XX: A Taste of Hell III

82 4 0
                                    

"Ang ganda naman ng buhok mo Via. Pagandahin natin lalo? Siguro bagay mo ang maikli ang buhok. Try natin ha?" itinaas niya ang hawak niyang gunting..

"Sandali, 'yung pilik mata mo pala muna. Pikit!"

"Please Damien, tama na!"

"Sshhh, masyado kang maingay. Pipikit ka ba o pabubukahin ko 'yang sugat mo?" agad akong pumikit sa takot. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko.

"Good girl talaga. 'Wag mong ididilat sandali lang 'to promise." naramdaman ko ang malamig na dampi ng bakal sa mata ko. Ginupit niya dahan dahan ang mga pilik mata ko.

"Ayan! I think mas bagay mo 'yan. Hintayin mo nalang ulit tumubo."

Hinawi niya ang buhok ko hanggang sa matakpan nito ang buo kong mukha.

"Stay still my dear. Bibigyan lang kita ng bagong hairstyle." pinutol niya ang buhok ko sa paraang gusto niya. Ginupit niya ng ginupit hanggang sa nakuntento siya.

"Look at yourself in the mirror. You look so perfect!" ihinarap niya ang salamin sa akin at nakita ko nga ang itsura ko. Pinagmukha niya akong lampaso. Nakakainis. Pero wala na akong pakialam. Hindi na importante ang itsura.

"I look so perfect. Really. Masaya ka na?"

"Hindi pa e. Hindi pa."

"Ano ang kasalanan ko sayo ha? sobra naman yata kayo"

"Anong ginawa mo? iisa-isahin ko. Pero bawat rason, may isang paso ng sigarilyong kapalit. Game?"

"N-nevermind"

"Oh, akala ko ba gusto mong marinig? gusto mo e."

"H-hindi na."

"O sige, si Kate nalang ang papasuin ko. Pero sasabihin ko na sayo."

"Don't! Okay na. Hindi ko na gustong marinig."

"Ano? gusto mo? 'wag ka mag-alala, mabait naman ako, nararamdaman ko gusto mo din marinig. Pagbibigyan kita!"

"P-"

"Shut the fuck up! hindi ko sinabing sumagot sagot ka! masyado kang matabil!"

agad siyang nagsindi ng sigarilyo at pinaso ako sa bandang braso. halos mapangiwi ako sa sakit pero pinigil ko. ngalay na ngalay na rin ang kamay ko dahil sa matagal na pagkakatali sa taas.

"I promised to give you a reason for every burn. Marunong akong tumupad ng pangako." tinignan ko siya ng matalim, wala na siyang puso. He closed his fists as he started to talk. Naramdaman ko ang galit sa kanya.

"Did you even once know that your mother is having an affair for so long?"

"Nagpapatawa ka ba? I know my mom Damien. Hindi niya kailanan nagawa 'yun at lalong hindi niya magagawa 'yun!"

"Really? Masyado mo naman yatang pinagkatiwalaan ang malandi mong ina." inilabas niya ang cellphone niya at parang may hinanap sandali.

"Nagpaalam ba ang nanay mo sayo nang mag out of the country siya last month?"

"Oo naman! Magkikita daw sila ng mga kaibigan niyang matagal niya nang hindi nakita."

"Then what is this?" he showed a picture of my mom kissing another man, not my dad. hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

"They look so happy right?"

"T-that's not true!"

"Come on Olivia. Nakikita mo na nga ayaw mo pang tanggapin."

"That has nothing to do with you anyway, e ano naman ngayon!?"

"Bobo! Ipapakita ko ba sayo kung wala lang yan? The man your mother kissed is my dad!"

"No way! sinungaling ka!"

"Magmula sa ina mo, hanggang sayo, pinatunayan niyo lang na malalandi kayo!"

"I-I didn't know Damien! I swear! Kailan mo pa alam?"

"Oh, Since High school, you pathetic bitch, you know nothing in this world!"

"Hindi ko talaga alam! Hindi ko akalain na magagawa niya 'yan. My mom is my role model." napayuko nalang ako sa pagkadismaya.

"My mom cried almost every night for years. If it's not because of that woman, your mom, maayos sana ang pamilya ko. Napakawalang hiya niya. Pinatulan niya ang isang pamilyadong tao. My mom has confronted that woman for many times. Pero hindi siya natinag. She said it's not her fault that my dad loved her. Pagkukulang daw 'yun ng mom ko kaya hindi niya kasalanan. Is that an acceptable reason? Tell me!"

"N-no, hindi ko talaga alam."

"Paano mo malalaman? E puro ka landi! hindi ka nga mapirme sa bahay niyo e. Hindi mo talaga malalaman! Now you've got to pay for what have that woman done on my family."

"A-ako nalang, 'wag si mama please!" umagos na ang luha ko sa halo halong nararamdaman ko.

"Kill your drama! 'wag kang magkunwaring mabait dahil hindi kapani-paniwala! Nakakasuka! You didn't know how my mom suffered, how my mom endured the pain that woman have caused, she even recieved beating from my dad because of that. Kung gaano kasakit sa mom ko, doblehin mo ang nararamdaman ko!" he pressed the lit of the cigarette on my stomach causing my shirt to be burned. I prevent my self myself from shouting out of pain.

"N-naiintindihan kita Damien, pero hindi mo kailangang gawin 'to." I'm crying, with my face seemed to be begging.

"Sinira mo ang buhay ko ng hindi mo nalalaman. Ngayon alam mo na! Baliw na baliw sayo si Raven, halos ibigay niya sayo ang lahat, sayo lang umikot ang mundo niya ng ilang taon, tapos sasaktan mo lang siya? Mas pinili ka niya kaysa sa akin Olivia. Iniwan niya ako sa ere. Siya lang ang nagparamdam sa akin na sobrang importante ko kahit hindi kami magkadugo. Sinamahan niya ako nung mga panahong wala akong kakampi at mag-isa lang ako. Pinatunayan niyang kaya ko pa pang magawa ang marami pang bagay. Naniwala siya sakin! He cared for me! Pero dahil lang sayo nagbago lahat ng 'yun! Mas pinili ka niya! Hindi mo alam kung gaano kasakit 'yun sakin. Hindi mo alam ang pakiramdam ng maiwan! ng ipagpalit! ng ipamukha sayo na hindi ka kayang mahalin nang dahil sa hindi ka tunay na babae. Wala kang alam sa nararamdaman ko Olivia. Puro ka pasarap! Ni hindi na nga mabilang kung ilang lalaki na ang niloko, pinaasa at sinaktan mo! ganoon na ba kasaya 'yun para sayo? sarili mo lang ang iniisip mo! you're a selfish bitch!!!" he slapped my wounded cheeks with all his might napasigaw ako dahil hindi ko na kinaya ang sakit. I looked at Kate. Nawalan na siya ng malay sa kakaiyak. Gustong gusto ko na talagang makatakas kasama siya.

"You know nothing in my life too Damien. Don't talk as if you know everything! Hindi ko ginusto lahat ng nangyari sa buhay mo! Masyado kang dumepende sa ibang tao. Hindi mo ba kaya mabuhay mag-isa? Hindi siya ang buhay mo Damien! may sarili kang isip, may sarili kang buhay! masyado kang mahina!"

"Stop it!!" hindi ko alam kung anong nangyari pero naapektuhan yata siya sa mga sinabi ko. Umalis siya sa harapan ko ng umiiyak. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko tapos na.

Akala ko lang pala.

Enduring Betrayal (COMPLETED)Where stories live. Discover now