareho lang naman kayong malandi! Bakit hindi mo sabibin kay Via ngayon lahat ng tinatago mong sikreto?"

"S-sikreto? Anong sinasabi niya Kate?"

"H-huh?" namumula si Kate. iniwas niya ang tingin sa akin. meron nga ba siyang tinatago?

"Ano Kate? Hindi mo masabi? ako magsasabi! 'Yang magaling mong kaibigan, siya lang naman ang umagaw sa one great love mo! matagal na silang nasa fixed marriage at pagkagraduate na pagkagraduate niyo, ikakasal na sila! ang landi niya diba? hindi ka ba makapaniwala?"

"A-ano? inagaw sino? s-sino ang ikakasal?"

"Tanga! Bobita! Sino bang pinag-uusapan natin? Diba si Kate? Diba 'yung magaling mong best friend kuno? Siya 'yung ipinalit sayo nung Dean mo nung High School palang kayo! Nagulat ka? 'wag na, pareho naman kayong malandi, kaya nga kayo magkaibigan diba?? ilang taon na kayong magkasama pero hindi niya ni minsan sinabi sayo! makasarili kasi siya! sarili niya lang ang iniisip niya!"

"H-hindi totoo 'yan. K-kate? sabihin mong hindi totoo lahat ng sinabi niya!" nangingilid na ang mga luha ko, pero hanggang sa huli ayokong maniwala.

"S-sasabihin ko naman talaga dapat Via e. I-inunahan lang nila ako. G-gusto nila tayong masira Via. Please sko ang pakinggan mo" she's talking between her sobs. but when she confirmed it herself, galit nalang ang naramdaman ko. Hindi ko na siya pinakinggan pa.

"P-pano mo nagawa sakin 'yun Kate? Alam mo ang lahat ng nangyari sa amin, akam mo kung gaano ako nasaktan at nahirapang umusad, tapos ikaw pala ang pakakasalan niya? What the hell Kate! What are you? Paano mo nakayang makasama ako ng may itinatago ka? Paano!!?"

"Huminahon ka Via. Maniwala ka, hindi ko ginusto lahat 'to! humahanap lang ako ng tsempo, maniwala ka please!"

"For almost three years, humahanap ka parin ng tsempo? Fuck that! You're unbelievable!!" bumuhos na ang pinipigil kong luha. Parang namanhid lahat ng parte ng katawan ko. Hindi ko na maramdaman ang sakit ng pisikal kong katawan, mas masakit sa loob. Para akong sinaksak ng paulit ulit ng mga taong mahal ko mismo.

"What a sight to see! ang saya niyo namang nakikitang nag-aaway! Pero tama na, moment ko 'to! hindi sa inyo! tsaka na kayo magdramahan!" tuwang tuwang nanonood sila Jirah. pakiramdam ko pinagtutulungan ako ng lahat. wala akong kakampi.

Kinalas ni Dex na wala paring bakas ng emosyon sa mukha ang kadena ko. Si Jirah naman kay Kate. Halos sabay kaming sumalampak sa sahig dahil sa sobrang sakit ng katawan namin. I tried my best not to look at Kate. Naghahalong awa, sakit at galit ang nararamdaman ko. At the first place, hindi na siya dapat nadamay dito. Pero hindi ako makapaniwalang tatraydurin niya ako.

Enduring Betrayal (COMPLETED)Where stories live. Discover now